Kabanata 8

163 13 3
                                    

Kabanata 8

"Oliver! Tumigil ka nga sa kalalakad mo. " ani ko kasi parang timang na naman itong lalaking ito.

Balak pa yata nitong magpahabol ng magpahabol akala niya siguro madaling makipaghabulan. Palibhasa kasi sobrang laki kung humakbang. So ayun hingal na hingal ako sa kahahabol sa isang yun. Saglit akong huminto dahil sa pagod, napahawak din ako sa dibdib ko habang habol ang hininga.

"Bilisan mo diyan. Mag-uusap pa tayo. " malamig niyang sambit.

Sinamaan ko siya ng tingin. Siya pa ang galit, e ako nga itong pinagod niya? Matindi din talaga ang isang 'to.

Umaayos ako ng tayo pati ang sarili ko ay inayos ko muna bago siya tiningnan. Nakapamaywang ko siyang tiningnan at bahagyang tumaas ang kilay ko sa kaniya. Nakita kong hindi siya makatingin sa akin ng diretso na ipinagtaka ko.

"Hoy lalaki! Ikaw 'tong may kailangan sa akin, pero kung umasta ka parang ako pa ang may kailangan sa'yo ah? Ano bang problema mo? " pagtataray ko sa kaniya.

Hindi niya ako sinagot. May time pa na tinitingnan niya ako pero agad din naman niyang iniiwas ang kaniyang paningin sa akin. Hindi ko talaga maintindihan ang ikinikilos niya lalo na ngayon. Pakiramdam ko ang mga tingin na yun ay parang diring-diri sa nakikita niya. Ilang minuto pa ang hinintay ko para marinig ang sagot niya pero wala akong natanggap. Napairap na lang ako sa kawalan dahil sa inis.

"Alam mo nasasayang lang ang oras ko sa'yo dahil ang sabi mo mag-uusap tayo, e ngayon nasan na? Kung hindi mo din naman ako kakausapin ngayon, h'wag mo na din akong kausapin kahit kailan! Katulad ng ginawa mo! Bahala ka sa buhay mo! Nakakabwisit! "

Dala ng pagkainis ko sa kaniya ay tinalikuran ko siya. Habang tinatahak ko ang daan ay pinagsisipa ko ang mga bato o boteng madadaanan ko. Kahit medyo malayo na ako sa kaniya ay hindi ko namalayang naabutan niya pa rin ako at nasa unahan ko na siya kaya nahinto ang paglalakad ko. Pinanlisikan ko muli siya ng tingin.

"H'wag mong harangan ang daanan ng dyosa! " maarte kong sambit.

Nakatitig lang siya sa akin at napansin ko din na parang gusto niya akong hawakan pero nagpipigil lang. Ano bang problema ng isang 'to?

"Ano ba? Hindi mo ba ako iimikan? Last mo na talaga 'to! "

"I'm sorry, its just that your cleavage really bothers me. Can you please fix it?"

Imbes na mamula ako sa sinabi niya ay parang mas lalo lang akong namutla sa kahihiyan. Tinitigan ko ang dibdib ko at nakita kong masyado nga siyang umulwa. Kaya pala hindi niya ako matitigan dahil nakatitig pala ang boobs ko sa kaniya. Really shit!

Nakatago kaya sila kanina.

Bakit ba kasi lumabas pa sila? Bakit kailangang sumilip pa ang dalawang 'to?

"H'wag mo kasi silang pansinin para hindi rin sila  magpapansin sa'yo. " ani ko at itinuro ang boobs ko.

"Whatever sweetheart. "

Sa wakas ay hinawakan na niya ako para hilahin papunta sa kung saan. Napadpad kami sa lugar kung saan madalas niya akong dalhin kapag gusto niya akong kausapin. Binitawan niya ako at isinandal sa pader habang ang isa niyang kamay ay nakatuon din sa pader. Matalim ang mga titig niya pero hindi ako magpapatalo dahil may kasalanan din siya sa akin.

"Who told you that you could wear that kind of dress?" aniya gamit ang nakakakilabot na tono.

"Pakialam mo ba? "

"Who told you that you could hang your body in front of so many people?" dagdag pa niya.

"Pakialam mo ulit? "

Ang Dyosang Ayaw Magboyfriend (On Going)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें