Tres: Boyfriend

6 3 4
                                    

"Oh, nasaan ang pagkain ko?" Bungad sa'kin ni Xevour nang makapasok ako sa kwarto. Nandoon na ang gago sa may kama at hinihintay ako. Punyeta.

"Oh." Ibinato ko sa kan'ya ang dalawang malalaking cup noodles.

"Uy, sakto! Hehe, you're really the best, Elise! Alam mo ang gusto ko!" Napaka-plastik ng ngiti niya.

Umirap ako sa kaniya at inilapag ang sa'kin sa table. "Whatever, now get out. Magsha-shower ako."

Agad siyang tumayo mula sa kama ko at tatalon-talon na naglakad palabas ng kwarto. "Cup noodles! Cup noodles! Cup noodles! Cup noodles! Wooh!" Napailing ako sa inakto niya. Abnormal.

Tamad akong nagtungo sa cr at ibinabad ang katawan sa bath tub. Pagod na pagod ako, amputa.

Tuluyan na sana akong makakapag-relax nang maalala ang sinabi ng bwiset na Zetrong yun kanina.

"Pasadong-pasado ka na maging asawa ko."

"Grr! Yuck, yuck, yuck, yuuuuck!!" Hinampas-hampas ko ang tubig na nakapalibot sa'kin sa bath tub.

"Nakakadiri! Oo nga at gwapo siya, pero mayabang siya! Ang yabang yabang niya at nandidiri ako doon! Grr!" Inis akong umahon mula sa pagkakahiga sa bath tub at dri-nain ang tubig nito. Nagshower nalang ako at doon itinuloy ang pagligo.

Nang matapos ay isinuot ko na ang bath robe ko at nagsipilyo. I did my skin routine and changed my clothes. I just wear a pajama and a blouse.

Umupo ako sa harapan ng salamin para mag-blower, matapos niyon ay naglagay ako ng cream sa mukha ko at humiga na sa kama ko.

Naka-ilang posisyon pa ang ginawa ko bago ako tuluyang dalawin ng antok.

"Aaaaaaaaah!" Isang matinis na tili ang gumising sa akin mula sa pagkatulog, kasabay nito ang pagkalabog ng pinto.

'Tsk, si mommy nanaman.'

"Fuck." I muttered, kinuwa ko ang phone ko to check the time, 8:00 pa lang ng umaga. Linggo ngayon, ang aga-aga!

"Mom, please. It's still early, let me sleep." Sabi ko sa kaniya at muling nagtalukbong.

"Elise, wake up you sleepyhead! Now na! May ipapapakita ako sayo, it's important!" Sigaw nito mula sa labas.

"What is it?"

"Basta pumunta ka nalang dito!"

"Give me 5 hours!"

"Shut up! Maligo ka na at pumunta sa salas after 1 hour! Magsha-shopping daw kayo ni Ame." Biglang nagising ang mga organs ko sa loob at para bang may sumapi sa'kin para magkaroon ng lakas bigla para tumayo.

"Y-you mean, makakalabas na ako?!" Ngumiti ako ng malawak kahit na alam ko namang hindi ito makikita ni mommy.

"Isang araw ka lang namang grounded, Elise. Sinuway mo pa." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

'Alam niya ba na pumunta ako sa bar? Tangina, hindi kaya sinabi yon ni Xevour?! Lokong lalaki yon ah! Nilaglag ba naman ako?!'

"H-hindi ko naman s-sinuway, mom." I tried not to stutter but I failed.

"Really?" Sarkastiko nitong tanong na napalitan ng tawa. "Not until you see this video! Hahaha!" Matapos niyon ay narinig ko ang pagbaba niya dahil sa tunog ng heels niya.

'Video? What video? Jusko, bold ba? Nirape ba ako? Wth!'

Agad akong na-conscious at napatingin sa katawan ko, wala naman akong pasa, wala din akong mga marka. I know that I'm completely sobered last night!

𝒆𝒉𝒖 𝒈𝒊𝒓𝒍Where stories live. Discover now