LAST PART

563 33 39
                                    

1 week na ang nakalipas. Hindi ko padin kinakausap si Kean. Lahat ng messages niya at tawag niya sakin lahat yun hindi ko pinapansin. Gusto ko lang i-cool down yung nararamdaman ko. Ayaw kong mag usap kami na galit pa ko sa kanya ayaw kong mag  bitaw ng masasakit na salita sa kanya dahil ayaw kong masaktan siya ng dahil sakin.

Naging busy ako sa hospital. Nilalaan ko lahat ng oras ko sa trabaho. Malakas ang ulan ngayon halos ilang araw naring ganito ang panahon may bagyo kasi ngayon kaya kahit kami sa hospital busy din lalo na sa mga ganitong pagkakataon.

Naka tingin lang ako sa bintana napaka dilim na ng kalangitan malakas talaga ang ulan at may kasama pang pag kulog at kidlat. Kasabay ng liwanag at tunog ng kidlat biglang nag ring yung phone ko napatingin ako dito at nakita kong si Kean yung tumatawag. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan basta parang nag alala ako bigla sa kanya. Sasagutin ko na sana yung tawag ng lumapit yung nurse saakin nag mamadali akong tinawag.

"Doc. Aries may patient po sa E.R need na po namin kayo dun."  Banggit ng nurse sakin.

"State mo sakin yung sitwasyon niya ngayon." Kalmadong banggit ko dito habang papunta kami sa E.R

"Doc. aksidente daw po nabangga ng mabilis na motor yung lalaki. Medyo madami dami na pong dugo yung nawawala sa kanya kanina po gising pa yung parient at may tinatawagan pa sa phone niya pero ngayon po Doc. unconscious na po yung patient.."  Banggit nito pag dating namin sa E.R nire-revive na siya ng mga nurse.

Kaya agad naman kaming lumapit dito. Biglang nanlamig yung buong katawan ko ng makita ko yung taong nakahiga. Putang ina si Kean. Hindi ako naka kilos naging blangko ang lahat sakin. Nanginginig ako ngayon. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ko. Natatakot ako.

"Doc. mukang malabo na to." Banggit ng Nurse dito.

Sa sobrang blanko ng utak ko tinulak ko yung Nurse. Pumatong ako kay Kean at ako ang nag pump ng dibdib niya. "Kean gumising ka. Love please wag ganito." Nag umpisa ng tumulo yung mga luha ko.

"KEAN" sigaw ko dito.

"Kean wag! wag please lumaban ka!

"Love ano ba! Lumaban ka!" Pilit ko padin siyang pina-pump. Pero walang response si Kean. Parang guguho na yung mundo ko.

"Doc. tama na po." Pag awat ng isang nurse sa kanya.

"wag mo kong hawakan! Hindi pwede! " galit na banggit nito sa nurse sabay bumalik kay Kean. "Hindi naman ako galit love eh! Nagtatampo lang ako. Anong klaseng biro ba to!  Kean wag naman ganito. Hindi ko kakayanin." Umiiyak na banggit ko dito.

Nakatingin lang yung mga nurse sakin at hindi din nila mapigilang maluha sa sitwasyong nakikita nila sakin ngayon.

"Doc. sorry talaga but you have to do your duty." Sabi ng isang nurse sakin.

Alam ko na dun palang talo na ko sa laban na to. Mahal na mahal kita Kean. Tumingin ako sa relo ko.

"Time of death 7:30pm"

---------------------------------------------------------

Kung kaya ko lang gumawa ng time machine gagawin ko para lang makasama ka ulit. Hindi ko mapigilang sisihin yung sarili ko sa napaka daming dahilan. Una doctor ako pero hindi ko manlang nagawang sagipin yung buhay ng taong mahal ko. Pangalawa ako nanaman yung dahilan kung bakit napilitan siyang sumugod sa ulan para lang makita ako. Kung sana hindi ako nag matigas kung sana mas inintindi ko yung sitwasyon kagaya ng lagi kong ginagawa edi sana nandito pa siya edi sana buhay pa siya.

