PART - I

929 33 11
                                    

"No one knows how hard it is for me to continue this life without you." - Aries

I don't believe in destiny, kung para sayo edi para sayo. Mas naniniwala ako na makikilala natin yung taong para satin kasi choice natin na makilala sila. Yung tipong walang force ni universe at walang sign mula sa mga stars. Basta mangyayari lahat ng bagay kasi ginusto mo.

Never akong naging obsessed sa kahit ano mang bagay kahit mapa gamit pa yan o tao. Not until I met this guy. Napaka angelic ng face niya alam ko nag-aaral kami sa iisang university nung unang beses ko siyang nakita hindi talaga bumitaw yung mga mata ko sa kanya literal na lumabo yung paligid at naka focus yung mga mata ko sa kanya lalo na nung napadaan siya sa gilid ko. Amoy na amoy ko yung matamis niyang pabango amoy strawberry. From then I knew already na I want to live the rest of my life with him.

My name is Aries Diego Lintuangco, Half Chinese half gwapo, I mean Filipino. I'm a medical student currently on my premedical degree at Saint Gregory University. Matangkad, singkit at maputi since half Chinese ako. Hindi ako pala kaibigan pero may mga tropa naman ako. Medyo serious type ako at ang pinaka ayaw ko nilalapitan ako ng mga babae at lalaki wala naman akong issue sa mga bisexuals and gays. I considered my self as pansexual kagaya ng sabi ko magkakagusto ako sa taong gusto ko talaga not because someone forced me to do so. I hate it especially when they're trying to hit on me knowing their real agenda. I hate those type of people kasi feeling ko they only noticed me because of my looks. Not because they really liked me for who I am.

Yung guy na sinasabi ko siya si Kean Ashton Rivera, he is a music major student meaning to say magkaiba kami ng course pero same school kami nag-aaral obvious naman diba. Never akong naging ganito ng dahil sa isang tao yung tipong halos muka na kong stalker masundan at makita lang siya. Alam ko din na hindi siya galing sa mayamang pamilya. Scholar siya sa school at every friday at saturday night schedule ng gig ng banda nila sa Midnight Music Hall. Madalas akong pumunta dun hindi para mag inom kundi makita siya.

Promise kung gano ka anghel yung muka niya ganun din yung boses niya. Pa simple ko rin siyang kinukuhanan ng video habang kumakanta siya at every time na uuwi ako sa bahay paulit ulit kong pini-play yung mga videos niya at sobrang kuntento na ko dun. I know din na mabuti siyang tao, panganay siya meron pa siyang dalawang kapatid. Tatay niya ay construction worker while yung Nanay niya ay suma-sideline na tindera sa isang palangke. Kaya siya kumakanta sa Music Hall kasi yung kinikita niya dun ginagamit niyang pang gastos sa pag-aaral niya. Kaya walang dahilan para hindi mo magustuhan si Kean.

Kakatapos lang ng isang subject ko kaya naglalakad na ko papunta sa canteen ng collge namin. Actually madaming canteen dito halos lahat ata ng department meron kaya hindi crowded sa mga canteen kahit napaka daming courses ang ino-offer sa university na to. Kasalukuyan akong nanonood ng video ni Kean sa phone ko habang naka earphone ako. Alam ko muka akong tanga dahil hindi ko maiwasang ngumiti. Nagulat nalang ako ng may humarang na papel sa cellphone ko.

Napasimangot ako. Badtrip ayaw ko pa naman sa lahat ginugulo ako lalo na pag pinapanood ko yung taong mahal ko. Nabasa ko yung nakasulat sa papel. College of Music mini concert pagtingin ko sa taong nag abot sakin naka ngiti siya sakin dahilan para kumabog ng malakas yung tibok ng puso ko.

"Hi, Aries diba? " Banggit nito sa pangalan ko. "Kean nga pala" pagpapakilala nito sakin. I love you already, I mean kilala na kita. As in kilalang kilala. Gusto ko sanang sabihin yun kaso wala talaga akong lakas ng loob.

"Sorry I know parang pa feeling close agad ako. I want to invite you sana para sa mini concert namin this coming friday open siya sa buong university." Banggit nito sakin.

Hindi ko alam kung pano ko mag re-react yung taong pinapanood ko lang sa video kanina ito na kaharap ko. Never kong naisip na dadating yung panahon na to. Na makakaharap ko siya at makaka usap ng ganito kalapit.

"Sorry huh! sikat ka kasi sa University natin lalo na ata sa department namin. Inutusan nila akong personal kang imbitahan na pumunta sa concert. Baka kasi pag nalaman ng iba na pupunta ka mas maraming pumunta sa concert." Nahihiyang pag amin nito sakin. Gusto ko siyang yakapin at i-uwi sa bahay sobrang cute niya.

"Pero kung busy ka or hindi mo talaga gusto okay lang naman. Pasensya kana ang kulit ko ata sobra." Banggit pa nito sakin habang kinakamot yung likod ng batok niya. Gusto ko sanang tumawa kaso baka mabastusan siya sakin.

"pupunta ako" simpleng sagot ko dito. Syempre pupunta ako lalo na at ikaw mismo yung nagyaya sakin. Napangiti naman to dahil sa sinabi ko. "Pero sa isang kondisyon?" pahabol na banggit ko dito.

"Ano yun?" Tanong nito sakin.

"Gusto kong i-dedicate niyo sakin yung isang kakantahin niyo." Sagot ko dito.

"Sige walang problema, anong kanta ba gusto mo?" Tanong nito sakin.

"Kahit anong kanta pero gusto ko ikaw ang kakanta para sakin." Lakas loob na banggit ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob na harapin siya ngayon at kausapin siya na parang normal lang ang lahat pero aaminin ko na kanina pa gustong sumabog ng puso ko.

Ngumiti naman to ng napaka tamis "Walang problema. Basta ikaw" Tumango lang ako bilang sagot sa sinabi nito. Pero deep inside halos mabaliw na ko sa tuwa.

"asahan kita sa Friday huh. Thank you ulit at sorry sa abala." Banggit nito sakin ngumiti lang ako at nawala na to sa harapan ko. Halos hilingin ko na sana huminto nalang yung oras para lagi ko siyang makasama. Napatingin ako sa phone ko kasalukuyan paring nag pi-play yung video ni Kean. Sinuot ko ulit yung earphone ko at c siyang kumanta.

Vote and Comment
🥀 Veron So 🥀

STONE COLD (bxb)Where stories live. Discover now