Chapter 1

13 3 1
                                    

------

"Issa!" masiglang tawag sa akin ni Mila, ang matalik kong kaibigan.

"Uy Mila" nagyakapan pa kami kahit lagi naman kaming magkasama.

Sabay na kaming naglakad papunta sa main gate. Hindi ko parin maiwasang isipin ang panaginip ko kagabi. Bumuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. May sinasabi si Mila pero hindi 'yon rumerehistro sa utak ko.

"Lutang ka naman Issa e!" saad niya sa akin. Nakabusangot na ang kaniyang mukha ngayon.

"May inisip lang, ano nga ulit ang sinabi mo?" tanong ko sa kaniya.

"Wala, tara na at umuwi na tayo"

Grade 12 na kami ni Mila kaya medyo napi-pressure na kami dahil sa dami ng ibinibigay na requirements. Lalo na yung research, kahit anong subject yata ay may Research na magaganap nakakainis. Stem student ako at si Mila naman ay nasa Gas.

Mila is my only friend. She's my best friend since elementary. Grade 5 yata kami non nang maging magkaklase kami tapos dun kami naging magkaibigan. Naging magkapitbahay din kami pero lumipat sila ng tinitirhan. Hindi rin kami naging magkaklase nung junior high dahil magkaiba ang pinasukan namin at ngayon, pareho na kaming nag aaral sa Granite university.

"Parang ayoko pang umuwi, Mila. Pumunta muna tayo ng Star Café" pag aaya ko. Masarap kasi ang frappe doon.

"Oh sige ba, treat mo?" tanong niya pa at nginisihan ako.

"Oo na, treat ko. Ikaw lang ang kilala kong mayaman na nagpapalibre" saad ko na ikinatawa naman naming dalawa.

"Bukas, ako na naman ang manlilibre" nakangisi niyang sagot.

Lumabas na kami sa main gate at nagtext ako kay Mommy na pupunta muna kaming Star Café ni Mila. Mamaya na ako magpapasundo. Mga sampung minuto lang ang lakad papuntang star café kaya agad din kaming nakarating.

"Alam mo ba Is-" naputol ang sasabihin ni Mila nang may nakabunggo siyang lalaki.

Muntik nang mapasubsob si Mila buti na lang at nahawakan ko siya sa bag niya. Tumayo naman nang maayos si Mila at akmang sisigawan ang lalaki pero natigil siya nang makita ang mukha ng lalaki. Nag angat ako ng tingin pero hindi ako tumingin ng diretso sa mga mata niya.

Nakasuot siya ng pang Granite, kaya nalaman namin na schoolmate pala namin ito. Matangkad siya at gwapo. Hindi ko maipagkakaila 'yan pero hindi naman ako madaling humanga sa mga lalaki. Sa mga matatalino ako humahanga.

Muntik akong mapahawak sa dibdib ko nang maramdaman ang biglaang pagkirot niyon.

"Hoy ikaw bakit ka ba hindi tumitingin sa dinadaanan mo ha?" nang makabawi si Mila ay sinigawan niya ito.

"Hindi ko sinasadya" malamig ang tono ng lalaki. Nang tumingin ako ulit sa kaniya ay nakita ko lang ang ngiti niya. No, hindi 'yon genuine na ngiti. He's simpering tsk.

Pero naramdaman kong nag iba ang kaniyang reaksiyon nang mag angat ako ng tingin. Hindi ko alam pero parang natigilan siya. Iniwasan ko ang kaniyang mata.

"Hay nako, sa uulitin ay tumingin tingin ka naman sa paligid hindi 'yung dumidiretso ka lang sa paglalakad. Muntik na tuloy akong sumubsob" saad ng kaibigan ko.

"Sige, mauna na ako" sagot ng lalaki at umibis na palayo. Nako, hindi man lang humingi ng pasensya. Ang bilis ng lakad niya halatang gusto lang kaming iwasan. Ayaw atang marinig ang reklamo ni Mila.

"Hmp, hindi man lang nagsorry!" inis na saad ni Mila.

"Hayaan mo na, Mila. Tara na sa loob" saad ko at pumasok na sa loob ng Star Café.

SIMPERWhere stories live. Discover now