#5-Battle

12 0 0
                                    

Songs:
Bring me to life-Evanescence
Make you mine-Public
____________________________

Gaya ng napag-usapan, maaga kaming nagsi-uwi na tatlo. Kada practice namin sa bahay, nalelate ng isang oras si kuya Vinter dahil 3pm ang tapos nila. Kasama namin sa banda ang mga ka-squad ni kuya Dash na si Riley, incharge sa bass guitar. Si Cline ay ang drummer, ako na sa acoustic guitar, si kuya Vinter sa electric guitar at si kuya Dash ang sa piano at anu-ano pang effects gaya ng synths at modern beats na mahirap gawin sa drumset.

"Kailangan natin mag-isip ng ipeperform na hindi common sa pandinig nila." Suhestiyon ni kuya Dash.

"Pumili tayo ng medyo luma!" si Cline.

Sumang-ayon naman kami. Pero hindi ako kuntento sa mga narinig ko.

"Kung luma, maraming hindi makaka-relate na mga kapwa natin estudyante. Babagsak tayo sa audience impact. Kapag modern naman, maaaring ang judges ang hindi masatisfy atsaka common yung mga kanta ngayon. Kailangan nating makahanap ng hindi sobrang bago at hindi sobrang lumang kanta na alam ng lahat. Lively, at mapapa headbang sila o kaya'y makikikanta. At yung isa, maaaring bago ngunit hindi nalalayo sa mga kagamitan natin." Sabi ko.

"What do you mean sa gamit natin?" batid kong naguluhan si Riley.

"Kailangang ma-rock natin ang stage gamit ang electric guitars, drumset, bass guitar, piano at acoustic guitar. Kasi halos lahat ng pop music ngayon ay modern na ang gamit. Yun bang computerized. Kailangan nating iparamdam sa kanila yung Good old days feeeeeels  para ma-enjoy nila." Paliwanag ko habang nag hahand gestures pa na nakadagdag naman sa pagpapakita ng punto ko.

"How about the modern synths? Wala na yun?" Ani kuya Dash.
His face is funny. Parang nalugi.

"No! Gagamit tayo pero minimal lang. Kailangang ma emphasize yung mga instruments natin. Kailangan ma-amaze sila." Muli kong paliwanag.

Tumikhim si kuya Vinter.
"Okay okaaaay master Shae... Pili na po tayo ng kanta Master Shae dahil antok na po ako Master Shae..." aniya. Lumuhod pa na akmang pinupuri ako sa pagtaas baba ng kanyang dalawang braso.

"Okay let's do this! Rock the world!" Sabi ni Riley.

Sinimulan na nilang aralin ang mga parte na tutugtugin nila sa nauna naming kanta na napili. Ako naman, inaaral ang pagkanta nito. Dalawa ang napili namin at nasisiguro naming kakayanin dahil mabibilis kami lahat na matuto dito.

Araw-araw namin itong ginagawa dahil nasa business trip si papa kaya maaari kaming hindi muna mag-training.

{LGHS}

"Kung walaaaa kanang maintindihan~~...LUTANG POTA" Bungad ni Maurish.

"Pagod eh." Sagot ko.
Naramdaman ko namang umakbay sa akin si Poly at nakita kong kasama niya ang iba pa naming ka-teammates.

Tumawa si Poly. "Pagod saan? Ayyy ikaaaw ah!!" Pang-aasar niya. Alam ko kapag ganito siya, may kababalaghang naiisip.

"Huy! Adik sa KFC ambebe Shae? Naku nakakapagod nga 'yan!" Segunda pa ni Sia na sinundan naman ng panunukso ng lahat kong ka-teammate.

"Mga ulol! Ayan epekto ng twitter sa inyo kapag walang training! Walang mapagkaabalahan...Tsktsk" pabalik kong panunukso sa kanila.

At nagtawanan na kami. Naganap ang championship namin sa volleyball kahapon lamang kontra Bluebell Institute.
Siyempre....Undefeated-,-

"Pagkatapos ng Battle of the prides, mall oyat ha!" Pang-aaya naman ni Misha.

"Baket libre mo ba?" Sabay sabay naming tanong sa kanya.

My Black ValentineWo Geschichten leben. Entdecke jetzt