Prologue

15 4 0
                                    

------

Ang init ng paligid...

Mabigat ang talukap ng mga mata ko kaya parang tinatamad akong imulat ito. Hatinggabi na rin kasi nang makatulog ako.

Arghh! Bakit ba kasi ang init init? May aircon naman ah? Nasira ba ito habang natutulog ako?

Anong klaseng amoy 'yun? Bakit parang may nasusunog? Napabalikwas ako sa isiping may sunog sa bahay namin. Pagmulat ko nang aking mata ay agad itong nanlaki. Binalot ako ng takot nang makita kong nasusunog na ang paligid ng kwarto-

Hindi ko ito kwarto!

Nasaan ako? At bakit parang nasa isang lumang bahay ako?

Napaubo ako nang malanghap ko ang usok na nanggagaling sa nasusunog na pader. Lumalaki na ang apoy at bakit parang walang dumarating na Tulong? Hindi ba nila nakikitang may nasusunog na dito?

"TULONG!!!" buong lakas kong sigaw kapagkuwan ay nakalanghap na naman ng usok.

Kailangan kong pumunta sa banyo! Pero papaano? Nasusunog na ang pintuan at hindi ko sigurado kung banyo nga ang nasa loob niyon. Pawis na pawis na ako dahil sa init na nararamdaman ko. Ipinalibot ko ang aking tingin at may nakita akong dumaan sa bintana. Hindi ako makalapit don dahil natutupok na rin ito ng apoy.

Pero alam kong nakita niya ako! Bakit hindi niya ako tulungan? Kahit subukan man lang? Alam ko namang hindi niya ako makakayang tulungan pero hindi ba siya pwedeng humingi ng tulong sa iba?

"HELP ME PLEASE! MAY TAO SA LOOB NG KWARTONG ITO. HELP ME!" sigaw ko habang nakaharap sa bintana.

Please god help me...

Hindi na ako makahinga nang maayos dahil sa usok na nalalanghap ko. Naghanap ako ng pwede kong lusutan pero wala na talaga. Napatingin ako sa banyo nang may mapansin ako. Sa likod ng natutupok ng apoy na pinto ay may babaeng nakatayo.

Humihingi siya ng tulong. Umuubo ubo na rin siya marahil sa usok pero nagulat ako nang magtama ang aming tingin. Nanlaki ang aking mga mata at napaatras. Hindi ko alam kung totoo ba talaga ang nakikita kong ito.

Ang babae...

Kamukha ko siya! Kamukhang kamukha ko!

Tuluyan akong napaatras at napaupo. Pag angat ko ng tingin ay may kahoy na mahuhulog papunta sa kinaroroonan ko kaya napasigaw na lang ako sa takot.

"AAAAAHHH!" humihingos ako at kinapa kapa ko ang sarili ko.

As what I've expected, panaginip lang. Nagpadala lang ako sa aking emosyon. Pero sino 'yon? Bakit kamukhang kamukha ko siya?

Napapanaginipan ko ang nakaraan ng tao pero kaninong nakaraan naman 'yon? Siya ba ang may ari ng silid na ito dati? Pero bakit magkamukha kami? Pero imposible, ang lumang bahay na 'yon ay gawa sa kahoy. At sa palagay ko ay natupok na 'yon at naging abo na kaya imposible.

"Anong nangyari Issa?" nag aalalang tanong ni mommy at pumasok sa kwarto.

"M-May napanaginipan ako ma." sagot ko. Nang makalapit siya ay pinunasan niya ang pawis sa mukha ko.

"Kaninong nakaraan?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko.

Alam ni mama ang kakayahan kong makakita ng nakaraan sa panaginip. Kahit isang bagay ay may kakayahan din akong tingnan kung sino ang may ari sa pamamagitan ng panaginip ko.

"Hindi ko po alam mommy, Pero..." hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang tumunog ang telepono ni mama.

"Sasagutin ko na muna ito ha? Bumaba ka na rin at ipagtitimpla kita ng gatas" saad ni mommy at lumabas siya upang sagutin ang kung sino man ang tumatawag sa kaniya.

Ipinalibot ko ang tingin ko. It felt so real, yung init na nagmumula sa natutupok ng apoy na pader. Ramdam na ramdam ko 'yon. At yung lalaking nakita kong dumaan, hindi niya ako tinulungan. Kami pala, sino ba talaga 'yon? Simpleng panaginip lang kaya ito?

Ito ang pinakaunang panaginip na pumukaw ng pansin ko. Ito na yata ang panaginip na hinding hindi ko malilimutan.

Who is she?

Why does she exactly look like me?

------

Waaah so may prologue na. I don't actually know how I come up with this pero hmm, titingnan natin kung saan ako dadalhin ng aking imahinasyon. Hahaha

-Ate Aya

SIMPERWhere stories live. Discover now