Chapter 30

3.4K 95 19
                                    

CAIUS

"Sir? May naghahanap sa iyo. Athena daw po ang pangalan."

Mula sa blueprint ay lumipat ang tingin ko sa intercom dahil sa sinabi ni Richard.

"Let her in." Sagot ko bago tinabi ang mga blueprint.

Ilang sandali pa ay pumasok na si Athena. She still looks the same but the feeling whenever I see her is gone. A factor that means I don't love her anymore.

She smiled at me before kissing my cheek. Nagulat ako kaya bahagya ko syang natulak. She looked at me surprised before she went serious. Kunot-noo ko namam syang tinignan bago inayos ang suit ko. Umupo sya sa tapat ng mesa ko kaya ganoon din ang ginawa ko.

"What is this?" Seryoso nyang tanong bago pinatong sa mesa ko ang isang cellphone na nagpe-play ng video noong sinorpresa ko si Finn.

"A video." Kaswal kong sagot at nakita ko ang pag-kunot ng noo nya.

"Is she a rebound?" Tanong nya kaya ako naman ang kumunot ang noo.

"No. I love her." Sagot ko.

"Oh come on, Caius. Sigurado naman akong rebound mo lang si Finn. Nandito na ako. We can start from where we left off." Naka-ngiti nyang sabi na lalong nakapagpa-kunot ng noo ko.

"Wala lang sa iyo ang ginawa mo sa akin? Did you forgot that you left me?" I said unbelievably which erased her smile.

"I know if I told you, hindi ka papayag kaya naisip ko na hindi na mag-paalam dahil alam kong babalik din naman ako." Paliwanag nya kaya hindi ko mapigilan na mapa-ngiti ng mapait.

"How did you even know na hindi ako papayag? Did you even try to tell me? Kung sinabi mo sa akin ay matatanggap ko at hindi kita pipigilan kasi alam kong makakabuti sa iyo ang pag-alis ninyo." Medyo inis kong sabi. I just don't get her logic.

"Let's forget the past and move on." She said before reaching for my hand but I quickly removed it from the table. Kinikilabutan ako sa inaasal nya na parang kami pa.

"I'm sorry but I think you should leave. Whatever happened in the past is done. I'm over with you and I forgive you for leaving me." Sabi ko kasabay ng pag-tayo ko. "So please, go home, Athena." Mahinahon kong sabi sabay lahad ng pinto.

Hindi makapaniwala nya akong tinignan bago sya marahas na tumayo at pumunta sa gilid ko. Inis nya akong tinignan pero nanatili lang akong kalmado.

"You love Finn? Ipagpapalit mo ako sa babaeng yun? She's nothing like me, Caius!" She shouted the last part which made my face turn darker.

Hindi ko hahayaan na insultuhin nya si Finn sa harap ko. Ngayon ay lumalabas na ang totoo nyang ugali na pilit nyang itinago sa akin noon.

Natigilan sya at napa-atras nang makita ang sumeryoso kong mukha.

"Of course, she's nothing like you, Athena. Hindi sya naninira ng tao tapos mabait at mabuti din sya. Hindi kagaya mo." Matigas kong sabi sa kanya.

Hindi ko na sana sya papatulan kaya lang ay hindi ko naman hahayaan na pag-salitaan nya ng masama si Finn. Nagulat sya sa sinabi ko bago kumunot ang noo nya.

"Anong sinasabi mo? Masama ako, ganon? You know, I am not." Inis nyang sabi.

"Yun ang akala ko because that's what you chose to show everyone, that you are kind and all but now I know what's you're true color, Athena." Seryoso kong sabi kaya lumitaw ang kaba sa mukha nya.

"Alam kong ikaw ang nagpa-kalat ng chismis na masama ang ugali ni Finn at alam ko rin na sinabihan mo si Danae na i-bully sya dahil sa pagiging close nya kay Wayne. How could you do that to her? She's your sister."

ENVY | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)Where stories live. Discover now