CHAPTER 8

17.6K 1K 21
                                    

Ilang weeks na ang dumaan ng itanong ko ang past ng Section namen pero walang sagot napakagaling

Nandito kami ngayon sa room namen break  time pero tinatamad kaming pumunta ng cafeteria,meron namang pagkain dito sa room kasi bumibili sila sa grocery

Nagugutom ako,kukuha nalang ako ng cake sa ref sana may natira pa,lalo na't parang mga patay gutom angg mga kasama ko

Tumayo na ako at pumunta sa ref diba sosyal may ref sa room,binuksan ko na ang ref kapag sinuswerte ka nga naman oh may natirang pang isang slice,take note isang slice nalang

Nahawakan ko na ang plato ng cake ng may humawak din non,tinignan ko naman kung sino iyon si blake

Tinabig niya ang kamay ko at akmang ilalabas ang cake sa ref ng paluin ko ang kamay niya kaya napabitaw siya agad ko namang hinawakan iyon at nilabas ng ref nang agawan niya ulit

Aba ako ang nauna dito,

"Hoy Blake ako ang nauna dito kaya akin na toh"sabay hablot ng cake

"Ako ang leader ng section na toh!akin ang ref na yan and ako ang bumili ng cake na yan kaya ikaw ang bumitaw babae"walang akong pake sa sinasabi niya ako ang nauna kaya akin toh

Nag agawan lang kami ng nahulog ang cake at nasalo ng malaming na sahig,sinamaan namin ng tingin ang isa't-isa

"Look what have you done!"bulyaw niya sa akin wow naman siya nakahulog eh, automatiko namang napalingon ang buong section sa sigaw ni Blake

Akala ba niya siya lang ang marunong sumigaw ako den noh

"BAKIT AKO?IKAW YUN!AKO NA UNA SA CAKE TAPOS BIGLA MONG AAGAWIN TIGNAN MO NANGYARING LALAKI KA!NAKO BLAKE NANDIDILIM PANINGIN KO SAYO LUMAYAS KA SA PANINGIN KO"sigaw ko din sa kanya

'kalma lang kayo'

'The more you hate the more you love'

'May bago tayong love birds oh'

'Kalma lang kayo love birds pulutin niyo nalang ang cake tapos subuan niyo ang isa't isa simple lang"tignan mo to si cy kutusan ko toh eh

"Hoy cy manahimik ka diyan batukan kita eh"sabi ko at sabay harap ulit kay blake sinamaan ko siya ng tingin

"Bwiset kang lalaki ka,ano nang kakainin ko aber?"tanong ko sa kanya with matching taas kilay kumunot naman ang noo niya

"Edi pulutin mo yung cake tapos kainin mo, don't worry di na ako nakikipag agawan"at sabay ngising nakaka asar bwiset talaga natapon na nga yung cake tapos kakainin ko pa

Umalis na siya sa harapan ko,mabuti nayon bala masapak ko lang siya nako!ano nang gagawin ko nagugutom ako?no choice ako kundi ang pumunta sa cafeteria bwiset na lalaking yon

Papasok na ako ng cafeteria nahagip naman ng mata ko ang section aries na sabay sabay kumakain napatingin silang lahat sa akin at ngumisi?luh baliw na sila!di ko nalang sila pinansin at dumiretso sa counter para umorder

Nang makuha ko na ang order ko,palabas na ako ng cafeteria ng harangan ng babaeng naka away ko ang pintuan! remember her?yung away namin dito mismo sa cafeteria

"Oh nice to see you again bitch? remember me?"pang aasar niyang tanong asus kung maasar ako

"Oh yes i remember you,ikaw lang naman yung nilampaso ko dito mismo sa cafeteria, ofcourse diko makakalimutan yun ikaw kasi ang pinaka mahina kong naka away eh"pang aasar ko sa kanya aba nakita ko namang umigting ang panga niya

"Mag iingat ka sa mga sinabi mo ha!baka nakakalimutan mo mag isa kalang,nandito ang buong section aries"mayabang niyang saad

"Aba di ko alam na mahina ka na nga takot pa!nagtatawag?HAHAHAHA halatang takot ka sizter HAHAHAHHA"halatang naiinis niya sa sa mga sinabi ko ayan sige lang mainis kalang!

