Night Shift Brothers - VI

6.8K 315 27
                                    

A/N : Enjoy Aeron's POV! ♥



 

Aeron's POV


"Pakidala naman sa table 7 'to, Ae,"  utos sa'kin ng aking ka-trabaho na si Pia. Agad ko namang kinuha sa kaniya ang tray at ibinigay sa designated table.

Nang natapos kong ilagay ang pagkain sa lamesa kapagkuwan ay may tumawag sa akin.

"Excuse me!" tawag ng lalaki at agad akong lumapit sa table niya.


"Yes po, sir?" tanong ko sa kaniya at binigyan siya ng pinaka maganda kong ngiti na kahit na sino'y maaakit dahil sa karisma nito.

I can smell him, he's gay.

Ngumiti siya sa akin pabalik at binigyan ako ng isang napaka lagkit na tingin. "Aah, palinis naman po ito," sabi niya at itinuro ang kaniyang pinagkainan.

Ngumiti ulit ako sa kaniya at tumango. Sinunod ko ang sinabi niya at napansin ko siyang lumilingon-lingon sa paligid na para bang tinitingnan kung may mga nakatingin sa'min.

"What's your name?" pabulong niyang sabi at umusog ng upuan papalapit sa'kin.


Tinuro ko gamit ang aking nguso ang tag-name na nakadikit sa dibdib ko at nakita niya naman ito. "Oh... Aeron," basa niya at napa kagat sa labi.


"What can I help you with?" mahina kong tanong habang nakatitig sa mga mata niya. Alam kong gumagana ang mga pakilig effect ko sa kaniya.


Namula siya sa simple kong sinabi.

"I think nakita na kita dati," sabi niya.


Sa Club, surely.

"You think?" tanong ko na may kasamang kindat.


Humagikgik naman siya sa ginawa ko at maya-maya'y naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa hita ko. "You're cute..."

"I know.." I proudly said with smirk lined on my lips.


Hanggang sa may nilagay siyang papel sa aking bulsa at nginitian ako.


"Call me..." bulong niya at naglakad na papalabas.


Dinukot ko ang papel na isinuksok niya at nakalagay roon ang number niya kasama ang... One thousand pesos.


Wow, nice tip. Not that bad.


Napangiti naman ako sa aking sarili at itinapon sa basurahan ang papel na may number niya.


Know where you belong, trash..

"Ae!" tawag ni Pia sa'kin mula sa loob.

Night Shift Brothers (✔)Where stories live. Discover now