Dos: Fiancé

12 3 16
                                    

"Argh! Ang bigat-bigat mo! Hindi ko alam kung epekto ba to ng dami ng alak na ininom mo o nagpapabigat ka lang talaga!" Todo ang reklamo ko habang pinipindot ang button ng elevator papunta sa condo ni Ame. She already passed out. Ugh, sa susunod ay hindi ko na ito isasama kapag pupunta ako ng bar.

"I hate you! I was supposed to be the one who's wasted right now! Not you!" Nang makarating sa harapan ng condo niya ay pilit kong inaabot ang button para sana ay makapasok na kami sa loob pero hindi ko ito maabot dahil humaharang si Ame.

"Fuck!" Muntikan ko ng mahulog si Ame, mabuti na lamang at mayroong sumalo dito.

"Oh thanks." Ani ko at nang humarap ay nakita ko ang lalaki kanina sa bar.

He chuckled, "Now don't deny it, I know you need my help." Inirapan ko nalang ito at hinayaan si Ame sa mga braso niya.

"Sandali lang." Ani ko at pinagpipindot ang pin number nito, nang bumukas ay inaya ko ang lalaki na pumasok. Napangiwi pa ako nang makita ang nagkalat na undies ni Ame sa higaan niya.

'Juskopo, may kahihiyan pa bang natira sa babaeng to? Paano kung may unexpected na bisita or emergency?! Bakit ba niya iniiwan ang mga personal na bagay sa kung saan.'

Agad kong kinuwa ang nagkalat niyang undies at itinago sa ilalim ng bedsheet niya. Inayos ko din ito para kumportable naman siyang hihiga. "U-uh, pakitapon nalang siya dyaan." Pagtukoy ko sa higaan niya. Muli siyang tumawa. Oh god, why do I find it attractive?

Umiling ako at inalis ang kamanyakan sa isip ko. "T-thanks by the way." Ani ko nang ibinaba niya ng maayos si Ame sa higaan.

Lumingon ito sa'kin at ngumiti, "Always welcome." Freak! Ang gwapo shuta!

Alanganin naman akong ngumiti at nagpaalam na siyang aalis na. Tumango ako, at nang makaalis na siya ay inalis ko na ang damit ni Ame, leaving her undies, at pinunasan ang katawan niya. Napansin kong umuubo-ubo ito. Freak, magsusuka pa yata ang gaga.

Agad akong pumunta sa kitchen niya at kumuha ng plastic, mabuting dito na lamang niya isuka ang mga nainom niya. Pinipilit ko siyang gisingin ngunit hindi siya gumagalaw. Tsk tsk tsk, mamamatay na ata.

Nang matapos ko siyang punasan ay pinalitan ko na siya ng damit niya, I left a note and decided to go home. Bibilhan ko pa pala ng makakain ang epal na Xevour na iyon.

Nang maisara ang condo niya ay agad na akong umalis, sumakay na ako ng elevator at pipindutin na sana ang button sa 1st floor nang may biglang kamay na humarang doon. He's the guy earlier, again.

He pressed the 1st floor at muling ngumiti sa akin, naiilang man ay ngumiti nalang din ako sa kanya. Tahimik lamang kami at malayo sa isa't isa, napaka-awkward ng atmosphere kaya nagdecide na akong mag-open ng topic para hindi mapanis ang laway ko. "H-hey can I ask you something?" Tanong ko at agad naman itong tumango.

"A-about earlier, I-I'm sorry sa inakto ko but may I know kung papaanong nandoon ka sa may condo ni Ame? Tell me, stalker ka ba?"

An amused smile crept in his lips, dinilaan niya niya ang ibabang labi at muling humarap sa akin. Mas lalo tuloy naging halata ang pagkapula ng labi niya. "I live there."

Nagulat ako sa sinagot niya, "Y-you what?"

Ngumiti ito at ipinagkrus ang mga braso sa may bandang dibdib, nagulat ako nang bigla niyang inilapit ang mukha sa akin, hindi ako makahinga ng maayos at parang may gyera sa dibdib ko sa lakas ng talbog ng puso ko. Paano ba naman kasi, halos 1 inch nalang ang pagitan ng mukha niya sa'kin! Nararamdaman ko na ang ilong nito na tumatama kaunti sa ilong ko sa sobrang lapit ng mukha nito. Nang magsawa siyang titigan ako ay inilapit naman niya ang bibig sa tainga ko. Naramdaman ko ang pagtaas ng munting balahibo ko sa batok. Shit, ano bang ginagawa ng lalaking to?

𝒆𝒉𝒖 𝒈𝒊𝒓𝒍Where stories live. Discover now