Four

7.8K 290 57
                                    

Four


TAMAD NA naka-upo sa harap ng salamin si Yasha. Kitang-kita niya ang maitim na bilog sa ilalim ng kaniyang mga mata. Ang mga labi niya ay sobrang putla at ang mahaba niyang buhok ay sabog na sabog.

Kagigising lang niya. Pero hindi ganito ang itsura niya sa normal na paggising.

She tsked. Magdamag siyang pinagalitan ni Bleu kagabi. It was because of that 'leg touch' that happened last night. Pilit niyang itinatanggi na hinipo nga siya ni Zaccheo pero hindi naniwala ang kapatid. Pati si Armee noon na gumaan na ang pakiramdam ay nakisama kay Bleu sa panggigisa sa kaniya.

Napuyat siya dahil doon. Nagkulong silang tatlo sa kwarto niya at hindi na sumama sa inuman ng mga magulang at ng mga Cordova. Mabuti na rin iyon para hindi na niya makita ang walanghiyang Ephraim na 'yon.

"Bwisit..." she murmured as she started to comb her hair.

Kasalanan ng binata ang nangyayari sa kaniya! Gusto niyang umiyak dahil sa itsura. Mukha na siyang bruha. Pa'no ba naman kasi? Hindi siya nakatulog dahil sa inis sa lalaking iyon. Pinagsusuntok pa niya ang mga unan para lang mailabas ang galit.

Sana lang ay hindi sila magkita ngayong araw. Baka hindi siya makatiis at totoong masuntok na niya ang guwapo nitong mukha.

Yasha snorted. Eh, ano naman kung gwapo siya? Hindi iyon sapat para pagsalitaan siya ng bastos. Guwapo nga ito, napakayabang naman.

Huminga siya ng malalim at pinakalma ang sarili. Kailangan niyang maging positibo ngayong araw. Haharap na naman siya sa napakaraming trabaho sa AS. Kung isasama niya ang init ng ulo sa trabaho, baka wala siyang matapos sa buong araw.

Tumayo na siya at pumasok sa banyo para maligo habang bumubulong sa sarili na kumalma. Umabot siya nang kalahating oras sa loob bago lumabas at tumungo sa walk-in closet para magbihis. She chose to wear a color cream shirt that was topped with a gray suit. She put on her black pencil cut skirt that was three inches above her knee. She paired it with a white, four-inch heels.

Blinower niya ang kulay tsokolateng buhok na umaabot sa kaniyang pang-upo at itinali ito pataas. Matagal ng pinapaputol ito ng kaniyang ama dahil daw sagabal iyon sa kaniyang trabaho. But her mom don't like it to be cut. Bagay kasi sa kaniya ang mahabang buhok.

Kung sa normal na araw ay simpleng pulbos lang ang inilalagay niya sa kaniya mukha dahil hindi na niya iyon kailangan. Her white skin is enough and lighted. Ngayon ay kailangan niyang lagyan ng concealer ang ilalim ng mga mata at mascara para mabuhay ang mga iyon. Dahil kung hindi ay napaka-vicible ng mugto ng mga iyon at baka masabi pang umiyak siya.

Well, she did not. Napuyat lang siya kaya ganoon ang itsura ng mga mata.

Nang matapos sa pag-aayos ay lumabas na siya ng kaniyang kwarto at tumungo sa sala. Doon niya naabutan ang bunsong kapatid habang kausap si Zaccheo. Itatanong niya sana kung bakit ito naroon nang maalala na ihahatid nga pala siya nito sa opisina.

"Good morning, Ate Yasha," bati sa kaniya ni Armee nang makita siyang pababa ng grand staircase.

Napalingon sa kaniya si Zaccheo at saka tumayo. Ngumiti ito nang makita ang itsura niya. Hindi niya ito nginitian pabalik at tuluyan ng lumapit sa kapatid. Hinalikan niya ito sa noo.

"Kumain ka na?" tanong niya sa kapatid.

Agad naman itong tumayo at tinuro ang ilang mga blueprint tubes na nakalagay sa sofa. "Idadala ko na 'tong mga 'to sa AS, Ate. Para makapagtanong rin ako sa ibang available architects na nandoon about the resort's plan."

Nagsalubong ang mga kilay niya, nagtataka kung anong ibig sabihin ng kapatid. Pero naalala niyang inutos pala ng ama nila na sasama ito sa kaniya para tulungan siya sa AS ngayon.

Mistakenly Yours (Mistake Series #1)Where stories live. Discover now