Kabanata 11

140 9 0
                                    

Kabanata 11

"Mag-usap nga tayo! Is there a problem, Frixie? You didn't even answer my messages and calls! What the hell? " galit ang nakikita ko sa itsura niya ngayon pero mas galit ako.

Ipinagpatuloy ko lang ang pag-aayos ng locker ko "And why would I do that? Wala namang tayo. Your not even my boyfriend. " pagtataray ko.

"Okay! Okay! Then atleast tell me what is your problem? Ang hirap mong intindihin! " sambit niya sa likuran ko.

Padabog kong sinara ang locker at hinarap siya kitang-kita ko ang pagka-irita sa kaniyang mukha "Ikaw ang hindi ko maintindihan Escozar! Alam mo, mamaya na lang tayo mag-usap maybe after the championship. Kailangan ko ng puntahan sina--" naputol ang sasabihin ko.

"No! Hindi tayo aalis dito hangga't di natin naayos 'to! Ipaliwanag mo naman sa akin, kausapin mo naman ako." pagmamatigas niya habang mahigpit na hawak ang isa kong braso "Please sweetheart, don't be like this. " biglang nanlalambing ang naging tono niya.

"Ang sabi ko, mamaya na. Anong mahirap intindihin do'n Escozar? Magsisimula na 'yung game kaya kailangan ko nang mag-ayos at ikaw malamang hinahanap ka na nila. Mamaya na lang, okay? " pangungumbinse ko pa.

Pabalang niyang binitiwan ang braso ko "Fine! Siguro nga mamaya na tayo mag-usap. For now, si Drey muna ang kausapin mo! " aniya 'saka tumalikod sa akin.

Gustong-gusto kong ipagtanggol ang sarili ko sa kaniya dahil parang ako pa yata ang nagmumukhang masama at malandi sa amin. Bago pa man ako makasagot ay tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

Pagkatapos kong mag-ayos kaagad na akong nagtungo sa gym. I'm just wearing a simple maroon tube on top and a fitted skirt. Nakalugay lang ako dahil maganda at bagsak naman ang buhok ko kaya mas lalong bumagay sa suot ko ngayon. Pero kahit anong ganda ko na ay nakabusangot pa din ang pagmumukha ko.

"What's with that face? Hindi ka mananalong best muse niyan, Tisay. " pananakot ni Zoey sa akin.

"I don't care! Hindi ko naman kailangan 'yun! " sagot ko naman.

"Ay wala sa mood. Nag-away na naman kayo ng sweetheart mo, noh? Alam mo mamaya mo na isipin kung paano kayo magbabati, mas makabubuting isipin mo 'yung isasagot mo mamaya. " aniya na nagpakunot lalo ng noo ko.

"Sagot? May question and answer? "

"Hala ka, hindi mo alam? Don't worry kering-keri mo 'yun, maning-mani lang sa'yo 'yung mga tanong. Kaibigan ko yata 'yung pinakamatalino sa klase namin. Make us proud, sweetie." tinapik-tapik pa niya ang balikat ko.

Shit! Hindi ko alam na may mga questions pa na kailangang sagutin, ang alam ko kasi ay may konting rampahan lang na magaganap. Ano 'to, beauty pageant? Bwisit naman e!

Magmula ng makausap ko sina Clent at Drey ay halata sa kanila na sinasadya nilang iwasan ako. Limitado na ang mga salita maging ang oras nila kapag ako ang kaharap nila, katulad ng nangyayari ngayon. I hate this kind of feeling! Kasalanan mo'to Escozar!

"Hi. " bati ko sa kaniya.

"Hello. " malamig niyang sambit without looking at me.

Ang pangit sa pakiramdam na may taong umiiwas sa'yo. Hindi ko na siya pinilit na kausapin pa ako dahil hindi naman ako gano'ng klaseng babae. Magkatabi pa rin kami ni Drey habang hinihintay na mag-umpisa na ang laro. Maya-maya pa'y nahagip ng mata ko si Clent na katabi lang din pala ni Drey at mukhang kanina pa nakatingin sa akin.

"Hi Clent. "

Napangiti siya sa akin "Hi Frixie. " bati niya pabalik sa akin at lumipat ng pwesto, kaya katabi ko siya ngayon.

Ang Dyosang Ayaw Magboyfriend (On Going)Where stories live. Discover now