Night Shift Brothers - XXII

5.3K 228 22
                                    


Hope's POV

Kinabukasan nang may mangyari sa amin ni kuya Blue at Princess ay hindi parin mawala sa isip ko ang kaganapang iyon..

It was HEAVEN!

Nagising ako ngayong umaga na may nakaguhit na ngiti sa aking mga labi dahil sa naalala ko.  Tila ba'y senyales ito na magiging maganda ang araw ng biyernes ko sa eskwelahan.

Nakangiti akong pumasok sa banyo at sinimulan nang igayak ang aking sarili sa pagpasok.

Oh God, I can't still believe it happened.


....


Naglalakad ako papasok sa aking classroom nang mapunta ang aking paningin sa dalawang pamilyar na taong nag-uusap sa hindi kalayuan. Hanggang sa napagtanto kong si Venus at France iyon.

Siguro ay nakikiusap nanaman si France sa ibang bagay para lang layuan ko na siya.

With heavy sigh, nagpatuloy na ako sa aking paglalakad papunta sa aking klase. At 'di rin nagtagal bago pa man mag bell ay sabay na pumasok ang dalawa habang may nakaguhit na ngiti sa mga labi ni Venus, at si France naman ay kumakamot sa kaniyang batok.

Agad kong inalis ang tingin sa kanila at pinunta sa hawak-hawak kong cellphone.

Umupo si France sa dating upuan ni Venus at sa tabi ko naman umupo si Venus katulad nang napagsunduan nila.

Ewan ko, nalulungkot pa rin ako sa gan'tong set-up. Pero wala akong magagawa kundi tanggapin nalang na haggang dito nalang ang pagkakaibigan namin ni France... at ni kuya Aeron.

"Hope." Narinig kong sambit ni Venus. Hindi na ako nag-abalang tumingin sa kaniya bagkos ay tinaas ko nalang ang kilay ko habang nakaharap sa aking cellphone.

"Bakit hindi ka nag practice kahapon?"

Napatigil ako sa pagdut-dot sa aking cellphone at bahagyang napatulala sa screen nang maalala ko nanaman ang nakita ko kahapon sa banyo..

Si Maru at Jeff... shit!

"M-may kinailangan lang akong gawin kahapon," utal kong sabi.
 

Dahan-dahan siyang tumango habang pinupunta ang kaniyang tingin sa pisara. "Napansin ko lang, may iba nanaman bang kumakagat sa'yong insekto?" tanong niya.

Agad kong tinakpan ang aking leeg at bahagya akong nahiya sa sinabi niya
Shit! Nakita niya ata.

"H-halata ba?" Pabulong kong tanong sa kaniya. Nakalimutan kong takpan ang mga pulang marka gamit 'yung binigay niyang concealer sa'kin.

Ngumisi siya at tumango. "Oo halata, pero iangat mo lang ng 'onti 'to." Tinaas niya nang konti ang aking kwelyo tulad ng sabi niya. Aksidente namang napunta ang tingin ko kay France at nadatnan ko siyang nakaharap sa amin, ngunit mabilis din siyang umiwas.

Uhhmm..

"'Yan! Ayos na." Binigyan ako ng isang malaking ngiti ni Venus. "'Diba may binigay ako sa'yo para pangtakip d'yan? Bakit hindi mo ginamit?"
 

Ngumiti ako at kinamot ang aking batok. "Nakalimutan ko eh. Masyado akong lutang kanina pagkagising ko," nahihiya kong sabi at dumut-dot uli' sa aking cellphone.

"Ohhh, don't tell me may kinalaman d'yan ang bagong insektong kumakagat sa'yo?" suspetya niya at niliitan ako ng mata.

Tumawa lang ako at umiling. "Baliw ka talaga," mahina kong sabi.

Night Shift Brothers (✔)Where stories live. Discover now