Chapter 2

21 2 0
                                    

- Part 2 -

( Same present time )

3rd Person's POV

Having a million mindsets, confusions and struggles still she faced it, kahit na labag sa buong kalooban nya.

Celina heave out a long sigh while riding in a cab.
Iniisip kung tama ba yung desisyon nyang iwan mag isa yung nanay nya sa bahay na hindi gaanong maayos ang kalagayan.
Pero kahit ganun pinilit parin sya nitong sundin ang nais nya. Ang nais na mag aral sa pinapangarap nyang eskwelahan , kapalit ang mawalay sa piling nag kanyang nanay.
Iniisip nalang nya na para din ito sa ikabubuti nilang mag ina , para sa magandang kinabukasan nila kailangan nyang mag pakatatag.

Tulalang nakatingin lang sya sa signboard nang unibersidad na sisimulan nya nang pasukan.

" Euphoria University "

" kahit nakakaba , nakakalungkot , gagawin ko lahat para kay nanay. Sana maging maayos at masaya ang pananatili at pag aaral ko dito. "

Bulong nya sa sarili habang nakatinging malinaw sa taas , palakad na sya dapat nang saktong may bumangga sa kanya dahilan para mapahinto sya at mabitiwan ang build bag na hawak nya.

" I-Im sorry ! D-Di ko sinasadya "

Rinig nyang salita nang lalaki na ngayon ay nakayuko na para abutin yung bag nyang nalaglag para iabot ito sa kanya.
Pagka ahon para iabot yung bag pabalik sa kanya ay nahinto sila pareho nang sabay na nagtama yung mga mata nila.

Marahang kinuha agad ni Celina sa kamay nang binata at mariing nag bow dito.

" ahh salamat "
" a-ah wala yun , pasensya na din di ako tumitingin sa dinadaanan ko "

Nangiti nalang si celina at nauna nang naglakad palayo sa lalaki, dahil sa kakaiba nyang naramdaman nang magtama yung mga mata nila.
Sa pagpigil narin nya sa sarili para di malayo ang atensyon sa pag aaral kaya nya minabuting lumayo.
Pero yung buong detalye nang mukha nang binata na yun ay di nya malilimutan.

Nakarating na sya sa office of reg nang university para mag check nang form at kuhain ang apartment room kung saan sya tutuloy at ang sched nya sa buong semester..agaran naman nya itong nakuha.

" Mabuti nalang magigiliw at mababait ang mga empleyado at facilitators dito"

Masya nyang sabi sa sarili habang palakad na patungo sa apartment na naka assign sa kanya nang mapansin nya ang isang binata na sumasapo sa ulunan nito at mukhang hindi maganda ang lagay habang nakahawak sa pasimano.

Agad nya itong nilapitan ,

" Ahh ayos ka lang? "

Tanong nya dito nang mapansin nyang nasa sahig na yung form na kanina ay hawak nang lalaki. Agad nya din itong kinuha at iniabot dito.

" T-Tara sasamahan kita sa clini-- "

Napahinto sya nang hawakan nang lalaki yung kamay nya para pigilan sya.

" A-Ayos lang ako , medyo sumakit lang yung ulo ko , salamat miss "

Lalakad na dapat ito palayo nang bigla nya ulit sapuhin yung ulo nya, kaya agad sya ulit sinundan ni celina at minalasakitang tulungan yung lalaki na mahanap ang apartment room nito..

Ilang minutong pag hahanap ay napuntahan na nila ito , sa itaas lang din nang apartment niya.

" Apartment room 97! Here you go -- "

PurposeWhere stories live. Discover now