Chapter 2-Josh?!

476 26 3
                                    

Syringe Aidcillin

Since that day ay naging kagaya na rin ako ni Sky. Mas malala pa nga ata.

Sa tabi ng kwarto ko ay may isa pang pinto kung saan nakaukit ang simbolo ng SB19. Nandoon ang lahat ng collections ko na may kinalaman sa SB19.

Pumasok ako sa school pero wala akong Sky na nakita.

“Nasaan na ba ang babaeng yon?” Napatanong nalang ako sa sarili ko.

Nagsisimula nakong mag-alala dahil pag umaabsent sya ay nagpapaalam naman sya sakin.

Pinapapunta pa nga nya ako sa bahay nila para kunin ang excuse letter at papirmahan yon sa mga professor nya.

Gosh nag-aalala nako sa bestfriend ko!

Bigla namang nag ring ang cellphone ko at nakita kong si Sky ang caller

“Hello Sky? Thank God you called! Bakit ba antagal mong absent pero di ka hinahanap ng prof natin?” I ask her because I'm really curious. No one is asking where she is and that's something I am curious about. Para bang may alam sila kung ano ang nangyayari kay Sky.

“I'll text you an address. Please pumunta ka ha, puntahan mo ko” Pinatay nya agad ang tawag.

Kahit di ko pa narereceive ang text nya ay tumakbo agad ako papunta sa parking lot.

Saktong pagpasok ko sa kotse ay naitext na sakin ni Sky ang address. Laking pasasalamat ko dahil hindi rush hour kaya ambilis kong nakarating sa address na sinend nya.

SKY” Agad kong tawag kay Sky nang makita ko sya.

Agad syang yumakap sakin at naramdaman kong naiyak sya sa balikat ko.

“Hoy ano bang nangyayari? Bakit andaming bodyguards? Bakit may private plane? Magpaliwanag ka  Sky” Di ko napigilang magtanong sa kanya. Lalo naman nya akong niyakap. At ang mga sumunod na sinabi nya ay nakapanlambot sa akin.

“Syringe aalis nako. I'm leaving the country Sy. Nalaman kasi ni dad na nalabas ako kasama si Sejun at ayaw nya yon” Nabigla naman ako sa sinabi nya. Lumalabas sya kasama si Sejun? Kailan pa?

“Come on Sky. The plane is ready. You should leave also Syringe, ija” Maotoridad na sabi ni Tito.

Ayaw ko pa sanang bitiwan si Sky pero pwersahan akong inilayo ng bodyguards nila.




“BITAWAN NYO KO! ANO BA?!” Pilit akong nagpupumiglas.

Nakita kong sumara na ang pinto ng plane. Ready na itong lumipad.

“SKY!” Kasabay ng pagkalas ng mga bodyguard sa akin ay ang pagtaas ng eroplano sa ere.

Wala na. Wala na ang bestfriend ko.



Sumakay ako sa kotse kahit na nanghihina pa ako. Habang nagdadrive ay nakakita ako ng tulay. Lumabas ako sandali...

Napakapresko ng hangin dito at parang payapa. Kahit papaano ay napapakalma ako ng simoy ng hangin.

Ang tulay na ito ay nakatayo sa isang bahagi ng lawa. Dumungaw ako dito at nakita ang ilang isadang tabang.

Ang ganda!

Gusto ko pang lumapit kaya umakyat ako sa harang ng tulay. Tumayo ako dito at itinaas ko ang dalawa kong kamay. Yung para bang si Rose sa Titanic

Ipinikit ko ang mata ko pero biglang may isang malakas na pwersa ang humila sa akin pababa.

“Miss may plano ka bang magpakamatay?!” Sabi ngayon ng taong humila sakin pababa ng harang ng tulay.

Unti-unti kong itinaas ang aking muka para makita kung sino ito.

Ganon na lamang ang aking pagkagulat ng mapagsino ko ito “JOSH?!”

Si Josh ng SB19!

That Charismatic Rapper|FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon