Uno: Ehu girl

17 3 6
                                    

Nagising ako nang marinig ang tunog na nanggaling sa phone ko. I groaned. Bwiset, ang sarap sarap ng tulog ko tapos may istorbo.

Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung kanino nanggaling ang text na iyon. It was Amelia's. I read her message.

From Amepanget:

Damn Elise! Nasa'n ka na ba? Ang tagal mo namang tumakas babaita ka! Bitch ka talaga!

Unti-unting lumaki ang mga mata ko at doon lamang nagsink-in ang message sakin ni Ame.

'Damn! May lakad nga pala kami!'

Agad akong tumayo at mabilis na nagtungo sa bathroom ko. Magcu-club nga pala kami. But I was grounded, and my mom doesn't allow me to go anywhere. It was that time when I decided to escape from her.

Nababagot na ako dito sa bahay kung kaya't kaninang 8 pm ay tinext ko si Ame at inaya siyang magclub, she asked me kung papaano si mama and I told her na tatakas nalang ako. She's my best friend since 4th grade by the way.

'I need to unwind, pakiramdam ko ay nasusuffocate ako dito sa kwarto ko.'

Binilisan ko ang pagligo ko matapos kong magbrush, at patakbong tinungo ang closet ko.

"Hmm, let's see what clothes should I wear." Ani ko habang iginagala ang paningin sa closet.

'Should I wear a dress? No, that's common. I want something unique.'

'What about a bikini? Hell freaking no, it's a bar, not a beach.'

'How about a jeans? Fuck no, people will talk to me saying that I don't have a great taste on fashion.'

Muli kong iginala ang paningin ko sa closet ko at nakita ang babagay na damit para sa'kin ngayong gabi.

I wear a nude colored strapless brassiere at isang kulay itim na crop top, iyong hapit at kita ang pusod, and a cargo pants. I know all of you might think that it's weird since sa bar ako pupunta at hindi sa isang galaan pero ano bang pake niyo? Ako naman ang mapapahiya, hindi kayo.

At isa pa, hindi ako pupunta doon para makipagparty sa mga lasing, I want to go there because I need a drink, that's all.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Of course I have duplicate key, isa ang nakay mama, isa ang nasa sakin.

Nang tuluyang makalabas ay agad akong pumunta sa garahe, hindi ko kukunin ang kotse ko kasi baka makita ako, dumeretso ako doon dahil mayroong emergency exit, at trip kong doon lumabas para makatakas.

"Ehem." Tuluyan na sana akong makakalabas nang may narinig akong nagsalita.

I stilled. Hindi magawang mag-fuction ng utak ko, para bang na-mental block ako at hindi makahinga ng maayos.

'Tatakas ka na nga lang tapos epic fail pa!' Kontra pa ng utak ko, bwiset talaga.

"Elise." Shit. Sinubukan ko pading lumingon kahit na nanginginig na ang mga tuhod ko.

"O-oh?" Tinaas ko pa ang isang kilay ko. Wala, feeling mataray lang ganon.

"At saan ka pupunta?" Bwiset na Xevour to, napairap ako ng wala sa oras.

"Paki mo ba?"

"Uh--baka gusto mong isumbong kita kay Mama?"

I rolled my eyes again, "Sumbungerong epal."

"Correction, gwapong sumbungerong epal." He winked. Err--disgusting!

"Pwede ba, Xevour? Tigilan mo ko, and don't you ever tell this to mom. I swear, I'll kill you." Gigil kong sabi sa kanya.

𝒆𝒉𝒖 𝒈𝒊𝒓𝒍Where stories live. Discover now