One

18.5K 358 88
                                    

One




HALOS HINDI MANGUYA ni Yasha ang pagkain sa loob ng kaniyang bunganga habang nakikinig sa usapan ng kanilang mga magulang. Bleu and Armee, her younger sisters tried to act cool while mimicking her silent movements. Panay naman ang tawa ng kaniyang ina sa mga kwento ng kaniyang ama.

She sighed. What are they up to, again?

"Oh, I am so pleased to know that Mauricio and I have the same idea," nagagalak na kwento ng ama niya. "Sabi niya ay sa isang araw, dadalaw siya rito sa mansiyon kasama ang asawa at mga anak niya."

"Then I'll prepare a great dinner for us!" Her mom smiled widely. "Mabuti na lang at nabanggit mo ang tungkol sa plano mo about merging our business, Ramon."

"Oo naman! Matagal ko ng kaibigan si Mauricio at kahit hindi niya sabihin, alam kong interesado rin siya sa chain of hotels natin."

"And your idea is fabulous! Makukuha rin natin ang spotlights for some magazine interviews at iba pa kapag natuloy ang kasal ng anak niya at ni Bleu!"

Nanigas si Yasha sa narinig mula sa ina at agad na nag-angat ng tingin. Sinasabi na nga ba niya. May binabalak na naman ang dalawa.

"M-mama... Ano pong kasal?" nanginginig ang boses na tanong ng kaniyang kapatid.

"Oh, hindi pa ba namin nababanggit sa'yo ang tungkol doon, Bleu?" their mom asked.

"Wala pa po kayong nasasabi," malamig na sagot ng bunso nilang si Armee at pinagpatuloy ang paghihiwa sa kaniyang kinakain.

Hindi siya nakaimik. Hindi pa rin siya makapaniwala na may naplano na naman ang kaniyang mama at papa para sa kanilang buhay. Akala niya ay tapos na iyon sa kaniya. Bakit pati sa kapatid niya, ginagawa ulit ng mga ito?

And worse, it's about tying a knot with someone they don't know.

Huminga siya nang malalim at tumingin sa papa niya. "Papa, naghihirap na ba tayo para nag-decide kayo na makipag-merge na sa ibang hotel business?"

Parang hindi iyon nagustuhan ng papa niya. "Sinong nagsabing naghihirap na tayo? Our business is rising!"

"Then why do you need to let Bleu marry someone? Papa, sa tingin ko, kaya naman ni Bleu na pamahalaan ang hotels natin kung doon ka nag-aalala," sagot niya at binalingan ang kapatid.

Bleu's just twenty-two. And she's twenty-five. Siya ang panganay pero si Bleu ang napili ng ama nila na mamahala sa chain of hotels nila. Siya naman ang namamahala sa kanilang concept design group company. Habang si Armee naman ay kumuha ng architecture dahil iyon ang utos ng kanilang ama.

Their family is well-known in hotels and engineering companies. Mag isa kasing anak ang ama nila kaya napunta sa rito ang mga businesses ng Romana. At lahat ng nangyayari sa buhay nilang magkakapatid, utos iyon ng kanilang mga magulang. Wala naman silang tinanggihan dahil alam nilang para sa kanila iyon. Lalo na siya, na hiniwalayan ang kaniyang long-time boyfriend dahil inutos ng kaniyang papa na mag-aral siya sa ibang bansa.

Hindi na nakatanggi noon si Yasha kahit na alam niya ang totoong dahilan ng ama kaya siya nito pinalayo. Na hindi sila bagay ni Froilan.

"Yasha, anak. Matanda ka na. You are my first born and I trained you a lot about business. Alam mo kung saan mapupunta ang pangalan natin kapag nahalo sa isa pang sikat na pangalan sa mundo ng business. Cordova's name is on the top, gaya ng atin. Kaya kung ididikit natin ang pangalan natin sa kanila, it's way better," nakangiti ngunit may diin sa paliwanag ng ama niya.

She sighed. Alam niyang kahit na anong kwestyon niya sa ama, hindi ito magpapatalo. He's the head of the family. Wala na siyang laban doon.

"You can't just marry a man you don't even know," pagpaparinig ng kapatid niyang bunso. Kanina pa ito tahimik na kumakain pero alam niyang naiinis na ito sa nangyayari.

Mistakenly Yours (Mistake Series #1)Where stories live. Discover now