Kabanata 6

187 15 0
                                    

Kabanata 6

"Manood ka kaya muna sa training namin? "

"Baka matagalan pa kayo. " agad kong sagot.

"Don't worry,  I got you. Ako mismo ang maghahatid sa'yo. " nginitian niya ako.

Ngumiti din ako sa kaniya " O sige na nga! Makulit ka e! "

Siya ang nagbitbit ng bag ko at mas naunang maglakad sa akin pabalik sa gym. Napaka-gentleman niya talaga. Hindi ko nga alam kung bakit wala pa siyang girlfriend tiyak naman na maraming nagkakagusto sa kaniya.

Pinaupo niya ako sa upuan na nakapwesto sa gilid kung saan nakatabi ang mga gamit ng players.

"Make sure you watch me while I'm playing, can you? Because this game is for you." aniya at hinawakan pa ang baba ko para magtama ang mga mata namin.

"O-okay. I- I will. " nauutal kong saad dahil kinikilig na nauutal ako ngayon.

"You really are cute no matter what angle you look at. So damn attractive, babe." aniya with matching sweet smile.

"Do you find me cute? " tanong ko naman at nagpacute na din sa kaniya.

Napangisi siya sa ginawa ko "Always. "

Nang makabalik sa laro si Marione ay nagpakitang-gilas nga agad ito sa akin dahil tuwing nakakapoints siya ay tumitingin siya sa gawi ko at kumikindat. Napapangiti nalang ako sa kaniya.

Naramdaman kong may tumabi sa akin.

"Talaga palang pinalitan mo na ako. " malamig ang tono ng boses na yun.

Napakunot ang noo ko sa kaniya "Hindi ba't ako ang pinagpalit mo?" tumaas pa ang kilay ko sa kaniya.

"Huh? " aniya na parang takang-taka.

"Don't you ever fool me Oliver! "

"I'm not fooling you, I really don't understand what you're saying." agad naman niyang sagot.

"Bumalik ka na dun sa muse mo! Ewan ko sa'yo! " inirapan ko lang siya habang siya ay napakamot ulo nalang.

"Mag-usap nga tayo! " naglalambing niyang saad.

"Nag-uusap na tayo." mataray kong sambit at umiwas ng tingin.

"Yung matino." 

"Ikaw lang ang hindi matino!" madiin kong banggit dahil naiinis talaga ako.

"Ano bang problema? " pangungulit niya.

"Ikaw! " tamad kong sambit at napairap sa kawalan.

"Alam mo? Ang gulo mo! " medyo tumaas ang bises niya.

"Mas magulo ka! "

Hindi na siya umimik kaya binalik ko ang atensyon ko kaya Marione na ngayon ay nakatingin sa akin, sa amin pero binigyan ko lang siya ng malapad na ngiti.

"Balikan mo na yung babae mo! Baka mamaya sugudin pa ako dito, lalo ka lang malilintikan sa akin. "

"Talaga! Mag-enjoy ka sa panonood sa kaniya! " bigla siyang tumayo kaya napatingin ako sa nanlilisik niyang mata.

"Talaga rin! " pagtataray ko.

"Sana mamaga 'yang mata mo kakatitig sa kaniya! "

Wala akong nagawa kundi ang titigan na lang siya ng masama dahil agad siyang naglakad papalayo. Bwisit! Hindi ako nakaganti! Nanalo siya ngayon sa bangayan pero hindi ako magpapatalo. Minsan talaga ang hirap spellingin ng lalaking yun.

Ang Dyosang Ayaw Magboyfriend (On Going)Where stories live. Discover now