CHAPTER 55

11.5K 740 40
                                    

Limang araw na akong nandito sa hidden room maganda naman ang nangyayari tahimik lang palagi.

May nagbabantay naring guard sa gate kasi sa monday ay pwede na ulit pumasok,buti nalang at di ako nakikita ng guard

Today is saturday.Malapit lapit nadin ang monday at diko alam ang mangyayari sa amin ni khalia tsaka ni claire lecheng dalawang yun!mga pangulo sa buhay ko

_____________________

Today is monday morning,ililipat ko na ang mga gamit ko sa dorm ng hindi napapansin ng guard,tsaka malayong makita ako ng guard nasa gate siya tapod nasa quadrangle ako

Nalipat ko na ang dalawa kong maleta kasama na yung pagkain isang maleta nalang at tapos na pero nilinis ko muna ng hidden room bago ako umalis nakakahiya naman pag hinde diba?

Mabait kaya ako.

Nang matapos akong maglinis ay lumabas na ako ng hidden room at sinarado iyon

Nag elevator ako pababa para mabilis at di nakakapagod.

Bago ako tumawid papuntang dormitory sumilip muna ako baka mamaya ay nakatingin pala dito tung guard eto patay ako

Napangiti nalang ako ng makitang natutulog ito

Ang galing ng guard.

Pumasok na ako sa dormitory at tinungo ang room namen at pumasok

Mamaya ay may mga estudyante na naman sa campus at ang pinaka masaya sa lahat ay pupunta na dito si blake kilig to the bone mga be.

Pumasok na ako sa kwarto ko at inayos ang damit ko para mailagay ko na sa cabinet

Ng matapos ko nang gawin ang kailangan gawin ay nag alarm ako para mamaya dahil matutulog ako nakakapagod kaya mga siz.

_____________________

Nagising ako ng tumunog ang alarm ko agad ko iyong pinatay,at dali dali din akong lumabas ng kwarto ko dahil malamang sa malamang ay nandito na si blake

Nakita ko siya sa kusina nakatalikod sa akin habang nagluluto naks sipag ng future asawa ko

Agad naman akong yumakap mula sa likuran at naramdaman kong nagulat siya

"Naks naman future husband!nag aaral kana agad magluto para sa atin,pagbutihin mo ha!pero kahit na anong lasa niyan kakainin ko!"saad ko sakanya narinig ko pa ang mahinang tawa niya

Mahinang tawa lang yun pero para akong tanga dito dahil doon,gwapo kasi tumawa

"Future wife?"pagtawag niya agad naman akong kinilig sa sinabi niya

"Bakit future husband?"tanong ko at ngumite

"Alam mo ba kung para kanino tong niluluto ko?"tanong niya sa akin habang nakatalikod padin sa akin at isinasalin ang sinangag sa plato

"Para sa atin."simple kong sagot,nagulat akong ng bigla siyang humarap sa akin kaya napabitiw pa ako sa yakap

"Nagkakamali ka ata future wife,para sa akin lang to!aba ako ang nagluto neto magluto ka ng sa iyo!ayaw ko naring maging asawa mo ako pa magiging taga luto!sige na future wife magluto ka ng almusal mo.Good morning"saad niya at kinuha ang plato at pumuntang lamesa

Fairness yun na ata ang pinaka mahaba niyang sinabi!

Pero napabalik ako sa realidad mg marealize ko ang sinabi niyang magluto ako para sa sarili ko

Agad kong tinignan ang kawaling pinaglutuan niya at hinihiling na nagbibiro siya at meron pa,pero halos manlumo ako ng makitang kong maglinis iyon walang bahid ng sinangag wala siyang pinaglagpas kahit isang butil ng kanin

Agad ko siyang pinuntahan sa lamesa

"Future husband wala namang ganyan tinatamad akong magluto,magiging future wife mo naman ako diba?kaya baka naman pahingi lang kahit unti."saad ko at nag puppy eyes pa mag papa awa ako siz para sa ahas ko sa tiyan.

"Bawal"srikto niyang saad at sumubo mg sinangag pumunta ako ng kusina at kumuha ng kutsara

Hindi siya nadadaan sa paki usapan?gusto niya pa atang gamitan ng dahas

Lumapit ako sa kanya at akmang kukuha ng sinangag mg ilayo niya iyon

Matalim naming tinignan ang isa't isa

"Pahinge ako sabi napaka damot mo namang nilalang!bawal maging madamot sa magiging future asawa hoy!!!"saad ko at pilit abutin ang plato ng sinangang dahil itinaas niya ito

"Mag daydream kanalang baka mabusog kapa."saad niya at naglakad papaalis ako naman tong habol mg habol sa kanya at pilit na inaabot ang plato

Pero dahil nga maliit lang tayo tanggapin nalang natin hanggang sa makapasok siya sa kwarto niya  at nilock iyon

Kumatok naman ako ng malakas

"Pag dika lumabas at dimo ko binigyan bahala ka!dimo na ako magiging asawa!"natatawa naman ako dahil sa panakot ko

"Edi mas magandang di na ako lumabas dito!"saad naman niya,bwiset

"Mabilaukan ka sana!"at hinampas ulit ang pintuan niya ar tinarayan

Akala niya di ako marunong magluto?aba tamad lang ako noh

_____________________

Nandito ako sa loob mg classroom asual!alam niyo bang di lumabas si blake ng kwarto niya!lumabas lang siya nung papasok na tinatawanan pa ako

"Kanina ka pa nakabusangot na di maintindihan"saad ni james sa akin

"Papatayin ko si blake!ilayo niyang kupal na yon! papatayin ko yun!"saad ko kay james at tinignan si blake na agad kong tinarayan

Madamot kang nilalang!

"Bakit anong nangyari?"tanong niya agad ko naman kinuwento sa kanya ng lahat agad naman siyang napatawa ng malakas

"Maganda ang naging desisyon niyang wag na lumabas kaysa maging asawa ka hahahaha"tawa niya agad naman napaliit ang mata ko sa sinabi niya

Payag kang iniinsulto ka ha aby? sabi ng isip ko

Hinde ako papayag

"Alisin mo na yang pag mumukha mo sa harapan ko james tamo!diko talaga mamatay!"pananakot ko pero ang gago walang takot

Kaya agad ko siyang sinakal habang tumatawa siya kaya ang ending ubo siya ng ubo

"Sira na nga araw ko sisirain mo pa ha?!!"sigaw ko sa kanya pinapanood lang kami ng iba

At ang iba ay nagpupustahan

"Oh kanino ka kay gail kay james?"harold

"Kay gail pare."clark

"Sige isang libo taya ha"harold

Diba napaka galing ng mga kaklase ko nag pustahan pa talaga

Binato naman sila ng libro ni cyan

"Hoy kayong dalawang monggoloid!imbes na awatin niyo nag pustahan pa talaga!mga demonyo awatin niyo bilis!!"rinig kong sabi ni cyan agad naman lumapit ang dalawa at kinuha sa akin si james

Agad namang yumakap si james kay kyle

"Fafa kyle sinaktan niya ako!paki bawian nga para sa akin"boses bakla na sabi ni james at kuwareng umiiyak pa

Agad naman tinggal ni kyle ang pag kakayakap ni james sa kanya

"Bagay lang sayo yan tanga!"saad ni kyle at tumalikod lahat naman kami napatawa

Kunware namang nag dadrama si james pinapalo ang sahig at tinataas ang kamay at sinasabing

"Fafa kyle!fafa kyle don't leave me!"yan ang sinasabi niya habang nakadapa sa sahig at pinapalo ito

"Kung wala ka ng maintindihan~"napatingin naman kay harold na kumanta at agad na nagsipagtawanan

Pati si james na nag dadrama at humahalgpak ng tawa

Hayp!bigla bigla nalang kumakanta.

THE ONLY GIRL OF SECTION SAGITTARIUS (COMPLETED)Where stories live. Discover now