Chapter 14.

235 11 0
                                    

Third Person's POV.

Nagtutukan ng baril ang dalawang taong nasa dilim.

"Denessa Sebastian, wait mali. Hennessy Cruz ang nag iisang taga pagmana ng mga Cruz akalain mo nga naman."

Tumawa ang lalaki at kasabay non ang luhang tumutulo sa kanyang mga mata.

Hindi sila natinag dalawa at walang makikitang emosyon sa mukha ng dalaga habang nakatitig ito sa kaharap.

"Ang bobo ko para mahulog sayong demonyo ka."

Lalong humigpit ang hawak ng dalaga sa baril dahil sa narinig nyang salita.

'Demonyo?' bulong nya sa sarili nya.

"Wala akong alam sa sinasabi mo Tyler."

"Ikaw ang matagal ng hinahanap ng mga Cruz at ang matagal ko na ring hinahanap."

Nagpaputok ang binata sa gilid ng ulo ng kaharap.

"Sa likod ng maamo mong mukha, may tinatago ka rin pala."

Muling nagpaputok ang binata ngunit hindi nagpasindak ang dalaga.

"Huli na kita Black widow. Huli ko na ang pumatay sa kapatid ko."

Mas lalo nyang itinututok ang baril sa babaeng minamahal nya.

"I'm done chasing you, my love."

At umalingawngaw ang isang putok na tatapos sa buhay ng isa sa kanila.

Agad na napalikwas ang dalaga na habol hininga habang nakahawak sa dibdib nito.

'Panaginip lang pala.' napabuntong hininga sya at nagpasalamat sa Diyos na isa lamang itong masamang panaginip.

Hindi nya ata kakayanin kung sakali mang dumating ang araw na magtutukan sila ng baril ng lalaking minamahal nya—ang lalaking pinag alayan nya ng puso nya.

Hindi nya inalintana ang pangalang tinawag sa kanya ng minamahal sa panaginip nito.

Lingid sa kaalaman nya ay may dalawang pares ng mga mata ang nanonood sa kanya mula sa kalayuan.

"Malapit na Hennessy. Malapit ka ng suklaman ng lalaking pinaka iingatan mo ngayon." bulong ng binata.

Denessa's.

Mula ng naalimpungatan ako kanina ay hindi na ako natulog ulit sa takot na baka maulit nanaman ang napanaginipan ko.

It's already 2:30 am at dapat ay mahimbing ang tulog ko kung hindi dahil sa bangungot ko.

Lalo akong binalot ng takot dahil don. Matagal ko ng alam na kapatid ni Tyler si Tyron na nangrape sa best friend kong si Yel.

Wala sa plano ko ang mahulog sa kanya pero heto na, nangyari na kaya natatakot ako. Natatakot ako sa posibleng mangyari sakin—saming dalawa once na malaman nya ang totoo.

Matagal ko ng tanggap sa sarili ko na darating ang araw na to na kailangan kong pagbayaran sa kinauukulan lahat ng kasalanan ko pero hindi sumagi sa isipin ko ang magiging reaksyon ng ibang tao.

Niyakap ko ang unan ko at dahan dahang pumatak ang luha sa mga mata ko dahil sa tindi ng emosyon na nararamdaman ko.

Takot, pangamba, pagsisisi, at pighati ang nararamdaman ko.

Takot na baka bago ko pa makilala ang mga totoo kong magulang ay nasa likod na ako ng malalamig na rehas.

Pangamba na baka pag nalaman ni Tyler ang totoo ay kamuhian nya ako.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon