CHAPTER 4 - Losing Her

338 14 0
                                    

Alexander's POV

Bitbit ang isang bouquet ng bulaklak pinaandar na nito ang kanyang sasakyan upang magtungo sa Mama niya, mahilig kasi talaga ito sa bulaklak.

Makalipas ang mahigit isang oras ay nakadating din ito sa kanyang patutunguhan.

At ng agad na mahagip ng kanyang paningin kung nasaan ito, nagtungo na ito sa direksiyon kung saan matatagpuan ang kanyang ina.

Alexander: Ma? Flowers for youuu! Kamusta kana? Miss na miss na kita. Balik kana Ma.

Mrs.A: Thankyou anak.

Alexander: Ma bakit ba kasi ayaw mo pang umuwi sa bahay?

Mrs.A: Alam mo namang hindi pa pwede anak, diba? Kailangan pa ako ng lolo at lola mo dito habang hindi pa nauwi ang tita mo.

Alexander: E hanggang kailan ba kasi magmamatigas yang asawa ni tita? Hindi naman niya kasalanan kung bakit namatay si Missy.

Mrs.A: Hayaan mo na, inaayos na ng tita mo ang dapat ayusin mga ilang buwan nalang ay babalik na siya dito kasama ang pinsan mo, pag nangyari yon uuwi na din ako sa bahay.

Alexander: Pinsan ko? Di ba Ma si Missy lang naman ang anak ni tita?

Mrs.A: Medyo magulo ang sitwasyon anak, ayaw pang pag usapan ng tita mo. Hindi naman namin siya mapilit dahil sobrang bigat na ng nararanasan niya ngayon.

Alexander: Alam mo Ma pag nagkapamilya ako iingatan ko sila ng sobra, hinding hindi mababawasan yung pagmamahal ko para sa kanila, kung magbago man yun ay dahil mas minahal ko pa sila kesa nung umpisa.

Mrs.A: Aba, may tinatago ka rin palang katinuan ano?

Alexander: Minsan lang yan Ma, hinahanap niya pa yung taong tunay na magpapalabas sa kanya.

Mrs. A: Kusang dumadating yan anak, hindi mo kailangang hanapin. Parang si Mitch, diba hindi mo naman inaasahang dumating siya sa buhay mo? pero dumating siya.

Alexander: Pero agad din namang nawala Ma.

Mrs.A: Kaya nawala kasi hindi talaga kayo ang para sa isa't isa, may dadating na para talaga sayo.

Alexander: Pero ang sakit pa din Ma, siya yung kauna unahang babae na minahal ko pero kinuha agad siya sakin. At ang mas masakit wala akong nagawa nung naaksidente siya, hanggang sa mamatay siya. Kung nasagot ko lang sana ang tawag niya.

Mrs.A: Siya ba ang una hindi ba ako? Haha. Hindi mo naman kasalanan ang nangyari anak, may mga pagkakataong pinahihintulutan ng Diyos na mangyari ang dapat mangyari. Atsaka kung nasagot mo yon aydi hindi na rin kita nakakasama ngayon.

Alexander: Hindi pa rin kasi mawala yung sakit Ma. Gumuho yung mundo ko nung nawala siya, kaya nga siguro naging ganito ako, pinili kong maging barumbado para ba wala ng babaeng gugustuhin pa ko.

Mrs.A: Nangyari na ang nangyari anak, hindi naman porket nangyari kay Mitch ay mangyayari din sa ibang mamahalin mo't mamahalin ka. Palayain mo na si Mitch, palayain mo na ang sarili mo.

Alexander: Pero ang hirap Ma. Ang hirap alisin sa puso ang taong mahal na mahal mo, ayokong makalimutan ko siya, ayokong malimutan siya nito. (Sabay turo sa dibdib)

Mrs.A: Hindi naman porket pinalaya mo ay kakalimutan mo na, pwede pa rin naman siyang manatili diyan sa puso mo pero kailangang tanggapin mo na anak na wala na talaga siya sayo, kinuha na siya ng Diyos sayo. At balang araw kailangan mong magmahal ulit pero sa iba na.

Alexander: Tama na Ma, ang sakit na. Haha

Mrs.A: Pinapatigil mo ko, sana patigilin at patapusin mo na din yang pagdurugo ng puso mo. O pano pupunta na ko sa opisina, gusto mo bang sumama? Matutuwa ang lolo mo pag nakita ka don.

Alexander: Pagkatapos mo kong saktan Ma? Haha. Sigi pagdrive na din kita.

Mrs.A: Yaaaa! Alis na kami ni Alex.

Yaya: Sigi iha, mag iingat kayo. Teka dito kana ba ulit muna Alex? Para maayos ko ang kwarto mo.

Alexander: Opo Ya! 1 week babawi ako sa pananakit ni Mama.

Yaya: Haha. O sige. Mag ingat kayo ha.

Alexander: Salamat Ya!

Mrs.A: Haha. Sigi na Ya naghihintay na si Dad at may meeting pa din ako.

Alexander: Ops ops ops! (Sabay bukas ng pintuan para sa Mama niya)

Mrs.A: Ganyan pala bumawi sa pananakit ha. Araw arawin ko kaya?

Alexander: Mama naman!

(Sabay tawa ng dalawa)

Mrs.A: Ayusin mo ang pagmamaneho ha.

Alexander: Yes naman Ma, di ko nakakalimutang may pasahero akong matanda.

Mrs.A: Sinong matanda? Buntalin kita diyan i.

Alexander: I mean mas matanda kaysa sakin.

Mrs.A: O siya tara na. Baka pareho pa tayong mabuntal ng lolo mo.

BRING ME BACK 🥀 (COMPLETED)Where stories live. Discover now