72

115 4 7
                                    

JELLIE.

Nakaupo lamang ako sa upuan habang hawak-hawak yung inorder kong chocolate shake. Muli akong napatingin sa orasan at nakitang malapit ng mag 5 pm. Alam ko naman na hindi na pupunta yun si Mingyu. Pero maghihintay pa rin ako sa kanya dito.

Kung hindi na talaga sya dumating, bahala na.

Humigop ako dun sa shake. Pagtapos ay napasandal ako sa kinauupuan ko. I'll wait a few more minutes and leave if he really didn't show up.

Maya-maya ay natauhan ako ng makarinig ako ng boses. Kaagad ako napatingala at nung una akala ko si Mingyu pero hindi pala. Just some random students. Napahinga ako ng malalim at kinuha cellphone ko. Tinignan ko yung message ko sa kanya kanina at nakitang sineen nya lang iyon. Saglit akong napatitig dun.

Gusto ko sya makausap at humingi rin ng tawad sa kanya. Alam kong hindi lang ako ang nasaktan. And I also wanted to prove him that calling himself a coward is wrong.

Lumipas na ang oras. Pagtingin ko ulit sa orasan ay nakita kong malapit ng mag ala sais. Di ko akalain na matagal na pala akong nakaupo dito at halos hindi ko pa nakakalahati tong shake na binili ko. Napatingin ako sa may pintuan ng tindahan.

Mingyu...hindi ka na ba talaga pupunta?

Mukhang hindi na talaga pupunta si Mingyu. Yung pag-uusap namin kagabi, yun na ang huli naming pag-uusap. Di ko akalain na ganun lang. Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko. Gusto ko maiyak pero pinipigilan ko lang.

Naisipan kong umuwi na at susubukan tanggapin na hanggang dito nalang talaga kami ni Mingyu. Tumayo na ako at kinuha na gamit ko. Nagpaalam na ako dun sa matandang ale at lumabas na ng tindahan.

We met for a reason. And I'm glad I get to meet him in person. Naalala ko pa nun kung gaano ako kakilig ng first time namin magkita nung birthday party ni Hoshi. It was unexpected. Akala ko nga na yung araw na yun dun lang kami magkikita. And I was surprised ng magkita na rin kami after that day. Masaya rin ako na nakilala ko si Mingyu at nung mga araw na magkasama kami, unti-unti ko syang nakikilala kahit na hindi sya masyado nag-oopen up sa akin.

But I guess not all people that comes in your life will stay.

Tears threatened to fall from my eyes as I walked down the street. Huminga ako ng malalim at sinubukan ikalma tong sarili ko. Pero maya-maya naramdaman kong may pumatak sa aking balikat at pagtingala ko ay nakita kong umaambon na pala. Mabilis kong binuksan bag ko at kukunin na sana yung payong ko ng biglang may humawak sa aking braso.

Gulat akong napatingala at nanlaki mga mata ko ng makita ko si Mingyu.

"Mingyu..."

Sabi ko. Nakatingin lang sya sa akin habang mahigpit na hawak tong braso ko. And the next thing I know, he pulled me close to him. Ibinalot nya kamay nya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Nagsimulang bumilis tong tibok ng puso ko.

Kasabay ng pagpatak ng aking luha ang pagbuhos ng ulan.

WHIPPED. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon