PART - IV

357 25 12
                                    

Mabilis na natapos ang ilang taon. Naging kami ni Kean, kilala na siya ng parents ko they accepted us already at ganun din sa magulang niya. We're happy na halos ng tao sa paligid namin ay tinanggap kung anong meron saming dalawa. Actually kahit naman hindi nila gusto wala naman kaming pakialam.

Naka graduate na si Kean at nag tatrabaho sa isang Recording company not as singer huh! Alam ko parang office staff siya dun. Actually tuloy tuloy padin naman yung banda nila sa pagtugtog. Hindi ko siya pinipigilan na gawin ang gusto niya alam ko kasi na dun siya magaling at dun siya masaya.

Ako naman tapos na din ako ng pag-aaral actually doctor na ko at nagtatrabaho sa isang private hospital. Kahit sobrang busy ng schedule namin dalawa we always make sure na magkakaroon kami ng oras sa isa't-isa. Hindi ko siya pini-pressure at ganun din siya sakin madalas naman kami mag video call kaya parang lagi lang din kaming magkasama. I can say na sobrang matured ng relationship namin hindi kami nag tatalo pag dating sa maliliit na bagay We always make sure na lahat ng bagay dapat mapag usapan namin sa maayos na paraan.

"Hindi ba boring Pre? I mean yung routine niyo. Text, messesnger, Call, Videocall! Paulit ulit lang." tanong ni Ivan sakin. Nandito kami ngayon sa isang Cafe malapit sa university na pinapasukan namin dati nag yaya yung dalawang mokong since day off ko naman at busy naman si Kean dahil may trabaho siya.

"Kaya ba hiniwalayan mo yung jowa mo for 5 years na educ student sino naba yun? Muscle naba pangalan nun!" Tanong ko dito.

"Correction Jassel! Mahal ko yun kaso mas mahal niya ata propesyon niya. Alam mo yun Lunes hanggang Byernes mga estudyante niya yung kausap niya tapos pag weekends naman imbis na lalabas kami lagi siyang busy sa paper works niya. Lesson Plan, Instructional Materials, Class records kung ano-ano pa. Wala na siyang time sakin." Malungkot na banggit nito sakin.

Natahimik naman ako. Pano kung samin mangyari ni Kean to. Pag aawayan rin kaya namin yung oras? Siguro hindi naman no? Hindi naman kami ganun kababawa para gawin yun at para mangyari samin yun.

"Brad dapat inintindi mo yung tao. Trabaho yun eh! Tsaka alam mo naman na pinag-aaral niya din yung mga kapatid niya. Sagot ni Justin dito.

"Kaya nga makikipagbalikan na ko eh! Feeling ko lang talaga napagaod ako sa sitwasyon namin. Alam mo yun sobrang gutom ako sa pag-mamahal niya. Alam ko naman na mahal niya ko. Kaso badtrip pinag seselosan ko yung trabaho niya. Pero plano ko din naman. Ayusin ang lahat samin." Sagot ni Ivan dito.

-------------------------------------------------------------

Nandito ako ngayon sa tapat ng building ng opisina nila Kean plano ko siyang i-surprise. Ako na susundo sa kanya at mag dinner date kami sa labas. Hindi ako nag message sa kanya memorized ko naman schedule niya kaya alam kong malapit na siyang lumabas. Tama nga yung hinala ko palabas na siya nh building nila kaso may kasama siyang matangkad na lalaki naka ngiti ito sa kanya at ganun din naman si Kean dito. Alam ko yung ganung tingin kasi ganun din yung paraan ko ng pag tingin sa kanya. Pero bilang isang matured na tao, wala kong planong bigyan ng malisya yung nakikita ko ngayon. Malaki ang tiwala ko kay Kean at alam kong mahal na mahal ako nito.

Lumapit ako sa kanila, gulat si Kean sa presensya ko at yung lalaking kausap niya nakatingin lang sakin tinatanya kung kakilala niya ko.

"Aries? Anong ginagawa mo dito? Hindi ka nagsabi?" Gulat na tanong nito sakin.

