DISPLAY PROFILE 🚬

5 2 0
                                    

Bihira akong magpalit ng profile picture sa FB Account ko, madalas pa nga hindi naman mukha ko ang pinopost ko, ayoko kasing malait o pagtripan ng mga barkada ko. Kadalasan anime o kaya naman bagay o gamit lang ang uploaded sa DP ko. Then one time, my bestfriend used my account. Pinalitan niya ang profile picture ko sa FB ng hindi ko alam, nalaman ko na lang yun nung marami ng comments and shares sa notification ko. Binura ko agad ang DP at binalik ko sa dati kong DP pero di natigil ang mga nakakita ng DP na pinost ng Bestfriend ko. May nagscreenshot pa nga at nagppm sa akin.

"BASTOS"

"ANG LAKI NUN HA"

"IKAW AHH"

Sa sobrang hiya ko muntik ko ng idelete ang account ko, dahil kahit anong paliwanag ko sa kanila na hindi ako yun, WALANG NANINIWALA.

Dahil dun di ko na pinahawak ang cellphone ko sa bestfriend ko. Di ko rin naman magawang magalit sa kanya, mukha naman siyang masaya sa ginawa niya eh 🙄 at di ko rin naman kayang manakit ng babae.

"Di ka galit?" tanong ni Lia sa akin.

"Sino ba kasi nag-utos sayo non? Para siya sasapakin ko." Niyakap niya ko.

"Sorry na. HAHAHA! Dare nila sa akin yun eh. Di ko magawa sa account ko kaya..."

"Di naman pwedeng walang kapalit yun."

"What do you mean?"

"Magpicture tayo. Gawin mong DP mo."

"Yaw ko nga! Baka kung ano pa isipin nila!"
Sinamaan ko siya ng tingin.

"Okay! Okay! Sige na! Ang daming alam!"

"Game!"

"1...2...3..." *Click

"Ako magpapalit! Baka di mo gawin!" Inagaw ko sa kanya ang cellphone niya.

"Walang tiwala" Pilit naman niyang inabot ang cellphone niya kahit alam niyang di niya abot, mas matangkad ako sa kanya.

"Ayan!" *Posted*

"Patingin!"

"Di mo pwedeng i-delete yan ahh!"

"Tsss... Daya. Patingin na!"

"Oh." Saka ako umalis sa tabi niya at tumakbo.

"OYY! ANO TOH JAAAAAASPEEEEEERRRR!"
Nakita ko ang notifications ko ang mga likes at comments, tinag ko kasi yung post ko kanina sa account ko.

"SS"

"UYY"

"YIIIIIEEEH"

"TOTOO BA?"

"SANA ALL"

Nagdagdag ako ng comment sa post:

"Wag mong buburahin yan! Kung hindi break na tayo 😂"

Post
📷 Me & Lia :
"Nang dahil sa DARE kami na!"
*CHANGE DP*

©Mr. UP

[Untitled]Where stories live. Discover now