#1-First kiss

3 0 0
                                    

Song:
Summertime-Maggie × Nyan
_________________________

Kimi no toriko ni natte
Shimaeba kitto🎵

Kono natsu wa juujitsu suru
No motto🎵

Mou modoronakutatte wasurenaide🎵

Demo kimochi wo🎵--

"Uuhhh fuck!" anas ni Shae. Tumutunog na ang alarm niya. Ibig sabihin, alas kuwatro na.

Padabog siyang bumangon nang nakapikit pa. Wala siyang pakialam kung anong sama ng lukot ng mukha niya dahil wala namang nakakakita. Isa pa, hindi kasi sapat ang tulog niya. Kinausap siya ng kinausap ni Maurish tungkol sa kung anu-anong mga bagay.

Nag-stretching muna siya. Alas siyete pa naman ang pasok ngunit bumabangon siya ng alas kuwatro upang mag-ehersisyo sa loob ng dalawang oras.

Matapos ang stretching ay tinungo niya na ang banyo upang magsipilyo at maghilamos. Iyon ang nakasanayan niya nang gawin bago tumuloy sa hard workouts.

Nasa kalagitnaan siya ng pagsisipilyo nang biglang kalampagin ni Dash ang pinto ng banyo niya.

"HAHAHA sinong ginulat mo?" aniya sa kapatid kahit hindi masyadong malinaw ang sinasabi dahil puno ng bula ang bibig niya.

"Wala naman. We all know na lahat tayong tatlo ay matatalas ang pakiramdam HAHAHA! well, no doubt. Same blood runs through us!! The Caminovas..." Some confidence plastered into Dash's face.

Tango na lang ang sinagot niya rito.

"C'mon gayshit! Bilisan mo naman diyan, let's do Jog around hanggat maaga pa!" Bahagya pa siyang natawa sa pagkainis ng kapatid niya kaya nagmumuog na siya at pinalabas ang kapatid sa Cr para magbihis na.

She wears a Nike Dri-fit shirt paired with a Nike cycling shorts and Nike running shoes.

"Where's kuya Vinter, peeps?" Tanong niya kay Dash.
Umiling ito. "May exam na raw sila, nagrereview dahil mahirap daw."

Tumango na lang siya at inunahan na sa paglabas ang kanyang kapatid.

Doon sila sa labas ng Bahay nila nag-jog. Isang exclusive subdivision ito.
Naka-ilang ikot pa sila bago nag isang ikot ng sprint. Nag-unahan silang dalawa. Animo'y mga kabayong rumaragasa sa video karera.

Alas sais na ng umaga noong makabalik sila sa bahay. Kumakain na rin ang kanilang mga magulang at si Vinter.

"Sorry pa, we're late--"
"Halata naman huwag kana lang magsalita. Kaganda ganda ng gising ko sisirain mo.." tugon ng papa nila kay Dash.

Napabuntong hininga siya.
'Yon ang ipinagtataka niya. Kung si Vinter ay gustong gusto ng kanilang ama, kabaligtaran sa kuya Dash niya. Gayunpaman, hindi nabawasan ang respeto nito sa ama. Ni wala siyang matandaan na tinawag ng papa nila si Dash ng "anak".

"Tara Shae, palit na.." matamlay na ani Dash matapos siya nitong tapikin sa likod.

Pagbaba nila ay naka uniporme na silang lahat. Nag-agahan at tumungo na sa School nila.

wala pang kinse minutos ay natatanaw niya na ang bukana ng kanilang paaralan.

LUCEO GARCES HIGHSCHOOL

Bagaman nasa probinsiya sila, hindi ito mahahalata sa disenyo ng kanilang paaralan. Moderno na rin ito. Kulay Medyo madilim na klaseng dilaw at Asul ang tema nito kaya ganoon din ang kanilang uniporme. Asul na skirt na may lining na dilaw at puting blusa na may kapares na maiksing dilaw na kurbata ang sa babae; asul na pantalon na may dilaw na lining at puting polo na may dilaw na mahabang kurbata naman sa lalaki.

My Black ValentineWhere stories live. Discover now