PT: CHAPTER 5⚬WEIRD

9 0 0
                                    

'KENGKOY'


Chapter 5

Kole POV

"Mga dudes, ano na, sinong magdridrive?" Zyian asked again.

Ng dito kami ngayon sa parking lot ng Mansion. Ala-7 yong usapan pero 7:30 na, wala parin kami sa AV Mall. Reklamo there, reklamo here.

Nilapitan ni Tyler ang kotse ni Rylan. Magkakatabi lang naman yong mga  kotse namin. Yong nasa pinakauna ay ang kay Tyler, kulay orange na Lamborghini. Pareho sila ni Cyian na Lamborghini ang kotse, pero arancio borealis ang kulay ng kay Cyian, second to the last. Sunod ay ang kay Zyian, Polar White na Mercedes Benz.  Sa pinakagitna ay yong kay Seo Bin na Aston Martin na ang kulay ay lime green. Tas yong sa'kin naman ay kulay yellow na Ferrari.

"Seo Bin," tawag ni Tyler sa kanya. Nilingon naman siya ni Rylan. "Kot-"

"No way." 'Di paman nasasabi ni Tyler ang gusto niyang sabihin ay nasagot na agad ni Rylan.

"Psh. Di pa nasasabi, nasagot na agad." munimuni ni Tyler habang papalapit ulit samin.

Nasa gitna kasi kami, pinagtatalunan kung kaninong kotse ang gagamitin.

"Kotse mo nalang Javier." ngiting sabi  ni Cyian. Nanlaki naman ang mata ng isa.

"Duh?! Kay Kole nalang!" tinuro niya ako, magkatabi kasi kami ni Cyian. I glared at him.

"Tss. Fine." naglakad ako papalapit sa kotse ko.

"Meged! There can be miracles when you believe... " kumanta si Tyler.

Sasabayan pa sana ni Zyian pero sinita na siya ni Rylan.

"Tho-"

"Ya," sita uli ni Rylan sa kanya.

"Sinong magdridrive?" i asked. Kotse ko 'to kaya hindi ako yong magdridrive.

"Ikaw nalang, dude, mukha ka namang driver. HAHAHA!" hagalpak ni Tyler.

Mwolae.

"Tss. Kung mukha akong driver, para ka namang kotse na walang brake." sabi ko sabay bukas sa pinto ng aking kotse.

'Bat ang bango... ko?'

Napangiti ako sa naisip ko. Umiiling kong ibinalik ang tingin za kanila. Saglit na sapatigil si Tyler sa pagtawa at bahagyang tumingin kay Zyian.

"Eh?" taas kilay niyang tugon.

"Wala kasing preno yong bunganga mo." diretsyo kong sabi.

"Pfft! Hahaha!" sabay na tumawa sina Zyian at Cyian. Si Rylan, wala lang.

"Ha! Kung mukha akong kotse na walang brake, si Zyian naman, mukhang manibela!" hirit pa niya.

"Ano?!"

"Ang dali mo kasing mapaikot!" sabi niya at animo'y may manibela sa kanyang harapan.

"Hoy! Personalan?!" binatukan niya si Tyler. "Kung ako, mukhang manibela, pwes.. si Cyian naman, mukhang tae-"

"Gago! Dinamay pa ako!" pinandilatan niya si Zyian.

"Mukha ka kasing speedometer! Mabilis sumunod sa utos!" Nag-apir sila ni Tyler.

"Teka! May isa pa!" tumikhim siya. "Alam niyo bang mukha akong temperature gauge?"

Nanliit ang mga mata ko. Pareho kami ni Rylan.

PERFECT TWO Where stories live. Discover now