#6-Delivery

0 0 0
                                    

"Are you ready, Darling?" Tanong ni papa sa akin.

Sa totoo lang, hindi na ako bago sa pag-akyat tuwing recognition dahil taon-taon ko itong nagagawa. 'Yon nga lang dahil pataas ng pataas ang honor ko at padami ng padami ang achievements ko.

"Yeah.."
"Don Ashton, ano po bang sasakyan ang gagamitin natin ngayon?" Anang driver.

"Si Vannie ang gagamitin. Sa isang sasakyan tayong lahat. Vinter, Dash, walang magdadala ng sasakyan.." ani papa. (Vannie-Family van)

"Yes papa" sabay na anang dalawa.

{LGHS}

"Shae! Bakit parang hindi ka excited?!" Bungad ni Poly. Binati niya na rin ang pamilya ko bago ako ipinaalam sa kanila na isasama ako sa kung saan.

"Masaya naman ako. Nag-woworry lang naman ako bukas para kay kuya Dash. Moving up niya pero hindi pupunta si papa. Busy daw" I quoted the word 'daw'.

"Oh..nakaka-sad nga talaga. How about your mom?"

"She will attend ofcourse! Pantay-pantay naman ang pagmamahal ni mama sa aming tatlo. Ganoon din kami sa isa't-isa. Panira lang talaga ng family feels si papa." Paliwanag ko pa.

Nag-tungo na kami ni Poly. Since parehas kaming "C" ang unang letra ng surname, magkatabi kami. Hinihintay na lang namin si Maurish.

Medyo matagal bago dumako sa grade level namin ang parangal. Nagsimula kasi sa nursery. Noong ako na, nagtungo na ako sa hagdan.

"Devinne Ashe V. Caminova of grade 9 Onyx. With highest honor. Best in English, Best in Math, Best in Science, Best in Filipino, most disciplined, Most neat, Setter of the year, Athlete of the Garcesian year, and Leadership award." Hindi ako magkandaugaga sa dami kong tinatanggap kaya tinulungan na ako ni mama. Si papa naman ang nagsasabit ng medals ko. Natanaw ko ang mga kapatid ko sa di kalayuan. I showed them a thumbs up with a big smile. They did the same way too.

"Congratulations anak! You never fail to amaze me!" Ani papa habang naglalakad na kami papasok kay Vannie.

"Same here my sunshine...Sandali at tatawagan ko si manang para mag-handa ng maliit na salu-salo." Si mama naman.
I pouted.
"Mama, I want you to cook! I want beef steak and buttered shrimp! I am sure that these two ugly there are agree." Sumimangot ang dalawa kaya lalo naman kaming natawa nila mama at papa.

Sana araw-araw ganito...Masaya lahat at nagkakasundo. Hindi pinupuna ni papa si kuya Dash, hindi niya kami pinepressure at may salu-salo pa...

{CASA CAMINOVA}

Hinintay talaga namin ang luto ni mama. Ganoon namin kagustong lahat ang luto niya. Na hihintayin kahit gaano pa katagal.

"Oooowssshhh ayan na! Ayan na!" Pagpalahaw ko nang makita si mama na hawak ang lagayan ng buttered shrimp. Si manang naman sa beefsteak.

Handa na ang lahat kaya kumain na kami. Siyempre, nag-lead ako ng dasal bilang pasasalamat sa lahat ng mayroon kami ngayon, simula sa simple hanggang sa malalaking bagay maging ang aking achievements at sa pagiging kumpleto namin..

"mmmm shawap!" Puno pa ang bibig ay nagkokomento na itong si kuya Dash.
Nagulat ako ng ngitian siya ni papa.
"Eat more, Dash..." ani papa.

Natigilan kami lahat sa pag-subo.

Anong himala ang tumama at ganito makitungo si papa kay kuya Dash?

Nilingon ko si kuya Dash na natigilan ngunit opo na lang ang nasabi kay papa.

Matapos ang masayang pangyayaring 'yon ay umakyat na ako sa taas.
Magpapahinga muna ako dahil maya maya ay mag-training na kami. Umalis ang mama't papa dahil sa biglaang meeting sa isa sa mga kompanya ni papa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Black ValentineWhere stories live. Discover now