Two

9.5K 329 50
                                    

Two




MAAGANG PUMASOK sa opisina si Yasha ng araw na iyon. Ilang linggo nang sobrang busy ng kumpanya nila dahil sa mga naglalakihang projects na nakahilera sa kanilang mesa. Buildings, hotels, condominiums... name it. Lahat na yata ng pwedeng ipatayo ay hawak na nila.

"Engineer Suarez! Magandang umaga po," bati ng kaniyang sekretarya na nadaanan niya sa front desk. Mukhang sobrang busy rin nito dahil nagulat pa ito nang makita siyang paparating.

"Good morning," maagap niyang sagot at nagmamadali nang pumasok sa kaniyang opisina.

Pagkapasok pa lang ay dumeretso na siya ng upo para masimulan na ang pagbabasa ng mga reports ng iba't-ibang contractualization papers na natapos na noon nakaraang buwan. Sa isang tabi naman ay nandoon ang mga papers ng mga kumpanyang gustong kunin ang kanilang serbisyo.

Yasha sighed heavily. Damn it! Hindi pa umiinit ang pang-upo niya ay mukhang kailangan na niyang tumayo para lang pakalmahin ang sarili. Kung bakit ba kasi tinanggap lahat ng ama niya ang mga requests! Eh, hindi naman ito ang hahawak, kundi siya mismo.

"Oh, gosh..." Dinampot niya ang telepono at tinawagan ang sekretarya na nasa labas.

"Engineer, may kailangan po ba kayo?" tanong nito pagkasagot ng tawag.

"Ara, I forgot to ask what's my schedule for today." sagot niya.

"Ay, Ma'am. May meeting po kayo mamayang 10 AM kasama ang mga Hermano. Pag-uusapan niyo po iyong tungkol sa finishing ng La Cera Hotel na ginawa natin noong February. Tapos sa hapon po, at 2 PM ay may schedule po kayo ng meeting kay Mr. Furukawa para sa update ng construction ng restaurant nila."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Hindi ba pwedeng sila Engineer Alfredo na lang ang makipag-meet kay Mr. Furukawa? Sila naman ang nasa site."

"May mga updates po raw siyang hihingiin na nasa iniyo," sagot ni Ara.

Hinilot ni Yasha ang kaniyang sentido. Great! Akala niya ay maghapon lang siyang magbabasa ng reports and letter of requests. Hindi niya akalain na puno pala ang schedule niya ngayong araw.

"Meron pa ba?" tanong niya.

"Nag-email po si President Suarez sa akin kanina. Sabi niya ay sabihin ko raw po sa 'yo na kailangan mong matapos lahat ng trabaho mo ngayon maliban sa meetings and approval of requests. Umuwi raw po kayo ng 4 PM," habol ng sekretarya niya.

Nakagat ni Yasha ang ibabang labi. Now, his dad was rushing her! Ano ba'ng gustong mangyari ng matanda at sobra-sobra siya kung pahirapan?

Una, ito ang tumanggap lahat ng requests ng mga kumpanya sa kanila. Ngayon, minamadali na siya nito sa trabaho. What the hell?

"Sabihin mong hindi ako makakauwi. Marami akong tatapusin ngayong araw."

Hindi sumagot ang sekretarya niya at mukhang nag-iisip ng sasabihin. She sighed. Oo nga pala at takot ang mga empleyado niya sa kaniyang ama. Kapag ito na ang nag-utos, kailangang 'oo' agad ang sagot mo. Wala ng 'pero'.

"Bilin po kasi ni President, Engineer, na umuwi po kayo ngayong araw." mahinang sagot ng kausap.

"Hindi na. Ako na lang ang kakausap sa kaniya. Bumalik ka na sa trabaho, Ara. Maraming salamat," sabi niya at ibinaba na ang tawag.

Sunod naman niyang pinulot ang cellphone at hinanap ang numero ng ama. Ilang ring lang ay sumagot na ito.

"Yasha, hija. Napatawag ka?" sagot ng ama niya sa mababang boses.

Mistakenly Yours (Mistake Series #1)Where stories live. Discover now