PERFECT TWO

38 6 0
                                    

PERFECT TWO
By Tymmmie

Prologue

Kole Pov

"S-sir Kole,"

Kasalukuyan akong nakaupo rito sa couch ng office ni lolo nang ang secretary nito ay bigla nalang iniluwa ng pinto. Hinihingal pa.

"Waeyo?" nakapamulsang tanong ko bago ako tumayo. Pinapagalaw ko ang dalawang kilay ko habang papalapit sa kanya.

"Pinapatawag po kayo ni Chairman." Naestatwa ako. Para akong binuhusan ng mainit na tubig dahil sa sinabi niya. Yong dalawang kilay ko, napatigil din. What the fudge! Akala ko ba pinapatawag ako ni Lolo at dito kami sa Mendoza Company magkikita pero bat gan'on?

"Shit!" late na akong nagmura at saka dalidaling lumabas ng office para pumunta sa Mansion. Hindi ko na hinintay ang susunod na sasabihin ni Ms. Collins dahil alam ko naman kung saan makikita si Lolo. Sa Mansion.

Dahil sa kinakabahan na ako nang husto, naging limang minuto nalang ang 15 minutes na byahe ko patungong Mendoza Mansion. Muntik pa nga akong makabangga ng nakabike kanina at buti nalang ay nakaiwas ako. Diko nga lang alam sa taong yon. Paki ko ba?

Duh? Im Hyun Min Kole Lee Mendoza. Wala lang, pakilala lang ako.

Pero bakit kaya? Ano kayang sasabihin ni lolo? Bakit niya ba ako pinatawag?

Kung anoano pang mga katanungan ang pumapasok sa isip ko kung bakit ba talaga ako pinapatawag ni Lolo.

Mendoza Mansion

"Good morning, Sir Kole." Nakarating ako ng Mansion ng hinihingal. Ngitingiting sumaludo si Manong Joseph bago binuksan ang gate ng Mansion.

Binusinahan ko siya at saka dumiretsyo na papasok. Hindi na ako nag park sa parking lot ng Mansion dahil kanina pa nag vivibrate ang phone ko kaya sa harapan nalang ako ng Mansion nag park.

Hinihingal akong lumabas ng kotse. Para akong hinabol ng mga aso. Hindi ko alam, pero sa tuwing babanggitin ng tao ang Chairman, hinihingal talaga ako. Kinapa ko ang bulsa ng pants ko.

CYIAN
15 missed calls

Wo! Dami namang missed call ng tukmol na'to.

Napasandal ako sa pinto ng aking kotse. Tumatawag na naman si tukmol. Pipindotin ko na sana ang accept nang pinatay na niya ito. Napakamot nalang ako sa inis.

You missed a call from ZYIAN...

You missed a call from TYLAN...

You missed a call from RYLAN...

Eh?

ZYIAN calling....

Accept Decline

"Eh?" napataas ang kanang kilay ko nang si Zyian naman na ang tumatawag.

"Good morning, Sir Kole."

"U-uy!" gulat akong napayakap sa phone ko. "Nay Linda naman, eh!" napanguso ako.

"Ay, sorry. Nagulat ba kita?" umiling ako kahit totoo naman.

"Si Lolo po?" Mahinang tanong ko.

PERFECT TWO Where stories live. Discover now