Seis: Birthday

6 3 0
                                    

"What do you think? Saan ang mas maganda?"

Ipinakita sa'kin ni Ame ang silver na gown niya, hapit sa may bewang, may hati sa bandang cleavage at mataas ang slit. Sumunod niyang ipinakita ang red na gown, palobo ito at hapit din sa may bewang, maganda ang pagkakadisenyo.

"Yung red." Casual kong sabi sa kaniya.

"Ay ayoko, mas better yung silver." Punyeta. Napairap ako dito, siya na nga tong nagtatanong e.

"Bakit ba kasi kailangang mag-gown pa kung pwede namang dress nalang? Birthday party ang a-attend-an natin hindi isang prom or debut! Napaka-o.a naman niyan." Binigyan din kasi ako ng gown kanina ni mama. Color blue ito na medyo palobo, may mga designs na color silver sa gilid. At talaga namang sobra ang hati sa may bandang dibdib. Jusko, ano ako, stripper?!

"Beh, bigatin yun, okay?! B-I-G-A-T-I-N! BI-GA-TIN! BIGATIN! Ibig sabihin, may mga artista, mga models! Mga ganon ba! Haynako, Elise. Pwede bang magpakababae ka muna kahit ngayon lang, ha? Ang yaman-yaman niyo kaya, naka-experienced ka na din naman ng bigating debut! Bakit ba ayaw mong isuot yang gown mo, ang ganda oh."

Umikot ang mga mata ko dito, "Edi ikaw na magsuot! Matagal ko ng kaibigan si Achi at alam kong tatanggapin niya padin ang regalo ko kahit na hindi na ako dumalo sa birthday niya. At isa pa, ayokong pumunta doon kasi marami siyang mga bisita! Ayoko sa mga matataong lugar! Mas gugustuhin ko pang matulog kaysa ang makipag-plastikan doon!" Hingal na hingal pa ako nang matapos sumigaw.

"Tsk! You're so kj talaga! Isang beses lang to, Elise. Let's just go."

"Nasubukan ko na yan, Ame. Tama na ang isang beses."

"Eh! Sige na, wala akong kasama!" Ngumuso siya.

"Ayon! Lumabas den! Gusto mo akong pumunta doon para may kasama ka at makahanap ng bebe mo ngayon gabi, tama ba?!"

"How come you got it right?"

"Aish! Bahala ka d'yan, basta hindi ako pupunta. It's final!" Sigaw ko ulit at humiga na para magtalukbong.

"Eliseeeee!! Sige na kasi!"

Hindi ko ito pinansin, maya-maya pa ay natigil ito sa pangungulit nang tumunog ang phone ko.

Achilangot calling..

Nangunot ang noo ko, bakit naman to tumatawag? Amp.

Padabog ko itong sinagot, "Oh?"

["Grabe makasagot ah, pwedeng happy birthday muna ang sabihin mo?"]

"Happy birthday."

["Hala, masunurin."] I heard him chuckled.

I sighed. Ewan ko ba pero wala talaga ako sa mood ngayon. "Hindi ako makakarating d'yan sa party mo, ibibigay ko nalang ang regalo ko pagkata---." Hindi ko naituloy ang balak kong sabihin nang bigla siyang sumigaw. Nailayo ko pa ang phone ko dahil sa kaniya.

["Hep! Hep! Hooray! Bawal. Bawal ang absent sa birthday ko, Lise."]

"At bakit naman?" Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

["Gusto kong sabihin mo muna, thank you shopee!"]

"Taena umayos ka nga!"

Tumawa nanaman siya, ["Sige na kasi, magtatampo ako sayo sige. Hmp, kapag hindi ka pumunta, papaluin kita!]

And there he is! Sinisimulan nanaman niya ang pagbe-baby talk niya. Argh! I can't resist him tuwing gumaganyan siya!

"Tsk! I don't want to socialize."

["Kahit ngayon lang, please? Birthday ko naman, e. Pagbigyan mo na ako."]

Bumuntong-hininga ako, nakikipagtalo sa sarili kung pupunta ba ako o hindi. Pero sa huli, bumigay din ako. "Fine! Fine! Tsk!"

𝒆𝒉𝒖 𝒈𝒊𝒓𝒍Where stories live. Discover now