Five

6.9K 259 58
                                    

Five


NAKAKRUS ANG MGA braso ni Yasha sa harap ng kaniyang dibdib habang nakatanaw sa labas ng sasakyan. It was raining and they are currently stuck in a heavy traffic.

She wanted to curse loudly. Kung bakit ba nangyayari sa kaniya 'to? Bakit kailangang magsama sila ng lalaking kinaiinisan niya sa loob ng sasakyan habang nasa gitna ng traffic?

"Are you hungry?" tanong nito sa kaniya. Mabilis siyang umiling habang nanatili ang mga tingin sa labas ng bintana.

"Are you really not? I have a box of pizza—"

"Give me. My stomach's growling like hell," bawi niya sa unang sagot. Gusto niyang pairalin ang pride. Pero halos dalawang oras na silang nasa kalsada! Gutom na gutom na siya.

"That was actually for Bleu," sabi ni Ephraim kaya natigilan siya. "But it's okay. You can—"

"Oh, no! No. No," mabilis niyang pigil sa binata. "Kay Bleu naman pala iyan. You should've not offered it to me."

"But you said you're hungry," Ephraim said with a frown.

"Hindi pa naman masyado." Kahit na sobrang sakit na ng tiyan niya. "Kaya ko pa hanggang sa bahay. Doon na lang ako kakain."

Nagkatinginan sila nang biglang kumalam ang sikmura niya. She pouted. Ephraim bit his lower lip to prevent himself from smiling. Umiling na lang ito at inalis ang seatbelt.

"Alright. You're eating," wika nito at inabot ang isang box ng pizza sa likod. Mabuti na lang at hindi pa gumagalaw ang traffic dahil kung hindi ay baka nabangga na silang dalawa.

"I..." Hindi nakapagsalita si Yasha nang buksan ng binata ang box ng pizza at inilagay ito sa kaniyang mga hita. It's aroma filled the air inside the car. Mas kumalam ang sikmura niya dahil doon.

"Eat, Engineer. It's okay," sabi ni Ephraim at muling isinuot ang seatbelt.

Tinignan niya ang box ng pizza. Naglaway siya sa itsura nito kaya kumuha siya ng isang slice at kinagatan iyon. Damn! Napapikit siya sa sobrang sarap ng kinain. Sumabog ang lasa nito sa kaniyang taste buds kaya wala sa sarili siyang napaungol.

A loud clear of throat made her open her eyes. Nilingon niya si Ephraim na nakatitig sa kaniya habang nakataas ang mga kilay. Kitang-kita rin niya ang amusement sa mga asul nitong mga mata.

Doon lang niya naisip ang ginawa. Bigla siyang nag-iwas ng tingin at pinamulaan ng mukha. Nakakahiya!

Itinuloy niya ang pagkain nang hindi nililingon ang kasama sa sasakyan. Mabuti na lang at umusad na ang traffic at nagpatuloy iyon hanggang sa makarating na sila sa kanilang bahay. Sakto namang nakalahati niya ang laman ng pizza box. Busog na tuloy siya dahil doon.

Nang mai-park ni Ephraim ang kotse sa tapat ng main door ng bahay nila ay lumabas na ito at umikot para pagbuksan siya ng pinto. She uttered a thanks before stepping out. Luminga siya sa paligid para hanapin ang sasakyan pero wala siyang nakita. Siguro ay hindi pa nakakauwi ang kaniyang kapatid.

Humarap siya sa binata at binigyan ito ng munting ngiti. And it's a genuine one.

"Thanks for the ride and uh... the pizza."

Tumango naman si Ephraim at nagpamulsa. "Let's go inside."

Nangunot ang noo niya. "Hindi ka pa ba uuwi?"

"This is my home for the meantime, Engineer," sagot ni Ephraim na may ngisi sa labi. "And Bleu and I will be heading to Ilocos tomorrow morning. Dito na ako pinatulog ni Tito Ramon."

Tinikom niya ang bibig. Wala siyang masabi. Talagang pursigido ang kaniyang ama na paglapitin ang dalawa. Now she wonder, kamusta na kaya ang plano nila sa kasal?

Mistakenly Yours (Mistake Series #1)Where stories live. Discover now