Chapter 9 (A Mistake)

204 16 5
                                    

Third Person's POV


Lumipas ang isang Linggo pero hindi pa rin nakakauwi si Jaki, dahil ang sabi nito sa kanya ay mage-extend daw ito ng mga ilan pang araw para makasama pa ang pamilya nya. Kaya eto sya ngayon, matamlay na naman. Miss na miss na talaga nya si Jaki eh. Gustuhin man nyang sumunod sa Antipolo pero napakarami naman nyang gawain dito, bukod dun ay sinabihan din sya ni Jaki na wag nang sumunod sa kanya dahil nga di naman sya magtatagal dun.


"Oy, Sis! Bakit nakasimangot ka na naman dyan? Wag mong sabihing may tampuhan na naman kayo ni Jaki ah!" sabi ni Anne sa kanya.


"Tampuhan agad? Di ba pwedeng nami-miss ko lang yung tao?" tanong nya kay Anne.


Bigla naman nagsidatingan ang mga co-host nya sa Showtime. Kasalukuyan silang nasa backstage dahil naghahanda na sa show nila.


"May dalaw na naman yang si Viceral." natatawang sabi ni Jhong na ikinalingon nya dito ng masama.


"Oo nga eh may dalaw ako ngayon. Gusto mo ipahid ko sayo?" pambabara nya kay Jhong na ikinatawa ng lahat ng kasama nila.


"Ito naman ang init ng ulo! Kalma lang..." singit ni Jugs sabay akbay kay Vice.


Kung ano-ano pang mga pinagsasabi ng mga ito pero hindi na lang nya sila pinansin at tumulala na lang sa kawalan.

Sinubukan nyang maging masigla at masaya tulad ng pagkakakilala sa kanya para sa mga manonood. Pagkatapos naman ng show ay linapitan nya ang mga co-host nya.


"Guys, balak ko sana rumampa tonight para naman macheer-up yung mood ko. Sama ba kayo?" tanong ni Vice sa kanila.


"I'm sorry Sis, di kita masasamahan. Busy ako eh, you know family comes first. Lalo pa't may baby na ako." nanghihinayang na sabi ni Anne.


"Ako rin Vice eh, di ako makakasama kasi may family dinner kami mamaya." sabi naman ni Karylle.


"Kami rin, may gig kami mamaya." sabi ni Teddy.


"Gustuhin ko man pero may promise ako sa mga anak ko na may bonding kami ngayon." sabi naman ni Vhong


Tinginan naman nya si Jhong na sya na lang na natitira. Magsasalita na sana si Jhong nang unahan sya ni Vice.


"Di mo na kailangan magsalita, alam ko na rin sagot mo." matamlay na sabi ni Vice. "Sige, yung mga bakla na lang isasama ko."


"Grabe ah!" natatawang sabi ni Jhong. "Basta mag-iingat ka na lang. Wag gagawa ng kalokohan."


Ngumiti na lang sya at nauna ng umalis. Tinawagan nya naman si Lassy para i-inform na may lakad sila mamayang gabi. Chineck naman nya ang phone nya pero wala pa ring text
galing kay Jaki o kahit missed call man lang. Siguro busy lang yun sa pamilya nya. Tulad nga ng sabi ni Anne, family comes first. Kaya naman hinayaan na lang nyang mag-enjoy si Jaki kasama ang pamilya nito at sya din ay magpapakasaya din kasama ang mga kabaklaan.

Pagsapit ng alas dyes ng gabi ay sabay-sabay silang pumunta ni Vice sa isang kilalang club sa Manila kasama ang mga kaibigan nya. Sa pagkakataong ito ay inalis muna ni Vice sa isip nya ang pangungulila kay Jaki. Gusto naman nyang maging masaya para kahit papaaano ay mawala ang katamlayan nya.

Ngayon lang ulit sya nakapagrampa ng ganito, tho hindi naman baklang-bakla ang suot nya. Actually, Naka ripped jeans sya at Calvin Klein shirt na color black at rubber shoes, na syang pinagtataka ng mga kasama nya.


Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 2)Where stories live. Discover now