Chapter 47

195 10 0
                                    

Everyday With You
Chapter 47

"Ayos na ba 'yang gamit mo?" tanong sa akin ni mama na dahilan para mapa-ngisi ako, hindi ko naman nilabas ang mga gamit ko at nasa maleta lang ito kaya wala namn siguro akong maiiwan.

"Ma, ayos na ho lahat" ang sabi ko para naman hindi na siya mag-alala, natapos narin ang kasal ni Kyla at Gio at ngyaon ay gabi na. Uuwi na ako gamit yung kotseng dinala ko dito sa Maynila.

"Sure ka bang ayaw mong ihatid ka namin?" tanong ni mama na dahilan para kumunot ang noo ko.

"Bakit ma, hindi na kailangan" sabi ko at nilagay ang huling damit sa maleta, na-spend ko naman ang dalawang araw ko dito sa Maynila. Masaya ako na nakadalaw ako dito kahit saglit lang atleast alam ko na kung ano ang kalagayan ng magulang ko at mga kaibigan ko.

"Ikaw lang mag-isa ang byabyahe, baka mamaya mapaano ka niyan" alam ko namang matagal ang magiging byahe ko pero gusto ko na kasing umuwi dahil miss ko na yung anak ko atsaka yung plantation.

"Ma, kaya ko na ho ang sarili ko" sabi ko at nilagay ang maleta sa sahig, lumabas na ako ng kwarto ko at sinundan naman ako ni mama sa pag-baba ko.

"Ay siya, mag-ingat ka nalang. Ikamusta mo nalang ako kay Antheia, sa pasko ko nalang siya makikita" usal ni mama na dahilan para tumango ako bilang pag-payag, dadalhin ko talaga si Antheia dito para kumpleto kami.

Kinuha ko naman ang purse ko at lumabas na ng bahay, sinulyap ko naman ito dahil sa maiiwan ko nanaman ang unang tahanan ko. It's a great experience na bumalik ako dito sa Maynila pero may buhay narin kasi ako sa Oriental Mindoro kung saan tahimik at malayo sa judgment ng tao.

Niyakap ko naman si mama "I will miss you, alagaan niyo ang mga sarili niyo" sabi ko dito at pinaparamdam sa kanya ang oras na natitira. I will miss my parents, masaya ako dahil masaya sila na bumalik ako, na nakita nilang ayos ang anak nila.

"Alagaan mo rin ang sarili mo, I love you anak" humiwalay naman ako kay mama at hinalikan nalang siya sa pisngi, nilagay ko sa compartment ang maleta ko at papunta na dapat ako sa driver's seat ng bigla kong makita si Daquis.

Kumunot ang noo ko sa kanya dahil muli niyang dala-dala ang maleta niya "Anong ginagawa mo dito?" mas naunang nag-tanong ni mama at halata ang inis sa kanyang boses.

Napunta naman ang tingin sa akin ni Daquis "Sasama ako.." ang sabi niya sa akin na dahilan para mag-pakawala ako ng malalim na hininga, tila naalala ko nanaman ang sinabi niya sa akin sa reception, ang paliwanag niya kung bakit siya hindi nakabalik.

"Anong sasama--"

"Ma.." pag-putol ko kay mama at nakita ko ang pag-taas ng kilay niya sa akin, ngumiti nalang ako dito para naman humupa ang pag-aalala niya na kaya ko ang sarili ko.

"Ako na ho ang bahala, pumasok na ho kayo sa loob at gabi na" kahit na tutol si mama sa utos ko ay ginawa nalang niya, nag-titiwala naman siya sa akin dahil anak niya ako at alam naman niya kung anong plano ko.

Tuluyan ng napunta ang tingin ko kay Daquis at suminghap "Alam ba ng magulang mo?" ang tanong ko sa kanya at tumango naman siya bilang sagot sa akin. Walang gana nalang akong pumayag, wala naman siguro akong magagawa dahil nandito na siya.

"Ilagay mo na yung maleta mo sa likod" utos ko na sinunod niya naman kaagad, nung tuluyan niya na itong nalagay ay akmang papasok na ako sa kotse para ako ang mag-maneho pero pinigilan niya ako.

"Bakit?" nag-tatakang tanong ko sa kanya

"Yung susi.." ang sabi niya sa akin na dahilan para mas lalo akong mag-taka, ano namang meron sa susi? 

"Ako ang mag-mamaneho" nakita niya siguro na nag-tataka ako kaya ipinaliwanag niya kung bakit hinihingi niya sa akin ang susi. Agad naman umiling bilang sagot sa kanya, siya na yung nag-maneho last time.

AS 1: Everyday With YouWhere stories live. Discover now