PT: CHAPTER 3⚬Mendoza Cousins_4

17 3 0
                                    


Chapter 3

Zyian Pov

Tantanan tanan tan! Tan tan tanan tanan!!!!!!!

Wag kayong ano, alarm clock ko yan, uy.

Pagkatayo ko ay agad ko nang pinatay ang alarm clock ko na nakapatong sa mesang nasa gilid lang ng kama ko. Ang ingay, dinaig pa ang siren.

5:30 A.M

Mabilis kong inayos ang kama ko at lumabas na ng kwarto. Nasa bahay na ako ngayon pero yong apat na ugok ay natulog sa Mansion.

Hindi na ako sumama dahil napagod ako kanina sa habulan namin. Walangyang Kole talaga yon. Ang daming alam sa buhay.

"Oh, Takeshi, ang aga muna man ata?" pagkababa ko ng hagdan ay si Yaya Gie na agad ang nakita ko. Naglilinis ata siya dahil may hawak itong pamunas ng lamesa.

"Magjojoging po ako, Ya." Sagot ko bago dumiretsyo sa kusina.

Ramdam ko naman ang pagsunod niya. Nagtungo naman ako sa ref at naglabas ng pitchel. Nakita kong naglakad si Yaya Gie papunta sa may lutuan. "Ipagluluto na ba kita?" agad akong umiling habang umiinom.

"Later nalang po, ya." sabi ko bago ibinalik ang pitchel sa ref. Dumiretsyo na rin ako sa banyo pagkatapos.

Ilang minuto rin ang lumipas bago ako natapos mag shower. Sa loob narin ako nagpalit ng pangjogging na attire. Nang lumabas na ako ay ng doon parin si Yaya Gie. Napakunot naman ang noo ko.

"Ya, may problema po ba?" lalapitan ko na sana siya nang naglakad siya para pumunta sa dining at saka humila ng upuan para umupo roon.

Aba, ini-snob ako ni Yaya. Bakit kaya?

Sinundan ko siya at umupo sa silyang katabi niya. May nakita akong chocolate sa mesa kaya naman ay agad ko iyong kinain.

"T-Takeshi," gulat kong napapitlag sa aking upuan. Shit! diko na kita na nagmelt na pala tong chocolate. Subo ng subo eh. Idagdag mo pa yong pagtawag sakin ni Yaya.

"Naman, Ya." nagpunas ako ng bibig.

"Aalis na ako mamaya." napatigil ako sa pagpunas ng aking bibig. Dahan dahan akong tumingala sa kanya. Binigyan ko siya ng Nagpapatawa ka ba, Ya? na tingin. "Hindi, Takeshi. Hindi ako nagpapatawa.."

Napailing nalang ako at saka tumayo.

"Zyian Takeshi.." hinabol ako ni Yaya. "Takeshi naman.." babalik san ako sa taas pero nahabol na ako ni Yaya. Hinawakan niya ang braso ko at pilit na pinapaharap sa kanya. "Takeshi..."

"Y-Ya.." hindi ko alam pero naiiyak ako. Hindi ko parin siya hinarap, nakatalikod parin ako sa kanya. "Pati po ba naman kayo.. ay iiwan din ako?" napahilamos nalang ako sa mukha ko.

"Pero kailangan ako ng anak ko, Takeshi."

"How about m-me?" nautal ako sa tanong ko. Para rin akong nahiya. Ang kapal ko naman. Hahaha.

"Takeshi, intindihin mo naman sana ako, oh. Sobrang kailangan lang talaga ako ng anak ko ngayon. May sakit kasi ang anak ko ngayon. May cancer siya, Takeshi. Noong nakaraang buwan pa sana ako aalis pero iniisip ko lang yong kalagayan mo pagnawala na ako."

Naiiyak ako. Shit. Mukang nasasakal ko na ata si Yaya. Pero ang suwerte ko sa part nayon. At saka ang swerte ng anak niya. May nanay siyang sobrang mapagmahal. Yong gagawin ang lahat lahat para sa ikabubuti ng anak niya.

PERFECT TWO Where stories live. Discover now