Nandito ako sa kwarto ko hawak ko yung regalong nakalagay sa bag ni Kean nung gabing ma aksidente siya. Para sakin yun at regalo niya yun nung birthday ko.

Binuksan ko yung regalo at nakakita ako ng isang CD at isang notebook muka siyang diary o diary talaga siya? Binuksan ko yung notebook at tinignan ang naka sulat dito.

06-18-2013
Nakita ko nanaman yung crush ko. Alam ko med student yun. Gwapo, chinito at matangkad. Sinadya ko talagang mapadaan malapit sa kanya para mapansin niya ko. Kaso mukang malabo maraming nagkaka gusto sa kanya sa school sikat siya at mukang mayaman. Ahhh basta hindi ko alam pero ang bilis ng tibok ng puso ko pag nakikita ko siya.

10- 20 - 2013
May mini concert ang department namin. Gusto ko sanang invite si Crush kaso nahihiya ako pano ko lalapit sa kanya. Baka sabihin niya super pa close ako sa kanya.

10 - 22 - 2013
Nilapitan ko siya! Nag sinungaling akong inutusan ako ng mga classmate ko na invite siya sa concert. Hindi niya alam na kusang loob ko yung ginagawa gusto kong makita niya ko mag perform sabi niya pupunta siya kaya dapat galingan ko.

10 - 24 - 2013
Ang hirap naman pumili ng kanta para sa kanya pero gusto yung make you mine by public. Gusto kong maging kami sana may chance na gusto niya rin ako.

Napapangiti nalang ako sa mga nababasa ko pero kahit naka ngiti ako kanina pa patuloy sa pag patak ang mga luha ko.

10-25-2013
Ang saya ng performance namin nilapitan pa ko ni Aries. Hindi niya alam kung gaano ko kasaya ng dahil sa ginawa niya.

02- 22 - 2015
Ilang taon narin akong walang balita kay Aries dati madalas siyang dumalaw sa music hall eh. Madalas ko siyang nahuhuli na kinukunan niya ko ng video kaya madalas ginagalingan ko sa mga performances ko para lagi niya kong pinupuntahan o baka naman may girlfriend na siya kaya busy na. Sana makita ko siya ulit.

03 - 18 - 2015
Nagkita kami ulit. BOYFRIEND ko na siya.

05 - 10 - 2020
Happy Birthday Love. Sorry kung hindi kita binati sa mismong araw ng birthday mo. Gusto lang talaga kitang i-surprise alam mo yun gusto kitang galitin magtampo ka sakin para hindi mo mahalata yung mga plano ko para sa birthday mo. Nung nakita kita sa office alam ko sobrang disappointed ka. Gusto na nga kitang yakapin at halikan kasi naawa ako sa reaction mo pero nag tiis ako. Alam mo ba kung anong ginawa ko nun? Ni record namin yung kantang ginawa ko para sayo.. Pupuntahan na sana kita sa inyo para ibigay yung regalo ko gusto ko kasi sabay nating pakinggan yung kanta. Kaso akala ko nag tatampo kalang. Yun pala nagalit ka ng sobra. Sorry love sana hindi nalang ako nag sekreto sayo ang lungkot kasi pag alam kong nagtatampo ka sakin. Love gusto kong malaman mo na wala akong pinagsisihan na minahal kita. I love you Aries you're my greatest love.

Hindi ko na napigilang mapahagulgol ng iyak. Niyakap ko yung diary habang nag pi-play yung kantang ginawa ni Kean para sakin. Hindi ko na siya makikita at hindi ko na maririnig sa personal yung maganda niyang boses.

"I love you Kean. No one knows how hard it is for me to continue this life without you." - Aries

The End 💔
Vote and Comment

Magiging honest ako this time. First time ko atang sumulat ng story na umiiyak ako sa sakit. Sobrang fan kasi ako ng happy ending obvious naman sa mga story na natapos ko nang isulat. Pero ito kakaiba to. Ako yung nag sulat pero ako din yung sobrang nasasaktan. Last na si Kean sa mga Character na mawawala sa kwento ko. Masakit talaga sorry. Thank you sa pag support. Love you all.

🥀 Veron So 🥀

STONE COLD (bxb)Where stories live. Discover now