PART - III

369 26 23
                                    

Halos ilang taon din akong walang balita kay Kean. Hindi ko na siya nakaka salubong sa school at hindi narin ako nakaka punta sa mga gigs niya. Naging busy nadin kasi ako sa pag-aaral ko tapos ko na ang pre med ko at nasa medical degree na ko. Nakuntento nalang din talaga ko sa mga videos niya sa phone ko. Madalas kasi anong oras nadin natatapos yung klase ko ginagabi nadin ako ng uwi tapos pagdating sa bahay kakain lang ako at matutulog nadin agad. Lagi ng ganun yung naging routine ko.

I like him so bad, pero I want to secure my future syempre. Gusto ko naman na pag humarap ako sa kanya confident naman ako na I'm someone na deserving para sa kanya. Pauwi na ko sa bahay, medyo malakas ang ulan ngayon buti nalang binilhan na ko nila Mommy at Daddy ng sasakyan kaya kahit papano may sarili akong service sa pag pasok at pag uwi ko sa bahay.

6:00 pm ng gabi. Sakto naman naka hinto ako dahil umilaw yung red sa stop light at napatingin ako sa waiting shed saktong nakita ko si Kean na basang basa ng ulan. Binaba ko naman yung bintana at pasigaw na tinawag si Kean. Napalingon naman agad to sakin at ng makilala ako agad naman tong ngumiti sakin.

"Tara sakay kana?" Banggit ko dito.

Magdadalawang isip pa sana to kaso pinilit ko talaga siyang sumakay. Pumasok naman to umupo sa katabi ng driver seat. Sinuot nito yung seat belt. Pinatay ko naman yung aircon ng sasakyan kasi halatang nilalamig siya.

"Aries okay lang kahit wag munang i-off nakakahiya ako na nga tong naka istorbo sayo." Banggit nito sakin.

Never kang naka istorbo sakin. Gusto ko sanang sabihin. "I have extra shirt and towel diyan sa bag ko. Okay lang na gamitin mo." Banggit ko dito.

"Nako wag na. Nakakahiya naman tsaka matutuyo nadin naman ako." Sagot nito sakin.

"I insist, tsaka dinadala ko naman talaga yan pamalit after ng klase ko para komportable ako. Sige na wag kanang mahiya okay lang talaga." Banggit ko dito. Gusto ko sana siyang titigan pa ng mas matagal kaso kailangan kong mag focus sa pag da-drive ko. Natatakot nanaman kasi ako na baka ito nanaman yung huling beses na makikita ko siya. Gusto ko lang i-treasure yung moment na to.

"Naku baha sa daan papunta sa inyo? Hindi makaka pasok yung sasakyan ko at the same time malakas pa ang ulan." Banggit ko dito.

"Okay lang. Bababa na ko dito. Ako na di diskarte diyan sa baha kayang kaya ko yan." Naka ngiting banggit nito sakin.

"Wait lang Kean! You can stay sa bahay kahit overnight lang. Ang risky masyado nung gagawin mo. Mamaya mapano kapa diyan tsaka ang lakas pa ng ulan." Nag aalalang banggit ko dito.

"Nako sobra sobrang abala na to sayo Aries. Tapos imbis na nagpapahinga kana sa bahay niyo nandito kapa para ihatid ako. Magiging okay din ako wag kang mag alala." Nahihiyang banggit nito sakin.

"Hindi ka abala gusto din naman kita makasama, I mean pag hinayaan kitang lusungin yung baha at may mangyari sayong masama hindi rin naman ako mapapanatag safe naman sa bahay kaya sana punayag kana." Seryosong banggit ko dito.

Huminga lang to ng malalim sabay bigay sakin ng isang matamis na ngiti tanda na pumapayag na siya sa suhestiyon ko. 8:00 pm nadin ng dumating kami sa bahay. Pagdating namin naabutan namin sila Mama at Papa sa sala na nag hahanda na para sa hapunan. Napatingin naman sila samin lalo na sa kasama ko. First time ko lang kasing nagsama ng kaibigan ko sa bahay bukod kay Ivan at Justin.

STONE COLD (bxb)Where stories live. Discover now