JUNK SHOP

3 2 0
                                    

"Bilisan mo na Makmak!" Sabi ko sa kalaro kong nangangalakal.

"Teka lang! Malapit ko na makuha." sabay hatak niya sa taling nakasawsaw sa kanal. Pag-angat ng dulo may mga nakadikit ng pako doon sa magnet, parang siyang namimingwit ng isda.

"Yan! Marami rami na toh" Kahit marumi tinanggal niya ang ilang pako nakakadikit sa Magnet. Halos naka isang kilo na ata siya dahil kanina pa siya nangangalakal.

"Tara na! Andiyan na si Aleng Bebang!" Tawag ko ulit sa kanya ng makita ko si Aleng Bebang na may dalang walis tingting. Lagi niya kasi kaming pinapagalitan.

"HOYY! MGA BATANG TOH! ILANG BESES KO NA KAYONG SINABIHAN NA WAG KAYONG MANGANGALAKAL DIYAN!" Kumaripas kami ng takbo HAHAHA.

"Benta na natin yan." tukoy ko sa supot na hawak ni Makmak. Mukhang mabigat iyon.

Sa Junkshop.

Kinikilo na ang dala naming mga kalakal. Si Manong Bert ang naglagay sa kiluhan.

"Oh, Isang kilo't kalahati. Bente singko pesos lang toh."

"Manong dagdagan mo na sa Trenta. Pangkain lang namin." kunwari pagmamakaawa ko.

"Sige na nga." Saka inabot ang 30 Pesos sa amin. Masaya kaming naglakad pakalsada. Nakita naman namin si Nanay.

"Joyjoy! San na naman kayo galing ha! Bat ang rumi rumi niyo?!"

"Nangalakal kami Tita." sabi ni Makmak.

"Ipon namin para sa future namin ni Makmak." sabi ko at pinakita ko ang 30 pesos na kita namin sa pangangalakal.

"Jusmiyo! Ang babata niyo pa. Di niyo pa alam mangyayari sa future niyo."

****
15 years ago ng maalala ko yung mga pinag-gagawa namin ni Makmak, we we're just 8 years old that time. Nakita ko kasi ang Alkansya na pinagtabihan ko ng pera namin kaya naalala ko siya. Hindi na nga namin napuno yun eh. Di ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Wala na kasi si Makmak.

He's a victim of hit and run 15 years ago.

[Untitled]Where stories live. Discover now