50

131 6 3
                                    

JELLIE.

We went to a mall dahil yun lang ang alam namin kung saan may arcade. Wala ng nagawa si Minho kundi pumayag nalang na sumama sa amin si Mingyu. Di ko alam bakit bigla syang natahimik matapos sabihin ni Mingyu na nililigawan nya ako.

Does it bother him?

Nakapasok na kami sa isang arcade shop. Meron rin naman ibang pwedeng laruin bukod sa arcade, katulad nung claw machine at iba pa. Bumili na ng token sila Minho at naghanap naman ako ng magandang lalaruin.

Natigil naman ako sa isang laro na parang racing. Maya-maya ay tumabi naman sa akin si Minho at ipinatong yung kamay nya sa ibabaw ng ulo ko.

"Ano, g?"

"G!"

Excited na sabi ko at kinuha yung token sa kanya. Naupo na kami parehas dun sa upuan at napahawak ako dun sa manibela. Napalingon ako upang tignan si Mingyu at nakitang nakatayo lang sya sa gilid. Napawi naman tong ngiti ko at lalapitan ko sana sya pero sumenyas naman sya na maglaro lang ako.

Ngumiti nalang ako sa kanya at sinimulan na namin maglaro ni Minho. Habang naglalaro ay narinig ko naman nagsalita si Minho.

"Manliligaw, huh? Kelan ka pa nya nililigawan?"

Tanong nya at napangiti nalang ako sa aking sarili.

"Kagabi lang."

"K-kagabi– Shit!"

Napamura naman si Minho ng makita kong nabangga nya yung race car nya sa gilid. Dahil dun itinuloy ko ang paglalaro at ako ang nanalo sa race car game.

"Yay! Panalo ako!"

Nakangiti kong sabi at napatingin kay Minho na nakatitig lang sa screen nya. Maya-maya ay napatingin na rin sya sa akin. Di ko naman mapigilang matawa ng makita ko ang tsura nya.

"Anong mukha yan, ha? Ok lang yan bawi ka nalang sa susunod!"

Sabi ko at natawa nalang sya ng marahan. Pagtapos nun ay naghanap pa kami ng pwedeng malalaro. May nakita naman kami isang basketball game at kaagad ko sila niyaya dun. Pumwesto naman ako sa may gitna at nasa magkabilang gilid ko naman sina Mingyu at Minho, tig-iisa kaming ring.

Pero bigla nalang ako napatingin kay Minho at naalala yung braso nya.

"Minho, yung braso m–"

"Ok lang ako! Kaya ko naman!"

Pagpuputol nya agad sa akin. Tumingin naman sya sa akin at ngumiti. Napangiti nalang rin ako. Ng mainsert na namin yung token ay sinimulan na namin maglaro. Kinuha ko yung bola at ibinato iyon para mashoot. Pero di naman nashoot at sa gilid lang tumama. Maya-maya narinig kong tumawa si Minho.

"Akala mo ha!"

"Simula palang yan!"

Sabi ko at nagpatuloy sa paglalaro. Napasulyap naman ako kay Mingyu na tahimik lang na nagshoshoot ng bola. Di ko naman maiwasan mamangha ng makitang naishoshoot nya yung mga bolang binabato nya sa ring.

"Galing!"

Sabi ko. Mingyu smiled to himself.

"Salamat."

Sabi ni Mingyu at nagpatuloy sa paglalaro. We continued playing games inside the arcade store, like normal  students. Ng mapagod na kami ay naisipan naming umuwi na.

"Nag-enjoy ka ba?"

Tanong ni Mingyu sa akin at ginulo tong buhok. Napangiti naman ako tsaka tumango-tango. Maya-maya ay nagsalita naman si Minho.

"Okay since ako naman natalo sa unang laro, ililibre kita ng shake."

Sabi ni Minho sa akin.

"Kelan?"

"Kung kelan mo gusto. Basta di na kasama yang lalaking yan."

Medyo di ko narinig yung huli nyang sinabi. Tumango-tango nalang ako sa kanya. Nagpaalam na sya at umuwi na. At sinabi naman ni Mingyu na ihahatid nya ulit ako pauwi.

Ng makauwi na kami ay nagpasalamat ako sa kanya, di lang dahil hinatid nya ako kundi dahil nagpakita ulit sya sa akin. Simula nung una kaming nagkita nun nung birthday party ni Hoshi, akala ko di na ulit kami magkikita.

"Mag-iingat ka."

"Thanks."

He said. Yumuko naman si Mingyu at hinalikan ang ibabaw ng ulo ko. Di ko naman maiwasan kiligin pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya. Nagpaalam na sya sa akin at umuwi na.

Ng mawala na sya sa paningin ko ay napahinga ako ng malalim at napangiti sa aking sarili.

Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na nagugustuhan rin ako ni Mingyu.

WHIPPED. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon