Prologue

291 17 4
                                    


"Jaki! Jaki! Mag-usap tayo!" pagtawag ko sa kanya habang tumatakbo para habulin sya. "Jaki please! Let me explain everything!"

Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin sakto namang naabutan ko sya. Hinawakan ko ang dalawang kamay nya at tinitigan sya na punong-puno ng emosyon.

"Jaki, please... I won't let you run away this time, ngayon na nandito ka na sa harapan ko. Jaki, alam mo bang halos mabaliw na ako nung bigla ka nalang umalis? Ni-hindi mo manlang ako pinagpaliwanag kung ano ba ang totoong nangyari---"


"For what? Para pakinggan ang walang kwenta mong explanation? Para bilugin nanaman ang ulo ko? Para bulagin ulit ako? Alam mo rin ba kung gaano ako nasaktan nung time na yon? Alam mo rin bang araw-araw na halos lumuha na ako ng dugo dahil sayo? Hindi! Kaya don't give me your shitty explanation dahil I will never believe and trust you again." sabi nya na punong-puno ng galit. "Okay lang naman sana sa akin na hindi ka purong lalaki, na isa ka lang bakla... Sinabi mo nalang sana sa akin na ayaw mo na, na hindi ka na masaya, na may gusto ka ng iba, hindi yung makikita ko nalang na ganun di ba?! Kung noon pinakinggan ko ang mga paliwanag mo sa tuwing nagseselos ako kay Ion, ngayon hindi na. Hinding-hindi na ako muling magpapaloko sayo. Tama na yung isang beses na masampal ng katotohanan, kasi masakit eh. Masakit na isampal sayo na yung taong mahal mo ay isa lang bakla at hinding-hindi ka kailanman mananalo dito."

Tinabig nya ang kamay ko at pinunasan ang luha nyang kanina pa tumutulo tulad ng mga mata kong kanina pa lumuluha simula nang magsalita sya.

"Jaki hindi k---"

"I hope you're happy being with him." sabi nya sabay talikod at nagmamadaling iniwan ako.

Hindi ko na sya muling hinabol pa at hinayaan nalang na mawala sya sa paningin ko. Nanatili lang akong nakatayo rito habang umiiyak ng mag-isa. Lahat ng sakit na naramdaman ko noon ay nanariwa ngayon na parang nangyari lang kahapon. Ganito ba talaga pag nagmahal? Kailangang pareho kayong masaktan? Di ba pwedeng ako nalang?

Pinakamalaking pagkakamaling nagawa ko ay ang saktan ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako ng buong-buo, at totoo. Kahit hindi ko man sinasadyang saktan sya, nasaktan at nasaktan ko pa rin sya.

Isa lang naman ang gustong-gusto kong sabihin sayo...



Lumipas man ang limang taong wala ka sa tabi ko, ikaw pa rin at ikaw lang ang mahal ko.



🙊🙊🙊🙊🙊🙊🙊🙊🙊🙊🙊🙊

Pasilip palang yan hah! Hahahaha! Pasenya na ho sa mga typo and wrong grammars ko mula noon hanggang ngayon.

Binasa ko po kasi yung buong Book 1 at isa lang ang narealize ko... Andami ko palang typo! Hahahaha... Sorry talaga. Cp lang gamit ko. At kapag cp minsan nagbabago yung word at wala po akong time para i-check pa.

Pero thank you naman sa inyo na mapagtiyagaan ang story ko.

Sana magustuhan nyo toh! Labya!😘

Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 2)Where stories live. Discover now