Kabanata 13

228 9 2
                                    

Kabanata 13


"Cheers!"

Sabay-sabay naming iniaangat ang glass of wine to make a tossed.

It was my second time to attend this kind of celebration at the bar.  Sa pagkakatanda ko, unang beses akong nagpunta ng bar siguro nung malaman kong may kabit si Papa.

Kahit medyo hindi pa ako sanay uminom ay nakisama nalang din ako para maranasan din naman mag-enjoy. I was about to drink another shot nang mapako ang tingin ko sa papalapit na medyo kunot na naman ang noo.

"Oliver, come and join us here. " anyaya pa sa kaniya ni Clent.

Nilagok ko muna ang wine bago ko inilapag sa mesa ang baso. Kasama niya si Bryan na nginitian din ako kaya gumanti ako ng ngiti sa kaniya. Nang maibalik ko ang atensyon ko kay Oliver ay nakatitig pa din ito sa akin, tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Jowabels mo, mukhang wala sa mood. " pagsiko pa sa akin ni Zoey.

So ganito ang nangyari, nagkasundo ang sina Oliver at Drey na magsama-sama kami sa iisang table. Kaya lalong naging magulo at maingay ang pwesto namin. Imbes na gusto kong mag-enjoy ay hindi ko magawa dahil naiilang ako tuwing pinapanood ni Oliver ang mga kilos ko.

I could see how Zoey was having fun as he was with Hex who was part of Oliver's team. Samantalang ako ay nakahalukipkip ang mga kamay habang nakatingin lang sa taong nasa harapan ko. Napairap nalang ako sa kanilang posisyon.

"Oliver, you're taking me home, right? I want to go home na kasi e." 

Sobrang nag-iinit ang dugo ko sa Alice na 'yun. Pwede namang kausapin si Oliver nang hindi nakahawak sa binti nito.

"Because there are so many people here that your attention may be divided, I want to get you solo now."

Nasamid ako habang umiinom dahil sa naririnig kong kalandian ng pader. Agad hinimas-himas ni Drey ang likod ko dahil siya kasi ang katabi ko ngayon.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya pero tumango lang ako bilang tugon.

Nakuha ko tuloy lahat ang atensyon nila. Nang-iangat ko ang tingin ko kay Oliver alam kong gustong-gusto niya akong lapitan pero iniwas ko lang ang tingin ko sa kaniya.

"Dude, iuwi mo na si Alice gusto ka pa yatang masolo." panunukso ni Bryan kaya nakisali na din ang iba.

"Ang gwapo mo, Papa Oliver." pagbibiro naman ni Clent kaya mas dumoble lang ang ingay.

"Nakakahiya, tinutukso nila tayo." mahinang sambit naman ni Alice habang nilalabas ang malandi niyang tawa.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon para lingunin si Oliver kahit alam kong nakatingin siya ngayon sa akin. Ayaw kong magalit kaya pinigilan ko ang sarili ko, ikinuyom ko ang kamay ko.

"Do you really want to go home?" rinig kong tanong ni Oliver.

"Hmm, yeah."

Naramdaman kong tumayo sila pero hindi ko pa din sila binibigyang pansin.

"I'll just bring Alice home and I'll be right back."

Parang sa akin niya sinasabi ang mga salitang 'yun pero nawala na talaga ako sa mood. Tumayo ako kaya nakuha ko lahat ng atensyon nila. Tintigan ko si Oliver na nakatitig din sa akin.

"Kanino ka ba nagpapaalam? Sa amin?" rinig kong sagot ni Bryan.

"Edi kanino pa? Sa dyosa malamang." sabat naman ni Zoey.

Nabalot ng tawanan at tuksuhan ang table pero hindi ako natutuwa.

"Bring her home, but don't you ever comeback Escozar!" madidiin kong sambit sa kaniya.

Bago ako umalis ay nilagok ko muna ang huling shot para sa akin. Hindi ko alam kung saan ako magtatagtag ng inis. Please, sundan mo ako Escozar! Pero wala e, mas pinili niyang ihatid yung taong pader na Alice na 'yon.

"Zoey, halika sayaw tayo?" anyaya ko sa kaibigan ko pagkatapos kong bumalik galing restroom.

"Ha? E- may kasama ako dito e." naguguluhan niyang sabi.

