Night Shift Brothers - XXXII

4.1K 172 2
                                    


Hope's POV



Kinabukasan,




"Halika Hope, sumama ka sa akin," mahinahong sabi ni Aeron at may nakaguhit na ngiti sa kaniyang mapulang labi habang nakalahad ang kaniyang palad.

Nagdalawang isip ako, ngunit tinanggap ko rin ang alok niya.

"Saan tayo pupunta?" Naguguluhan kong sabi habang naglalakad kami papunta sa kaniyang motorsiklo.


"May tiwala ka ba sa akin?" Tanong niya nang makasakay kami. Tiningnan niya ako mula sa side mirror upang hintayin ang sagot ko.

Tumango ako. "Oo, n-naman," utal kong sabi. Bakit parang iba ang kinikilos ngayon ni Aeron? Anong meron?

Nginitian niya nalang ako at nagsimula na siyang magmaneho papunta sa lugar kung saan man ako binabalak niyang dalhin.

Lumipas ang ilang minutong tahimik na biyahe kasama siya. Nakahawak ako sa kaniyang tagiliran, suot-suot niya ang palagi niyang suot na itim na jacket at hindi umaalis sa labi niya ang nakaguhit na ngiti.

"Surprise ba'to?" Suspetya ko at tiningnan siya sa side mirror. Tumingin siya sa akin pabalik at nagsalita.

"Take it as you will," sabi niya at binalik ang tingin sa daan.


Bahagya akong napatingin sa paligid. Isang mahabang daan nalang ang tinatahak namin, ang gilid naman ay puno ng damo at kulay pulang bulaklak. Tirik na rin ang araw pero hindi ko ramdam ang init dahil sa hanging humahampas sa katawan ko dahil medyo mabilis ang patakbo ni Aeron sa kaniyang motor. Honestly, I like this feeling. 'Yung tipong kami lang dalawang tao sa mundo, tanging si Aeron lang at ako. I liked it, very much. Sana hindi matapos ang feeling na'to.

"Can we be like this forever?" Mahina kong sabi mula sa likuran niya at niyakap siya. Ramdam ko ang kakaibang init sa aking mukha nang makaisip ako ng masasayang bagay sa amin ni Aeron.

"There's no such things like forever, Hope," sabi niya dahilan para magsalubong ang kilay ko.


"What do you mean?" Tanong ko at dahan-dahang kinalas ang pagkakayakap sa kaniya.

Tumingin kami sa isa't-isa mula sa side mirror. "What I mean is, lahat ng bagay ay may katapusan," sabi niya at ngumiti.


I know, but...

"Why are you being so pessimistic? Come on, let's just enjoy the moment," sambit ko.

Night Shift Brothers (✔)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin