Chapter 42

206 11 0
                                    

Everyday With You
Chapter 42

"Liezel, Liezel..." I groaned nung may tumatapik sa braso ko. Anong bang meron?

"Huy gising Liezel.." mukhang si Cessie ang gumigising sa akin, unti-inti kong minulat ang mata ko at nakita ko siyang nag-tatakang naka-tingin sa akin.

Nag-unat naman ako ng katawan ko habang mariing naka-pikit "Bakit dito ka natulog? Ang akala ko ba katabi mo si Antheia?" ang tanong niya sa akin na dahilan para mapa-tingin ako kung saan ba ako naka-tulog.

Nakita ko ang kaharap kong lamesa na punong-punong ng papel maging ang laptop ko na naka-sarado na. Mukhang dito na ako naka-tulog dahil sa mga gawain.

"Madami akong ginawa Cessie, nakatulog na pala ako dito" ang sabi ko kay Cessie, tumayo naman ako at inayos ang aking nga gamit.

"Kumain ka na, ako na ang nag-handa nung almusal atsaka gising narin yung alaga mo" natigilan naman ako ng saglitan, siguro naman umalis narin ang tatlo.

Lumabas naman ako ng opisina ako pero natigilan ako saglit ng marinig ang isang sigaw na paniguradong si Antheia.

Agad akong pumasok ng kusina at nakita ko si Antheia na nasa ibabaw ng lamesa.

"Antheia, bumaba ka sa lamesa!" sabi ko dito na dahilan para maagaw ko ang atensyon niya. Kumunot ang noo ko ng makitang andito pa si Daquis, anong ginagawa niya dito?

Agad namang bumaba si Antheia na inalalayan naman ni Daquis "A-Anong ginagawa mo dito?" ang nauutal na tanong ko sa kanya. Ang akala ko isanh araw lang siya dito?

"Kumakain" pilosopong sabi niya sa akin na dahilan para mapa-iling ako, sa tingin niya nakikipag-biruan ako?

Lumapit naman sa akin si Antheia "Good morning mommy!" sigaw niya at tumakbo palapit sa akin. Lumuhod naman ako at sinalubong ito ng halik sa pisngi.

"Good morning, baby" mukhang maganda naman ang tulog niya dahil kitang-kita ko parin ang mga linya sa kanyang braso at hindi ko rin narinig ang pag-iyak niya ngayong umaga.

"Mommy, bakit hindi mo katabi matulog si daddy?" ang tanong niya sa akin at naramdaman ko ang unti-unting pag-init ng mukha ko. Anong problema ko ngayon?

Sumulyap naman ang tingin ko kay Daquis na ngayon ay seryosong naka-tingin sa akin "A-Ah baby, nakatulog si mommy sa office e"

"Tss, ayaw mo lang ako katabi" bulong ni Daquis pero sapat na iyon para masama ko siyang tignan. Sa tingin niya tatabi ako sa kanya after five years?

"Good morning everyone!" halos lumabas ang boses ni East sa bahay dahil sa lakas nito, masama ko naman siyang tinignan dahil sa umagang-umaga ay napaka-ingay niya.

Pero nawala ito ng makita ang bag nila, aalis na ba sila? Mabuti naman, sabi ko na nga ba isang araw lang sila dito.

"Aalis na kayo?" kahit halata naman ay mas minabuti ko ng mag-tanong.

"Yes, aalis na kaming dalawa" ang sabi ni Jaochenn na dahilan para kumunot ang noo ko. Hindi ba sasama si Daquis sa pag-uwi nila?

"Hindi sasama tong isa?" bulong kong tanong ma dahilan para matawa si East. Bakit siya tumatawa?

"Hindi 'yan aalis e' andito ka atsaka yung anak niya" ang sabi nito na dahilan para makagat ko ang labi ko. Ang akala ko ba naman ay aalis na sila pero maiiwan pala itong isa.

"Tito!" sigaw ni Antheia at tumakbo para yakapin si East.

"Yow pamangkin" nakakalokong sabi ni East na dahilan para kumunot ang noo ko. Maiintindihan ba siya ng magiging anak niya kapag ganyan siya mag-salita?

AS 1: Everyday With YouWhere stories live. Discover now