Napatingin ako sa katabi niyang si Hex na ngayong umiinom ng kanyang shot. Ano sobrang mahal lang? Kaya di maiwan? Susko po Zoey, nagseseryoso ka pa din pala.

Then i realized something, hindi siguro ako mahal ni Oliver dahil mas pinili niyang sumama sa Alice na 'yun.

"Samahan mo 'kong humanap ng lalaki."

Naubo si Hex sa sinabi ko, samantalang tinaasan ako ng kilay ni Zoey. Busy ang iba naming kasama kaya hindi nila kami napapansin.

"Hex, don't worry ako lang ang maghahanap, sasamahan lang ako ng jowa mo." wala na talaga yata ako sa katinuan "Loyal sa'yo yang si Zoey, mahal na mahal ka nan!" dagdag ko pa bago maramdamang may humawak sa braso ko.

Nakita ko pa ang pamumula ni Zoey at pag-iwas ng tingin kay Hex. 'Saka ko nilingon 'yung taong humawak sa'kin.

"Bitiwan mo nga ako!" pagmamaldita ko.

Hindi niya ako sinagot basta niya nalang akong hinila palabas ng bar. Nang makalabas kami, 'saja niya lang ako maingat na binitawan.

"Oh musta? Hinalikan mo ba si Alice pagkatapos mo siyang maihatid? No, I mean baka siya 'yung humalik sa'yo? Masarap ba?" sarkastiko kong saad dala na yata ng kalasingan.

"What are you saying?" iritado niyang tanong sa'kin.

"What I am saying is, pinalitan mo na ako? Akala ko ba gusto mo ako? Bakit konting landi niya lang sa'yo, bumibigay ka kaagad?" dinuro-duro ko pa siya.

"You're drunk! I should take you home."

Akmang hahawakan niya ako ay umiwas ka agad ako at tila nagulat siya sa ginawa ko. "H'wag mo akong hawakan!" pagbabanta ko.

"And why not? Am i dirty or what?"

"Ofcourse you are! Humawak ka sa iba, tapos hahawak ka sa'kin? Parang 'yung sinabi mo lang na mahal mo ako tapos may iba ka pang gusto. Tssk!" agad kong sagot pabalik.

"Kahit kailan talaga ang gulo mo Frixie. Ikaw nga lang 'yung mahal ko, bakit pinagpipilitan mong iba 'yung gusto ko?" bahagya siyang lumapit sa'kin.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Bakit parang nawala lahat ng galit ko sa kanya? Patuloy lang siya sa paglapit sa akin habang ako ay nakatulalang pinagmamasdan siya. Ganito ba ang pakiramdam ng inlove? Masarap pala talaga.

"Mahal kita kahit hindi mo pa ako natutunang mahalin. Mahal kita kahit ganyan ka. Mahal kita kahit madalas kang magselos, kahit pa madalas kang topakin. Minahal kita hindi bilang babae lang kundi bilang isang binibini."

Napanganga ako sa mga sinabi niya. Nagkatitigan kaming dalawa at kapwa pinapakiramdaman ang mga tibok ng aming puso. Teka, nagmamahal na ba ako? Mahal ko na ba ang lalaking nasa harapan ko?

Unti-unti niyang hinaplos ang mukha ko, hindi ako makapag-isip ng matino dahil sa kuryenteng dumadaloy sa katawan ko.

Bumaba ang tingin niya sa labi ko na lalong nagpakaba sa akin kahit gusto kong halikan niya ako. Sobrang lapit na ng mga mukha namin kaya napapikit nalang ako habang hinihintay na may lumapat sa labi ko.

But I was wrong.

He kissed me.

In my forehead, sign of respect.

And  I admire him for what he did.

Nagmulat ako at nakita kong nakatingin na pala siya sa akin.

"Sa noo lang muna dahil hindi ka pa naman sa akin, paki-reserba na lang ng labi mo dahil kapag naging tayo na, papapakin ko yan."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon pero natutuwa ako at sobrang saya ko sa mga salitang 'yun. Niyakap niya ako ng mahigpit habang ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

"Sana lang maalala mo ito kahit lasing ka."








You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Dyosang Ayaw Magboyfriend (On Going)Where stories live. Discover now