PT: CHAPTER 4⚬Mendoza Cousins_5

14 3 0
                                    


Chapter 4

Rylan Pov

"Mga dudes, anong oras na ba?" nilingon ko si Tyler nang magsalita siya. Nang dito parin kami sa Mansion, at ng dito kami sa kwarto ni Kole. Nasa baba si Kole kaya kaming tatlo nalang nina Cyian at Tyler ang nandito habang nakaupo dito sa kanyang kama. 'Di nga namin alam kung ano ba ang gagawin niya roon sa baba. Kung sakaling kukuha man siya ng pagkain sa baba, imposible yon dahil marami naman siyang pagkain dito. Sa dulo pa naman ng Mansion yong kuhanan ng pagkain. May Market kasi rito sa loob ng Mansion. Pagkatapos din naming maghabulan kanina, I mean- sila lang pala dahil hindi naman ako hinabol ni Kole, sumigaw lang ako ng 'Waaaa' gan'on , nag-arcade muna kami. May arcade rin dito sa Mansion. Hindi na namin nakasama si Zyian dahil umuwi na ang ugok. Nang mapagod na kami kalalaro, nagyaya namang magswimming si Tyler, di naman alam lumangoy non. Tsk.

Tumagal din kami ng isang oras sa pagswiswimming dahil muntik nang malunod ang ugok na si Tyler. Papunta punta pa kasi sa malalim eh, hindi na nga niya alam kung paano lumangoy.

Imbes na tulungan nina Cyian o si Kole si Tyler dahil silang tatlo lang naman ang naligo at nasa gilid lang ng pool sina Kole at Cyian, hayon, panay ang hagalpak, mamatay na nga yong pinsan nila, super saya parin nila. Pero dahil sa mabait ako, pumasok na ako sa Mansion para magpalit ng damit. Hindi nga ako nagswimming pero dahil nga sa ma ugok sila, basa doon basa rito ang ginawa. Muntik ko na ngang maihambalos sa kanilang tatlo ang upuan na inuupuan ko.

Pagkatapos kong magpalit kanina ay nadatnan ko parin ang dalawa sa pool nang tumatawa. Hinanap ko si Tyler dahil nag-aalala parin naman ako sa kanya. Napatingin ako sa upuan ko kanina dahil may tao roon na nakahiga, nakapatong ang paa nito sa isa pang silya. Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong humihinga pa siya. Naglakad ako papalapit sa kanya. Nakausot siya ng Rob. Tinapik ko nang kaunti ang pisngi niya para magising siya pero hindi gumana. Balak ko sana siyang sampalin nang kusa na itong magmulat ng mata. Napahakbang pa ako ng paatras dahil nagulat ako sa namumula niyang mata. Ang pula kasi. Tas yong ilong niya, naging Rudolf the red nose reindeer na, buong mukha niya pala, namumula rin. Kitang kita iyon dahil sa maputi niyang balat.

"Sachon, you okay?" natatandaan kong tanong sa expert kong pinsan pagdating sa swimming. Sachon means cousin in Korean.

"El primo, I feel like Im going to die.." wala sa sariling sabi niya habang nakatingin sa kawalan. Kakanta na ba ako ng Kumapit ka lang.. sa iyong pangarap- ay hindi! Iba yan. Kung wala ka ng maintindihan.. yan pala yon. Kung anu-ano pa kinakanta ko.

El primo stands for male cousin.

Inirapan ko siya. 'Yan kasi. Tsk. Tsk. Tsk. Kung nandito lang si Zyian, baka okay na si Tyler ngayon. Magaling kasi sa swimming si Zyian, kung meron mang malulunod, siguradong ililigtas agad niya ito. Pero wala ang ugok, eh. Mukang natrauma ata ang playboy ng pamilyang Mendoza."El primo, please.. I need water. " nagmamakaawa niya akong tinignan. Nilingon ko naman ang dalawa. Nag-iinuman ang mga ugok. Napapailing akong humarap ulit sa kanya.

"Ngayon lang ako magiging masipag. Maswerte ka." dali dali akong nagtungo sa loob ng Mansion pero bago pa man ako makalakad ay may nakaloloko muna siyang sinabi.

"Edi magpapalunod nalang ako ng paulit-ulit para maging masipag ka."

Ugok talaga.

Malakas ang pagkakapalag ko ng tubig sa mesa dahilan para taranta siyang bumangon, muntik pa siyang mapunta sa pool ulit, (dahil sa malapit lang kami sa pool) buti nalang ay naglakad si Kole kaya siya ang nahulog imbes na si Tyler. Iikot ata si Kole sa katabing upuan ni Tyler nang hindi naman niya inaasahang gan'on ang mangyayari.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PERFECT TWO Where stories live. Discover now