Chapter 48

195 10 0
                                    

Everyday With You
Chapter 48

"Antheia, huwag ka masyadong magalaw.." ang sabi ko kay Antheia dahil sa pinupunasan ko ang basa niyang buhok. Kakatapos lang namin mag-laro at aaminin kong nag-enjoy naman ako pero hindi mawawala ang gutom dahil nag-laro kaagad ako.

Ayaw pa ngang umahon ni Antheia pero ang sabi ko next time naman dahil baka mag-kasakit siya lalo na't malamig rin ang hangin dito.

"Mommy, next time pasyal tayo with daddy" aya ni Antheia na dahilan para ngumiti ako, parang siya ang nag-plaplano ng mga pupuntahan namin. Gusto niya talagang lagi kaming kasama.

"Okay baby but I will check my schedule first kasi sa susunod na mga araw busy si mommy"

Alam naman ni Antheia kung anong klaseng hirap ang pag-papatakbo sa plantation, minsan nga ay nakita niya na akong hindi natulog dahil kailangan kong gumawa ng mga papeles and then naawa siya sa akin.

She said na dapat hindi ko gawin ang bagay na iyon, I should take care of myself also at galing iyon sa kanya.

And also sa plantation ay madami narin ang kumo-contact sa akin at sa palagay ko kakailanganin ko na si Cessie para asikasuhin ang mga investors. Hindi ko naman kakayanin ang madaming papeles.

"We'll do that baby" bungad naman ni Daquis na dahilan para mapa-tingin ako sa kanya at maliit na napa-ngiti. Alam ko naman na nag-enjoy rin siya, para ngang saglitan naming kinalimutan ang pag-kailang namin dahil sa saya.

"And also picnic mommy" natutuwang sabi ni Antheia na dahilan para tumango nalang ako bilang sagot.

Natapos naman ang pag-papatuyo ko ng buhok ni Antheia at agad akong tumayo. Palabas na sana ako ng kwarto nito ng biglang makita ko ang mga drops ng water na dahilan para sundan ko naman kung saan ito nanggagaling.

Nang umangat ang tingin ko ay nalaman kong nanggagaling pala sa basang buhok ni Daquis ang mga tulo ng tubig na dahilan para kunutan ko siya ng noo.

"Basang-basa yung buhok mo Daquis" sabi ko sa kanya na dahilan para hawakan niya ang buhok niya at suklayin ito palikod, napa-iling naman ako at kaagad na pinunasan ang basa niyang buhok.

Nanatili ito na dahilan para malaya akong mapa-tuyo ang buhok niya, mabuti nalang at hindi ko na kailangang tumingkayad dahil sa naaabot ko naman ang ulo niya.

Habang pinupunasan ko ito ay naka-takip ang kanyang mata na dahilan para mapa-tingin ako sa labi niya.

Naramdaman ko ang mabilis na pag-tibok ng puso ko maging ang mahigpit na pag-hawak ko sa towel. I still know the feeling of his lips into mine and I can feel my body being turned on.

Shit!Liezel, ano bang iniisip mo? Nasa kwarto ka ng anak mo at dito mo pinapantasya ang labi ng lalaking to. Nanginig ang labi dahil sa nararamdaman na para bang sasabog na ang puso ko, damn that lips!

Dahil baka mawala na ako sa ulirat ay kaagad kong tinanggal ang towel sa ulo ni Daquis at parang nagulat pa siya, agad ko naman siyang ningusuan.

"Tss, kaya mo naman bakit ko pa kailangang gawin" ang sabi ko at binato sa kanya ang towel, agad kong nilisan ang kwarto pero narinig ko ang mahina niyang tawa na dahilan para mariin kong mapikit ang mga mata ko. Baliw ka talaga Liezel!

Nag-tungo naman ako sa baba at halos matumba ako ng makita ang isang babae na naka-suot ng floral dress at naka-sandals pa. Sinong nag-papasok sa kanya dito at anong ginagawa niya dito?

"Uh, excuse me" ang sabi ko dito na dahilan para mapunta sa akin ang tingin niya, nakita ko ang tuwa sa kanyang mga mata at naramdaman ko ang biglang pagkairita.

AS 1: Everyday With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon