PT: CHAPTER 1⚬Mendoza Cousins_2

25 4 0
                                    



Chapter 1

Tylan Pov

"Mga dudes, ready na ba?" tanong ko sa tatlong tukmol habang pabalik balik sa harapan nila. Silang tatlo naman ay nakaupo sa sofa.

"Teka naman! Maka utos naman to. Wala ka namang ambag." inambahan ko ng suntok si Zhian dahil sa sinabi niya.

"Kapal mo. Tch. Ako yong nakaisip nito kaya, duh? Wag mo kong sabihan ng ambag-ambag na 'yan kung ikaw naman ang walang ambag dito." pinandilatan niya ako.

"Nye nye!"

"Dukutin ko mata mo eh." inambahan ko ulit siya ng sapak.

Ng dito kami ngayon sa Mendoza Mansion para I-prank lang naman ang pinsan naming si Kole. Hahaha.

"Dude, tawagan mo si Kole, kunyari lang Hahaha!" sabi ko kay Cyian.

Naglabas naman ito ng cellphone at saka idinial na ang numero ni Kole.

"Hindi sinasagot."

"Ulit-ulitin mo, kunyari urgent Hahaha!" dag dag ko pa.

Inulit ulit naman niya ito kaya naka tanggap ang tukmol na si Kole ng sampung tawag galing kay Cyian.

"Okay na. Ang problema nalang natin ngayon ay kung saan ipwepwesto itong Video-cam." nagsalita si Rylan at saka ito tumayo. Hawak niya ngayon ang maliit na Video-Cam na katatapus lang niyang ayusin. Sumingit ako sa pagitan nina Zyian at Rylan para makita ko nang lubos ang Video-Cam.

"Wo.. grabe talaga, ang galing mo." manghang tugon ni Cyian habang pinagmamasdan din ang sinira niyang VC. Kanina pa sana kami nakasimula pero itong tukmol na si Cyian ay naapakan niya kaya naman natagalan kami nang kaunti.

"Ipwesto natin dito." suggestion ni Zyian habang nakaturo sa malaking picture ni Lolo na nakadikit sa pader, sa pinakagitna ng silid.

"Hmm.." itinuro turo ko ang picture ni Lolo. Pwede naman. "Ay teka." Dalidali kong inilabas ang aking IPhone. Hinanap ko ang numero ni Kole at saka ito i-di-nial, pero ang walangya, di sinasagot.

"Zyian, try to contact Kole." Nilingon ko si Zyian. Tango tango itong inilabas ang kanyang cellphone.

"He's not answering.." sagot nito habang iwinawagayway ang IPhone sa ere. Tinignan ko si Rylan. Matic naman itong naglabas ng kanyang IPhone.

"Hindi niya rin sinasagot yong akin." Ani Rylan.

"Mamaya nalang ulit natin siya tawagan. I pwesto mo nayang Video-Cam." tumango naman si Rylan.

Tumingin ako sa lamesang na sa ibaba ng picture ni Lolo. May tatlong picture frames na sinlaki lang ng notebook ang nakalagay roon na pinapalibutan ng mga antique na mga tsaa at mga mangkok na galing pasa China at Korea. Yong nasa kanan na picture frame ay picture nina Lolo at Lola. Yong sa kaliwa naman, picture nila ng kanyang mga anak at sa gitna ay mga apo na. Ang gwapo ko ron grabe.

"Sure?" nilingon ako ni Rylan kaya tumango ako. Naglakad naman na ito roon. Inilagay na niya ang VC sa gilid ng picture ni Lolo. Puti ang kulay ng buong silid kaya naisipan naming kulayan din itong Video-Zam para hindi ito mahalata.

PERFECT TWO Where stories live. Discover now