"Wala talang preno yang bibig mo ano? hayaan mo!ako ang magapapatigil niyan"saad niya at bigla nalang akong sinugod nabitawan ko yung cake pucha talaga oh bakit ba lagi nalang nasasalo ng lapag ang cake na gusto ko

Sinambutan niya ako tinulak ko naman siya ng pag kalakas lakas tumalsik siya at nauntog ang ulo sa pintuan ng cafeteria boom tulog!napa lakas ata

Nilapitan ko siya medyo mulat pa ang mga mata niya malamang umalog utak neto hilo toh for sure

Tumungo ako para makaharap siya pahiga na kasi siya nakasandal siya sa pintuan

"Napalakas ata tulak ko sayo,bagay lang sayo yan nahulog yung cake ko dahil sayo!ang hina mo talagang babae ka!"saad ko at ginamit ang paa ko para itabi siya sa gilid para mabuksan ko ang pintuan

Nagsilapitan sa kaniya ang ibang section aries

''okay kalang ba mavy?''ah so mavy pala ang pangalan niya ang panget naman pala kasing
panget niya HAHAHAHHA

''Wag kang mag alala ako ang gaganti sayo''sabi nung isa at tumayo siya at nagsimulang maglakad papalapit sa akin

Mabalis ako lumabas ng cafeteria,hinawakan ko ang hawakan ng pintuan sa labas tumakbo siya papalapit sa akin ng itulak ko ang pintuan at boom tulog nauntog HAHAHAHAH

Antanga naman niya,di niya ba naisip na kaya ako lumabas para itulak ang pintuan at sadyang buksan iyon para mauntog siya

Panget na nga bobo pa HAHAHHA lumapit narin ang iba sa kanya tinignan ko naman si dave at tusher na masama lang ang tingin sa akin habang naka upo sa lamesa

Tinaas ko ang middle finger ko at sabay sabing 'f*ck you' nagsalubo naman ang kilay niya tumawa lang ako ng nakaka asar sabay kaway para lalo silang mapikon

Umakyat na ako,habang paakyat ako saka ko lang narealize na wala akong cake na nabili ulit kasi nga nahulog hayop talaga oh!oh!

Pumasok ako sa room ng nakabusangot ang mukha ko yung cake ko huhuhuhu

"Oy gail anong nangyari sayo?"

"Bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa diyan?"

"Anong meron sa mukhang yan"

"Parang kang nalugi"

Di ko sila pinansin at umupo sa upuan ko bigla namang tumabi  si blake sa akin

"Alam mo bang ampanget mo pag nakabusangot ang mukha mo!"pang aasar niya oh diba nag effort siyang maglakad at tumabi sa akin para lang bwisetin ako hayop talaga

Ay oo nga pala siya ang dahilan ko bakit wala akong makaing cake!kundi niya inagaw sana may kinakain na ako

Inaasar asar niya lang ako ng bigla ko siyang sinakal syempre di naman ganon kalakas ano ayoko pong pumatay

"Uy kalma lang gail"

"Pigilan niyo"

"Mga peste kayo tinatawan niyo pa awatin niyo"

Bigla naman silang nagsilapitan sa akin at inaawat ako di ako nagpatinag at medyo nilakasan pa ang sakal ko

"Peste ka kasing lalaki ka eh! kundi ka nakipag agawan sa cake edi sana may kinakain ako ngayong hayop ka!huhuhuhu nagugutom na ako!"sigaw ko sa mukha niya hinila naman ako ni cy at inawat

"Kalma gail!teka nga bumaba kana diba?alam kong bibili ka ng cake!nasaan na?"tanong niya napalunok naman ako bawal kong sabihing nakipag away na naman ako nako po masesermonan ako neto

Lalo na't aries ang naka away ko napaka delikado panaman ng section nayun bigla bigla nalang naglalabas ng baril kaya di ko pwedeng sabihin dahil magagalit sila

"Oy gail nakikinig kaba"sabay pitik sa noo ko

"No comment cy"saad ko at bumalik sa upuan ko

THE ONLY GIRL OF SECTION SAGITTARIUS (COMPLETED)Where stories live. Discover now