Prologo

7 0 0
                                    

"25..26..27..28.." Mag-tatatlumpu na sa pag pupush-ups si Shae at hindi parin ito pinagpapawisan. Araw-araw niyang ginagawa ito kabilang na ang pag sit-ups, pull-ups,mag-treadmill at kung anu ano pa tuwing umaga. Nakasanayan niya na kasi ito dahil edad 9 pa lamang siya, ipanapagawa na ito ng kanilang ama sa kanya at sa dalawa niya pang kapatid na lalaki. Dahilan kasi ng ama, hindi sila maaaring magpakita ng kahinaan kanino man. Lalo na at pamilya sila ng mga sundalo.

Girls like girls like boooys do nothing new🎵

Narinig niya ang ringtone niya hudyat na may tumawag. Inis niyang itinigil ang ginagawa at dinampot ang telepono niya sa side table.

Warren calling...

"Haay! Distorbo talaga kahit kailan." Pabulong na asik niya sa tumatawag. Akala mo naman maririnig siya nito.

"Goodmorning love! How ar-"
She released a deep sigh that's why the caller paused.

"How many times do I have to tell you Warren? Don't call me Love anymore because we're over! Tatlong buwan Warren. Tatlo na! Ano pa ba?!" Asik niya rito.

Sandaling natahimik ang kabilang linya bago muling nagsalita.

"I know I know I-I'm sorry. Nagbabakasakali lang naman ako na--" pinutol niya muli ang sinasabi nito.

"No. Tapos na tayo. Wala kang kasalanan pero sana huwag mo nang ipilit ang sarili mo sa'kin. Please? Oo gasgas na'to pero kasi totoo 'to eh. You deserve someone better."

"Then make yourself better for me--" hobby niya na yatang i-cut ang mga sasabihin nito.

"HOW WARREN? Paano ko gagawing better yung sarili ko para sa'yo kung ako mismo ayaw maging better? Hindi na kita gusto kaya please tama na. Nasasaktan ka lang oh?! Wake up!! I can't do anything for you kaysa paasahin kita." Mula sa kanyang mataas na tono ay bumaba rin ito sa huli. Nakakaramdam siya ng awa para dito ngunit hindi konsensiya.
Because she believes that she better slap the truth to the person than lying to avoid that person to be hurt. Lahat ng tao nasasaktan, no exceptions. Kung ang sakit naman na 'yon ang tanging paraan para magising at umayos, ano pang dahilan para hindi gawin?

"Uh, okay Shae I'm sorry..." anang nasa kabilang linya.

"No, it's okay. Sorry I need to end this call na. I have a lot of things to do. Take care." 'Yon lang tsaka niya binaba ang tawag.

Pabagsak niyang ibinalik ang cellphone sa side table at nag-dive sa kanyang kama.
Parang bigla tuloy siyang nanghina sa usapan nila ni Warren.

"Ate Shae? Mag-aagahan na raw po, ipinapatawag na kayo ng Don." anang kanilang kasambahay. Ate lang ang tawag nito dahil na rin sa kagustuhan niya.

"Susunod na po ako manang! Maliligo lang po sandali, salamat!" sabi niya dito at kumaripas na ng takbo patungo sa kanyang banyo.

Matapos ito,bumaba rin siya kaagad. Nasa unang baitang pa lamang siya ng hagdan pababa ay naririnig niya na ang kanyang ama na mukhang may sinesermonan.

"Good morning po..." bati niya sa kanyang pamilyang kumpleto na sa hapag atsaka naupo.

"Tatlong buwan na lang at mag-sisipagtapos na kayong tatlo..." sabi ng kanyang ama. Uminom muna ito ng tubig at nagpunas ng bibig bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Devinter, what's your plan? Grade 12 kana meaning college kana after this level. I want to hear something from you, son." anito sa kanilang panganay.

Hindi naman malaman ni Vinter ang sasabihin niya. Alam ni Shae na nais nitong maging aktor sa ibang bansa at kung mag-nenegosyo man, gusto nito na sa States magtayo o di kaya'y mamahala. Hindi lang siya ang may alam. Maging si Dash, ikalawa niyang kapatid. They knew because three of them are so close to the point that they share their thoughts, moods, problems, secrets, relationships and more. Their age gap doesn't make sense for them to be that tight.

"Go kuya Vinter! Say it! Say it!" Hindi niya masabi ito sa kapatid kaya tinitigan niya na lang ito ng tinging nanghihikayat.

Nalukot ang mukha ni Vinter. Lumunok ito ng paulit ulit bago magsalita.

"Papa...I want.." hindi nito matuloy ang sasabihin sa takot sa magiging reaksiyon ng Don gayong alam nilang lahat na si Vinter ang paborito nitong anak, sunod siya.

"What is it son? Come on don't be afraid. Nakasisiguro naman akong valid 'yan. I trust you anak!! HAHAHAHAHA" anito. Nagmamalaki.

"Pa, I want to be an actor in U.S!" mabilis na ani Vinter at yumuko. Naghahabol pa ito ng hininga dahil sa dire-diretsong pagsasalita na may halo pang kaba.

"Ganyan nga kuya! Shit that's our bro! HAHAHA" bulong niya sa sarili at palihim na tumatango tango.

Kita ni Shae ang paghigpit ng hawak ng Don sa kutsara at pag-tiim bagang bago nag-angat ng tingin.

"SURE SON! WHY NOT?! MONTH AFTER YOUR GRADUATION, I'LL MAKE SURE NAROON KANA. AKO ANG BAHALA SA LAHAT NG KAILANGAN MO ROON, I GOT YOU!" Anang kanilang ama at tumatawa pa.

Lahat kami ay nagulat! Hindi namin inaasahan iyon!! Bakit hindi namin inaasahan? Simple lang.
Una sa lahat, ang gusto ni papa para sa aming lahat ay maging sundalo. Ikalawa,
wala nang ikalawa. Pinal na desisyon iyon ng kanilang ama. Walang lilihis ng propesyon.
Isa pa, ang kuya Dash niya nga na mas makabuluhan ang gusto hindi pinayagan ng ama nila. Galit na galit pa nga ito at kung anu-anong masasakit na salita ang inabot ng kanyang kuya dito. Nais kasi nitong maging isang Doctor.

Matapos ang usapan na iyon ay wala nang nangahas pang magsalita muli. Naunang umalis sa hapag ang Don dahil may tawag itong sinagot. Sumunod ang kanilang ina dahil hindi pa raw natatapos sa mga paperworks nito bilang CEO ng isang hotel dito sa El Garces.
Ang MINES hotel.
Tatlo na lang silang natira kaya nakapag usap sila ng barubalan.

"Tang ina mga tol! Kinabahan ako parang maluluwa ko na yung mga hotdog na nilamon ko kanina!! HAHAHA" ani Vinter.
Nagtawanan silang tatlo.

"Well Congrats Gayshit! HAHAHAHAHA" sabi naman ni Dash. Batid ni Shae ang pait sa sinabi nito. Well, kahit kung siya ang nasa posisyon nito, baka nagprotesta pa siya sa ama.

"Same here peeps!" aniya sa panganay na kapatid.

My Black ValentineWhere stories live. Discover now