Chapter 23- SCT

312 15 20
                                    


Josh

It's been about three weeks since the last time that I went to the hospital. Naging sobrang higpit ng schedule namin nitong nakaraang mga araw. Pasalamat nalang ako dahil suportado ako maunawain ang in-laws ko.

Ngayon lang uli ako nagkaroon ng maluwag na schedule. My cellphone got my attention. Tumunog kasi ito.

I got a message from my mother-in-law.

From: Mommy (in-law)
Sy will gonna have chemotherapy session today. If you're not busy, please come to the hospital.

Dali-dali akong naligo at nagbihis. Buti nalang at nakakain na ako kanina. Napagdesisyonan ko rin na dalhan sila ng pagkain.

I immediately get in my car.

Pagdating ko sa ospital ay iniabot ko sa kanila ang pagkaing dala ko. Malugod naman nila itong tinanggap.

“Nasaan po ang asawa ko?” Magalang kong tanong sa kanila. “She's currently undergoing chemotherapy” My mother-in-law answered me.

Nagtanong pa ako sa kanila tungkol sa naging kalagayan ni Sy nitong mga nagdaang araw. Tinanong ko sa kanila ang naging kondisyon ng asawa ko. I found out na kaya pala lumala ang kalagayan nya ay dahil may mga panahong hindi daw ito umiinom ng gamot. Si Sy na daw ang mismong umamin sa kanila.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ng biglang may humahangos na nurse ang lumapit sa amin. “Ma'am may donor na daw po. Kung kakayanin daw po ng katawan ng pasyente, maaari na daw po syang sumailalim sa stem cell transplant ngayon ding araw na ito” Parang biglang nabuhayan kami sa sinabi ng nurse. Ito na ba? Gagaling na ba ang asawa ko?

As soon as Sy's chemotherapy was done, chineck agad sya ng doktor nya. Luckily, Sy's body is not weak not all. Para ngang may himala. Kakayanin pa daw ng katawan nito na sumailalim sa stem cell transplant ngayon.

Lumapit ako sa kanya habang suot ang PPE na ibinigay kanina sa akin ng nurse. Kailangan daw kasing magsuot nito pag lalapitan ko sya. “Hi” I greeted her. Binigyan nya lamang ako ng isang ngiti. “May donor ka na. Babe, gagaling ka na. Promise me, lalaban ka ha” Mahinahong pakiusap ko sa kanya. Bigla namang nagtubig ang mga mata nya. Parang anumang oras ay iiyak na sya.

“Sssshhhhh. Don't cry, babe. Please, don't cry. Tahan na” Pag-aalo ko sa kanya. Ayokong makita sya na umiiyak. Ganito na nga ang kalagayan nya tapos iiyak pa sya. Parang napakabigat sa dibdib na makita sya sa ganitong kalagayan.

“H—hindi m—mo ko iiwan?” Nahihirapang tanong sakin ni Sy. Hinawakan ko ang kamay nya at inilagay ko ito sa aking pisngi. “Hinding hindi. Kahit anong mangyari nandito lang ako sa tabi mo. Always remember that, okay?” Nakita ko ang pagkakaroon ng sigla ng mga mata nya.

“Hindi mo 'ko iiwan kahit ganito na ang itsura ko?” Puno ng pag-aalala nyang tanong sa akin habang hinahaplos ang pisngi ko. Marahan kong pinisil ang kamay nya. “Babe, kasal tayo. Nangako tayo na magsasama sa hirap at ginhawa. Panghawakan mo ang mga salitang binitawan ko noong kasal natin, okay?” Nakita ko kung paano gumuhit ang magandang ngiti sa mga labi nya.

Nauunawaan ko kung bakit ganyan sya umasta. Unti-unti na kasing nanlalagas ang mga buhok nya. Maputla na rin ang mga labi nya. Ang katawan naman nya ay medyo bumagsak na. Pero kahit ganon ay hindi napakaganda pa rin nya. At tsaka alam kong babalik pa naman sa dati ang itsura nya dahil ayon sa doktor, ang nangyayari sa kanya ay side effects lamang ng chemotherapy.


“Sir, kailangan nyo na pong lumabas. Mag-uumpisa na po ang transplant” Bago ako tuluyang lumabas ay sinulyapan ko pa si Sy. I saw that she mouthed 'i love you. I smiled at her before mouthing 'i love you too'








That Charismatic Rapper|FINWhere stories live. Discover now