Chapter 21

9.2K 304 120
                                    

Paris

"Why the hell did you do that?" tanong ko kay Ezzio nang makalabas kami ng library. Hindi pa naman lunchtime pero minabuti ko na lang na magpaalam kay King para naman maibsan ang tensyon sa kanilang dalawa. Tatlo kaming lumabas nina Raynold habang nagpaiwan naman roon si King. But now, it's just me and Ezzio. Nagpaalam na rin kasi si Ray agad. He probably sensed the heavy atmosphere between me and his friend.

Nakatayo kami sa gilid ng hallway malapit sa Engineering building. He shrugged. "I want to see him play."

"Then just watch his damn practice!" Hindi ko mapigilang itaas ang boses ko. Naiinis ako sa kanya! Masyado siyang pa-extra! Niyaya niya pa talaga si King ng 1-on-1 game? Akala mo siya 'tong basketball player sa kanilang dalawa, ah!

Tinitigan niya ako ng matagal. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya.

"Why are you so mad about this?"

I blinked. Napaawang rin ng konti ang mga labi ko at ilang segundo pa bago ako nakabawi.

"I-I'm not mad! Nakakainis ka lang talaga!"

"Bakit?" he asked right away, not even letting silence come between us. Ngunit natahimik na naman ako sa tanong niyang 'yon.

Bakit nga ulit?

After a while, I sighed. Mataman at mas kalmado ko na siyang tiningnan pabalik.

"Do you really think you stand a chance?"

I couldn't help but think about it. Ilang beses ko nang nakitang maglaro si King at hindi ko mapagkakailang magaling talaga siya. MVP pa nga . That's why I didn't like what Ezzio did. I found it pointless!

I watched Ezzio give me another unreadable stare. "Ganoon ba talaga siya kagaling para sa'yo?"

Ano bang meron sa mga tanong niya ngayon? Bakit napapatahimik ako?

Sa pagkakataong 'to, hindi na talaga ako nakasagot pa. Napagtanto niya siguro 'yon kaya nagpatuloy na lang siya. "I know I'm not as good as him, but you know I'll do my best, right?"

Malumanay ang pagkakasabi niya no'n. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga. Oo na. Tama yung sinabi niya. I had only known Ezzio for a few months but that was one of the main things I saw in him. Punong-puno siya ng determinasyon pagdating sa mga bagay na 'to. What he said was something I was pretty sure of.

He chuckled when he saw me roll my eyes heavenwards. Alam niyang hudyat na 'yon na ayos na ako.

"Bahala ka na nga dyan, Martinez," sabi ko, umiiwas ng tingin. Baka kasi pag tiningnan ko siya ng matagal ay mahawa ako sa ngiti niya.

"You better cheer for me this time, Villaverde."

Napag-usapan nina King na this Friday gawin ang laro. Wala kasi silang practice sa araw na 'yon kaya libreng-libre ang basketball court. Actually, medyo nainis rin ako kay King dahil sa pagsakay niya sa trip ni Ezzio. I mean, bakit siya pumayag? Pwede namang balewalain niya na lang 'yon.

5pm magsisimula ang game. No one knew about it except me, Venny, sina Sam, at iilang teammates at barkada nina Ezzio at King. Alright. There were quite a few. Pero maayos na rin 'yon kaysa buong student body ang makaalam.

"Hello, Sam. Hello, Anda," bati ko bago umupo sa tabi nila. Binati nila ako pabalik. Silang dalawa lang ang nandito. Wala si Lairen. Busy raw kasi sa ginagawang projecpt.

"Tell me again why they're doing this?" tanong ni Sam sa akin habang nakataas ang isang kilay. Umirap ako.

"Ewan ko nga, e."

Head Over Heels For Ezzio (Villaverde Series #1)Where stories live. Discover now