JELLIE.
Nakatambay ulit kami ni Tanya sa library since vacant ulit namin. Nabobored ako. Di ko rin naman machat si Mingyu dahil baka busy sya sa thesis nya. Medyo nalulungkot pa rin ako dahil sa kahapon pero sinusubukan ko naman na kalimutan iyon.
"Alam mo, mag-shake tayo mamaya."
Biglang sabi ni Tanya. I sighed and looked at her.
"Kakapunta ko lang dun kahapon eh."
"Kahit na! Para naman sumaya ka na. Ayokong nakikita kitang ganyan eh."
Sabi nya at medyo kinilig ako dun. Napangiti nalang ako at tumango. Baka sakaling makita ko si Mingyun dun kung sineswerte ako.
Pagtapos ng aming klase ay dumiretso na agad kami sa bilihan ng shake. Medyo nagitla ako ng makita kong madaming mga estudyante na nakatambay rin dun. Tinignan ko mga uniform nila at mukhang taga ibang school. Pumasok na kami ni Tanya at naghanap na ng mauupuan. Buti nalang may bakante pa.
"Sige, ikaw na muna umorder."
"Geh."
Sabi ko at kinuha na wallet ko. Pumunta ulit ako dun sa matandang ale at binati sya. Mukhang nagulat pa sya ng makita ako.
"Oh, andito ka ulit?"
"Opo. Sarap po kasi ng shake nyo."
Sabi ko at napangiti nalang sya sa akin. Bumili ako ng chocolate shake, since nag cookies and cream naman na ako kahapon. Habang hinihintay ko matapos yung shake ko ay naramdaman kong may tumayo sa tabi ko. Mula sa aking peripheral vision ay isang lalaki pala nakatayo sa tabi ko.
"Isa pong chocolate shake."
Rinig kong sabi nung lalaki. Grabe, parehas kami ng order. Ng maibigay na sa akin yung shake ko ay nagpasalamat ako tsaka binayaran na. Babalik na sana ako kay Tanya ng bigla akong tawagin nung lalaki.
"Yung straw naiwan mo."
"Ay, salamat."
Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya at kinuha na yung naiwan kong straw. Habang pabalik ako kay Tanya ay di ko alam bakit ramdam kong nakatingin yung lalaki. Lumingon ako upang tignan sya pero wala na sya dun sa kinatatayuan nya. Napahinga nalang ako ng malalim at tumayo na si Tanya para makabili na rin.
Habang umiinom kami ng shake ay nagkwentuhan nalang kami ni Tanya pampalipas ng oras. Napatingin ako sa mga grupo ng lalaki na nasa kabilang lamesa na nagtatawanan. Mabuti hindi sila pinapagalitan dahil sa sobrang ingay nila.
"Ano, ghorl? May bet ka ba dyan? Naka move on ka na agad kay Mingyu ah!"
Natauhan ako ng dahil dun sa sinabi nya. Tinignan ko sya ng masama.
"Ang ingay kasi nila."
"Hayaan mo na. Ganyan rin naman tayo kaingay sa room eh!"
Sabi nya at tumawa. Sabagay. Napahigop nalang ako sa shake ng biglang may lumapit sa amin.
"Uy, Tanya? Jellie?"
Sabay kaming napatingala ni Tanya at meron nakitang isang lalaking singkit ang mata. Sino sya? Nagtaka ako ng binati iyon ni Tanya.
"Uy pare, musta?"
"Oks lang!"
Sabi nung lalaki at naupo sa gitna namin. Napatingin naman sya sa akin.
"Di mo ako babatiin?"
"Sino ka ba?"
Nagtataka kong tanong at mas lalo akong nagtaka ng parehas silang tumawa ni Tanya.
"Ako lang to, si Hoshi."
"Weh?!"
Di makapaniwala kong sabi. Di ko naman kasi alam tsura nya eh lalo na wala naman syang post at kulay black ang profile.
"Grabe, nagchachat tayo tapos di mo ako kilala."
"Hahaha, hatdog. Kulay black lang kasi profile mo tapos wala ka rin post."
Sabi ko at inerapan sya. Tinawanan nya nalang ako.
"Dito ka rin pala tumatambay?"
"Oo. Actually, sinamahan ko mga kaibigan ko eh."
Sabi nya at di ko alam bakit si Mingyu kaagad ang unang pumasok sa isip ko. Naramdaman ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Paano kung nandito rin si Mingyu? Tatanungin ko sana kaso mabilis na nagpaalam sa amin si Hoshi at umalis na.
"Tara na, uwi na tayo."
Pag-aya ko kay Tanya. Binitbit ko na yung shake ko at sabay na kaming lumabas ni Tanya. Nakakalungkot dahil akala ko makikita ko si Mingyu dito.
YOU ARE READING
WHIPPED.
Random" cream ka ba? kasi i'm whipped for you. " " amp?? " + svt series #4 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.