Sasagot na sana ako ng unahan ako nung lalaking kausap niya. "Kean, antayin nalang kita sa Parking lot. Don't forget to call your bandmates para mapag usapan natin yung sa contract niyo." Banggit nito bago umalis. Ngumiti at tumango lang si Kean dito.

"Aries, tatawagan sana kita tungkol dun. Nagyaya yung boss namin ng dinner meeting kasama yung banda. Bibigyan nila kami ng record deals. Diba matagal na naming pangarap yun. " banggit nito sakin. Hindi ko alam kung magiging masaya ako o ewan bakit pakiramdam ko natatakot ako. Binigyan ko naman siya ng isang pilit na ngiti.

"ano nga palang ginagawa mo dito." Tanong nito sakin.

Isang yakap naman sana love. Gusto ko sanang mag dinner date tayo ngayon kaya nandito ako na-miss lang talaga kita ng sobra. Tsaka day off ko ngayon gusto kong sulitin yung oras na kasama ka kahit saglit lang. Yan yung gusto kong sabihin pero di lumabas sa bibig ko. "Napadaan lang ako Love, gusto lang sana kitang makita." Naka ngiting banggit ko dito.

"Nag abala kapa! Sana nag pahinga ka nalang na istorbo pa kita. Bihira lang yang day off mo eh! Nilalaan mo pa sakin imbis na bumabawi ka ng pahinga. Next time huh! Magsasabi ka sakin pag dadalaw ka ng hindi ako nabibigla." Sagot nito sakin.

"Ano kaba wala yun! Willing naman akong mag laan ng or--"  sagot ko dito kaso nakarinig kami ng busina ng isang sasakyan pag tingin ko yung boss ni Kean tinatawag na siya.

"Sige love uwi kana huh. Mag pahinga ka. Tatawag nalang ako sayo mamaya  pag uwi ko sa bahay." Banggit nito sakin sabay alis at sakay sa sasakyan ng boss niya.

"yung totoo birthday ko ngayon Love. Nakalimutan mo ata. Gusto ko lang naman na makasama ka yun lang. " sumakay nadin ako sa loob ng sasakyan ko. Hindi ko mapigilang umiyak sa loob ng sasakyan. Hindi ko maintindihan kung bakit basta ang alam ko lang nasasaktan ako. Hindi ko maramdamang galit ako sa kanya. Mas galit ako sa sarili ko dahil hinahayaan kong mangyari to.

Pagdating ko sa bahay dumiretso lang ako sa kwarto ko. Pilit kong kinukumbinse yung sarili ko na busy kasi si Kean at marami siyang  iniisip tsaka dapat suportahan ko siya sa pangarap niya matagal nadin naman nilang inaantay yun. Baka nakalimutan niya tsaka anong oras palang naman baka may surprise siya sakin diba sabi niya tatawagan niya ko pag uwi niya. Antayin ko nalang yun.

9:30pm

10:45pm

11:00pm

Kapit lang antay pa tatawag pa yan.

1:00 am

Tapos na birthday mo wag kanang umasa. Hindi ko alam kung ilang beses akong umiyak. Pero nakatulugan ko na yung pag-iyak at sama ng loob.

6:00 am

15 missed calls
10 messages

"Love gising kapa?"

"Love sorry"

"Love naka uwi na ko sa bahay"

"Belated Happy Birthday Love. Sobrang sorry anong oras nadin kasi ako naka uwi. Tapos lowbat yung phone ko."

"Love babawi ako. Sorry talaga."

"Mahal na mahal kita."

Lahat yan message ni Kean sakin wala akong ni replyan at wala rin akong tawag niya na sasagutin. Masyado pang masakit, lagi ko siyang sinusuportahan sa lahat ng pangarap niya sa buhay lahat ng gusto niya laging oo yung sagot ko. Dahil ayaw kong pigilan siya sa mga bagay na magiging masaya siya.  Pero sa ngayon gusto ko lang munang mag isip-isip.

Para naman sa sarili ko.

Vote and Comment
Next: LAST PART
🥀 Veron So 🥀

STONE COLD (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon