Chapter 2

8 1 0
                                    

A/N: THIS CHAPTER MAY CAUSE ANXIETY ATTACK.

Please read at your own risk.

------

Isa na namang normal na araw, nasa room lang ako habang nakikinig sa teacher ko. Kahit na ayaw kong makinig, kailangan kong pilitin ang sarili ko. Ayoko namang biglaan akong tawagin tapos tatanungin nang kung ano ano.

"Ms. Rojas, nakikinig ka ba?" Iyan ang sinasabi ko.

Out of nowhere, tawagin ka niyan ni Sir. Tulad ng Classmate kong si Ella Rojas. Napaayos siya nang upo at tiningnan si Sir.

"Uhm... Yes sir."

"Okay solve this one."

Mukhang nagulat si Ella nang sabihin ni Sir 'yon. Hmm, halatang hindi nakinig. Marami naman kasing ayaw makinig Kay Sir dahil napakaboring niyang magturo. Basic Calculus pa naman ang subject na itinuturo niya sa amin.

Tumayo si Ella at sinubukang sumagot. May napansin ako kay Ella, this past few days lagi na lang siyang lutang. May nangyari ba? May problema ba siya? Hays hindi ko na dapat problemahin 'yon.

'ang lakas naman ng loob na tumayo e hindi naman pala alam ang sagot.' pabulong na saad ng isa kong kaklase.

Tumingin ako sa harap. Nanginginig ang kamay ni Ella habang sumasagot. Yung ibang mga kaklase ko, halatang pinagtatawanan na siya.

"Anyone? Who can help her?" Saad ni Sir.

'huwag niyong tulungan 'yan. Kasalanan naman niya e lutang siya sa klase'
Bulong ng isa kong kaklase.

Walang tumayo sa mga kaklase ko, hindi ko alam kung may mga puso ba ang mga ito. Nagpasya na lang akong tumayo at inabot ang whiteboard marker. Nginitian ko si Ella at hindi sinasadyang magkasalubong ang mga mata namin. Lungkot ang tangi kong nakita.

Napakatanga ko naman... Bakit ko pa tiningnan sa mga mata.

"Very good, Ms. Contreras. You may take your seat, Ms. Rojas." Wika ni Sir.

"Salamat." Rinig kong saad ni Ella sa akin. Tinanguan ko na lang siya bago bumalik sa kinauupuan ko.

'ang epal naman niyan, sabing huwag tulungan e.' bumuntong hininga na lang ako sa narinig kong bulong mula sa likod.

'palibhasa kasi e isa lang kaibigan niya baka naman na kailangan niya pa ng isa.

Naiinis ako sa mga taong ganito. Wala nang ibang ginawa kundi ang magsalita ng kung ano-ano.

'Napakawirdo niya talaga kahit kailan. Ni hindi ko matandaan na nagkasalubong ang
mga mata namin e. Laging sa paa nakatingin akala mo naman e mawawala sapatos niya habang naglalakad.'

Ah ganoon?

Lumingon ako at tumingin ng diretso kay Tria. Sa kaniya nanggaling ang mga salitang 'yon. Gulat ang nakikita ko ngayon sa kaniyang mga mata. Bahala nang malaman ang nakaraan niya, siya naman ang nagtulak sa akin para gawin 'to.

Kayang kaya ko naman tumingin sa mga mata nila pero hindi ko dapat gawin 'yon. Dahil sa pamamagitan din non ay mapapanaginipan ko ang nakaraan nila. Hindi lang naman sa pamamagitan ng mga bagay na pagmamay ari ng isang tao.

Ang pinagkaiba lang sa gamit at sa mata, kapag sa mata ako tumingin, masyadong marami ang makikita ko. Nakakasakit ng ulo, ang iba naman, nakakaawa. Kahit na gusto kong itigil ang panaginip ko, hindi ko naman magawa. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang magkaroon ng ganitong abilidad.

"Huwag niyo akong pagsalitaan ng ganiyan, hindi ako natutuwa." Seryosong saad ko at kulang nalang ay malaglag na ang kanilang mga panga nang sabihin ko 'yon.

SIMPERWhere stories live. Discover now